ARTISTS, INFLUENCERS NI ROBREDO TODO-SUPORTA KAY BAM AQUINO

NAGSAMA-SAMA ang iba’t ibang artista at influencers na tumulong sa kampanya ni dating Vice President Leni Robredo bilang pangulo noong 2022 para magpahayag ng buong suporta sa kampanya sa kandidatura ni dating senador Bam Aquino para sa Senado sa darating na halalan sa Mayo.

Kabilang sa mga dumalo sina Jolina Magdangal, Mark Escueta and Bayang Barrios, Niccolo Cosme, Mitch Valdes, Arman Ferrer, Ayrin Villamor, Moy Ortiz, AC Soriano, at comedian Alex Calleja.

Dumalo rin sina Pia Magalona, Arkin Magalona, Elmo Magalona, Nica del Rosario, Pinky Amador, Kerwin King, Tita Jegs, Jim Paredes, Elha Nympha, Jeli Mateo, Chef Jeng Flores, at marami pang iba.

Nagbahagi si Aquino ng larawan ng event kasama ang caption na, “Gising at mas handa na tayo ngayong 2025! LET’S DO THIS! Para sa Pilipino. Para sa Bayan!”

Suportado rin ng iba pang artista ang kandidatura ni Aquino, kabilang sina Bodjie Pascua, Lance Oca, Mama Loi Villarama, at mga miyembro ng The Company na sina Moy Ortiz, Sweet Plantado Tiongson, OJ Mariano, at Teacher Annie Quintos.

Samantala, pasok si Aquino sa Magic 12 ng Pinasurvey Candidate Preference Survey para sa Disyembre.

Batay sa survey, nakakuha si Aquino ng 37-porsiyentong probability na pupuwesto sa pagitan ng ikaanim hanggang ika-13 puwesto. Lumahok sa survey, na may rolling 3-month fieldwork period, ang 1,821 indibidwal mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa na may kinatawan bawat rehiyon, urban-rural, edad, kasarian, at kita.

Mayroon itong margin of error na plus-minus 2.3 percent. Pasok din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.

Kapag nakabalik sa Senado, isusulong ni Aquino ang dagdag na pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho.

10

Related posts

Leave a Comment