ASEAN CUSTOMS DECLARATION VIRTUAL KICK-OFF MEETING PINANGUNAHAN NG BOC

Ang Bureau of Customs, kasama ng United States Agency for International Development (USAID) – ASEAN Policy Implementation (API) Project, ay nagsama-sama sa ACDD Virtual Kick-Off Meeting sa pagitan ng Philippine NSW Leads at  Partner Agencies noong nakaraang Disyembre 22, 2020.

Ang nasabing kick-off meeting ay nagsilbi bilang ‘first official consultation meeting’ para sa technical assistance na ipinagkaloob ng USAID-API to BOC para sa Electronic Exchange of ASEAN Customs Declaration Document (ACDD) sa  ASEAN Single Window (ASW) System.

Pangunahin na pinag-aralan ay ang data elements base sa  Export Declaration (ED) na inisyu ng Customs sa panahon ng  exportation.

Lahat ng  ASEAN Member States ay inaasahan na makikipagpalitan ng ACDD document sa ‘ASW environment by 2021.’

Sa virtual kick-off, si Mr. Dennis Pantastico, ASW Advisor for USAID-API, ang nagbigay ng malalimang talakayan sa proyekto kasama ng kanilang mga layunin at mahahalagang impormas­yon kaugnay sa implementasyon.

Iprenisenta rin niya ang ACDD Weekly Action Plan na kung saan ay magsisilbi bilang gabay sa BOC at DOF NSW teams.

Si MISTG Deputy Commissioner Allan C. Geronimo, na siya rin ang Chairman ng NSW-TWG Project Team na binuo sa ilalim ng Customs Special Order No. 109-2020, ay nagpahayag ng suporta patungo sa ACDD project kasama ng USAID-API.

Bukod dito, nagpasalamat din siya sa USAID-API para sa pagbibigay ng technical assistance sa BOC hindi lamang na maabot ng Pilipinas ang kanilang pangako sa ASEAN, kundi maging makabago ang kanilang ‘risk management and profiling’ sa pamamagitan ng pakikipagpalitan ng makabagong impormasyong nilalalaman sa ACDD. (Jo Calim)

181

Related posts

Leave a Comment