PUNA ni JOEL O. AMONGO
TINAWAG na ipokrito at hangal ni dating executive secretary Atty. Vic Rodriguez ang mga grupong nangangalampag para ituloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa Facebook page ay nag-post si Atty. Rodriguez ng maikling mensahe patungkol sa mga politiko na maiingay sa isyu ng impeachment ngunit wala aniyang imik sa mga anomalyang ibinabato sa administrasyong Marcos Jr. Partikular niyang tinukoy ang ‘anomalya’ sa 2025 national budget, PhilHealth fund transfer at bilyong flood control budget. “Hypocrites and fools,” ang titulo ng post ni Atty. Rodriguez.
“Sa mga ‘πππππππππ’ at ‘πππππ’ na nananawagan ng transparency at accountability, bakit ang ingay ninyo sa impeachment pero πππππ ang bibig sa ππππππππ ng πππ, ππππππππππ at π ππππ πππππππ?” tanong niya.
“Sa mga ‘deeply committed to truth, justice and rule of law’, sa mga humihingi ng ‘due process at equal protection of the laws’, bakit hindi ninyo tuligsain at tugisin nang buong sigasig ang Marcos ππππ ππππππππππππππππ national budget?” ayon pa sa post.
Pinayuhan ni Atty. Rodriguez ang publiko na maging mapanuri at huwag aniyang magpamanipula sa mga unibersidad, relihiyon at personalidad na huwad ang pakikipaglaban sa korupsyon.
Nauna nang nangalampag ang University College of Law at De La Salle University sa pagkaantala ng impeachment ni VP Sara. Nakiisa na rin dito ang Ateneo School of Government at iba pang educational institutions sa bansa, maging ang grupo ng mga retiradong hukom at law experts.
Iginiit din ng Philippine Bar Association (PBA) na malinaw ang utos ng Konstitusyon na kailangang magsagawa ng impeachment trial ang Senado laban kay Duterte.
Sinabi ng PBA, hindi pwedeng balewalain ng Senado ang kaso o idaan sa boto kung itutuloy ito o hindi.
Ayon sa kanila, obligasyon ito ng Senado at hindi opsyon, lalo’t nakasaad sa Konstitusyon na ang paglilitis ay dapat agad na isagawa.
Iisa lang ang alam ng mga Pilipino na ang impeachment laban kay VP Sara ay pulitika at malinaw na gusto siyang tanggalin bilang vice president para hindi na siya makatakbo sa 2028 Presidential Election.
At kung pagbabasehan naman ang kampo ni VP Sara ay gusto nilang matuloy ang impeachment, sa katunayan ay handa na ang kanyang mga abogado na sasabak na magtatanggol sa pangalawang pangulo.
Balik tayo sa pahayag ni Atty. Vic Rodriguez, tama ang kanyang sinasabi na bakit hindi tingnan ng mga nangangalampag sa impeachment, ang kwestiyonableng 2025 national budget. Silipin nila kung tama ba ang ginawa ng mga nasa likod nito. Bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan dito.
Mas malaking pera ang pinag-uusapan sa 2025 national budget kaysa inaakusa kay VP Sara na mahigit 100 milyong piso lamang.
Minsan nang sinabi ni Ombudsman Samuel Martires sa pagdinig sa Kamara, na kapag hiningian ng resibo ang confidential fund ay hindi na itong matatawag na confidential fund.
Kahit ano pa ang atakeng ginagawa ng BBM administration sa mga Duterte ay hindi ito nagpapatinag dahil sa suporta ng mga Pilipino sa pamilyang Duterte. Napatunayan ‘yan nitong nakalipas na 2025 Midterm Election.
Abangan na lang natin ang mangyayari pagkatapos ng impeachment.
oOo
Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa operarioj45@gmail.com.
