3 RAPE SUSPECTS HULI SA PNP-PRO5

“I just want a clean slate record for persons at large,” I would say the manhunt started again,” pahayag PNP- PRO5 Regional Director Jonnel C. Estomo matapos na madakip ang ilang wanted suspect sa kasong panggagahasa, sa pangunguna ng no.1 most wanted person sa Casiguran, Sorsogon na may kasong two counts ng statutory rape. Ayon kay Bicol PNP chief, P/BGen. Estomo, nadakip sa ikinasang law enforcement operation ng Sorsogon-Casiguran MPS si Fernando Pancho Lacaste, 73-anyos na magsasaka ng Sitio Kagdagat, Brgy. Boton, Casiguran, Sorsogon. Nabatid sa report ni P/Col. Arturo Brual…

Read More

TELEMEDICINE SA NCR PALALAKASIN

SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na pinalalakas ang telemedicine sa Kalakhang Maynila upang hindi mapuno ang mga ospital sa gitna ng pagsirit ng COVID-19 infections. Paliwanag ni Abalos, hindi lahat ng COVID-19 cases sa Metro Manila ay kailangang i-confined sa mga ospital at medical facilities. “Once sa triage naman, na-assess, hindi naman lahat dapat i-ospital eh. Kaya nga importante on the ground, pinapalakas po namin ‘yung sa local government, ‘yung telemedicine. Napakaimportante po nito. Tatawagan mo, kamusta na, anong sintomas, oxygen level,” ani Abalos. “Mahirap…

Read More

‘DI BAKUNADO SA QC BAWAL NANG GUMALA

NAGPASA ng ordinansa ang Quezon City Council na maglilimita sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado laban sa COVID-19, sa nasabing siyudad.Ang City Ordinance na aprubado na sa third at final reading ay ipinakilala nina Councilors Eric Medina, Franz Pumaren, Donny Matias, and Jun Ferrer, Jr. Ito ay ipinanukala matapos na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council ay nag-isyu ng Resolution No.22-01, series of 2022, na hinihikayat ang local government units na magpasa ng mga ordinansa na maghihigpit sa paglabas ng mga tao na hindi bakunado.…

Read More

QC RESIDENTS HAYAAN PUMILI NG BOOSTER BRAND – DEFENSOR

UMAPELA si Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor sa local government units (LGUs) lalo na sa Quezon City, na hayaang pumili ang mga tao ng brand ng booster shot na gusto nila. Ayon sa mambabatas, may inilabas na ang Department of Health (DOH) na guidelines hinggil sa mix-and-match of primary jabs at booster shots na dapat sundin ng LGUs. Ginawa ni Defensor ang pahayag matapos madismaya sa Quezon City government dahil hindi sinasabi sa Vax Easy registration system ng lungsod kung anong brand ng bakuna ang ibinibigay ng mga ito sa…

Read More

PETISYON KONTRA BBM IBINASURA NG COMELEC

IBINASURA ng Commission on Elections ang isa pang petisyon para harangin ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bago pa magpalit ng taon ay dinesisyunan ng poll body ang petisyon na kumukuwestyon sa pagkakakilanlan ni Marcos Jr. ”’Yung kay Tiburcio Marcos has already been denied,” pahayag ni Jimenez. Ang nasabing petisyon ay inihain ng isang Tiburcio Marcos, independent presidential candidate sa 2022 elections. Bukod dito, mayroon pang nakabinbing limang petisyon laban kay Marcos, kabilang na ang 4 para sa diskwalipikasyon at 1…

Read More

BATAS BINABABOY SA PETISYON NI CUSI

SUKDULANG pambababoy sa umiiral na batas ang hangad ng petisyong inihain kamakailan sa Commission on Elections (Comelec) ng PDP-Laban (Cusi wing) na nagtutulak para sa muling pagbubukas sa paghahain ng kandidatura para sa Halalan 2022. Sa isang kalatas na ipinalabas ng militanteng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), binatikos ng grupo ang anila’y basag na partido, sa anila’y pagpapamalas ng kasakiman sa kapangyarihan ng mga tinaguriang trapo (traditional politicians). Ayon kay Arsenio Evangelista na tumatayong pangulo ng VACC, ang petisyong inihain ng PDP-Laban (Cusi wing) ay malinaw na patunay ng…

Read More

‘SAVE STREET KIDS’ TEXT HELPLINE VS COVID IPINANAWAGAN NG BBM-SARA UNITEAM

NANAWAGAN ang BBM-Sara UniTeam na agarang itayo ang isang ‘text helpline’ para sagipin ang mga ‘street kids’ sa gitna ng muling pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa. Ayon kay Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., mahalagang masagip agad ang mga ‘batang hamog’ dahil sila ang mas madaling madapuan ng sakit, lalo’t pinangangambahang umaatake na rin ngayon ang bagong variant na Omicron. Nitong nakalipas na Pasko hanggang sa kasalukuyan, kapansin-pansin ang pagdami ng mga kababayan nating namamalimos sa kalsada kabilang na ang mga kabataan…

Read More

PARUL SAMPERNANDU DISPLAY SA CCP MATUTUNGHAYAN SA DISYEMBRE 10

Sa matinding pinsalang dala ng Covid-19, tila halos itigil nito ang galaw ng mundo maging ang tradisyon ng paparating na Pasko. Gayunman, ang Cultural Center of the Philippines ay naniniwalang dapat pa ring ipagpatuloy ang diwa ng Pasko at ituloy ang tradisyong Pinoy bilang imahe ng pasasalamat, pag-ibig at pag-asa sa kabila ng ating pinagdaraanan. Sa taong ito, ang CCP ay nagpupugay sa panahon ng Kapaskuhan sa gaganaping “Pasko 2020,” isang pabulosong display ng Parul Sampernandu, na magbibigay liwanag sa CCP Main Building Facade at sa complex grounds mula Disyembre…

Read More

COVID-19 CASES SA PINAS, HIGIT 85K NA

SUMAMPA na sa mahigit 85,000 ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, dalawang araw bago sumapit ang buwan ng Agosto. Nabatid na nakapagtala ng mahigit 1,800 bagong bilang ng tinamaan ng naturang sakit sa bansa. Sa press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa huling datos ng Department of Health (DOH) alas-4:00 ng hapon nitong Miyerkoles, umabot na sa 85,486 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa. Sa nasabing bilang, 56,528 ang aktibong kaso. Nabatid na base sa mga ipinadalang datos ng 83 licensed laboratories, 1,874 ang bagong…

Read More