PETISYON KONTRA BBM IBINASURA NG COMELEC

IBINASURA ng Commission on Elections ang isa pang petisyon para harangin ang kandidatura ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, bago pa magpalit ng taon ay dinesisyunan ng poll body ang petisyon na kumukuwestyon sa pagkakakilanlan ni Marcos Jr.
”’Yung kay Tiburcio Marcos has already been denied,” pahayag ni Jimenez.

Ang nasabing petisyon ay inihain ng isang Tiburcio Marcos, independent presidential candidate sa 2022 elections.

Bukod dito, mayroon pang nakabinbing limang petisyon laban kay Marcos, kabilang na ang 4 para sa diskwalipikasyon at 1 naman ay para sa kanselasyon ng kanyang Certificate of Candidacy.

Ito ang ikalawang petisyon laban kay BBM na ibinasura ng Comelec. Una nang dinenay ang petisyon ni independent presidential contender Danilo Lihaylihay laban sa dating senador.

Samantala, inihayag ng Comelec na kung mananatiling bukas ang mga kaso pagkatapos ng botohan at nakamit ni Marcos Jr. ang pinakamataas na boto ay hindi makaaapekto rito ang mga petisyon, base sa panuntunan ng poll body.

208

Related posts

Leave a Comment