SINGLE-USE PLASTIC BAN DIIINAN

MULING iginiit ni Sen. Cynthia Villar ang panukalang ipagbawal ang “single-use plastic” sa pagpupulong ng mga pinuno ng mga ahensiyang naatasang maglinis at mag-rehabilitate sa Manila Bay. Sa 2nd Principals’ Meeting at Conference ng Manila Bay Task Force na idinaos sa Diamond Hotel, Manila, binigyan diin ni Villar na ang plastic waste ang pinaka-nakaaalarmang environmental issue. “Ang plastic ang isa sa pinakamalubhang nakapipinsala sa ating kapaligiran at pumapatay sa mga yamang dagat. Alam natin lahat iyan dahil sa lahat ng cleanups, puro plastic wastes ang nako-collect natin,”ayon kay Villar. Iginiit…

Read More

CUY MULING ITINALAGA NI PDUTERTE SA DDB

Catalino Cuy

ITINALAGA muli ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang chairperson ng Dangerous Drugs Board (DDB) si Secretary Catalino S. Cuy. Ang re-appointment papers ni Cuy ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Enero 21, 2020. Una siyang itinalaga sa naturang ahensya noong Enero 21, 2018. Nasa ilalim ng pamumuno ni Cuy ang Philippine Anti-Illegal Drugs o PADS. Nakapaloob sa Executive Order No. 66, Series of 2018 na nilagdaan ni Pangulong Duterte na ipinag-uutos sa lahat ng mga ahensiya ng gobyerno kasama na ang Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at State Universities…

Read More

PAGPATAY KAY EX-CONG. MENDOZA PINAGPLANUHAN SA BILIBID

CIDG-1.jpg

SA loob ng New Bilibid Prisons nabuo ang planong itumba si dating Batangas 2nd district congressman Edgar Mendoza. Ito ang lumitaw sa pagsisiyasat ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa karumal-dumal na krimen na sinapit ng dating kongresista na ikinadamay ng kanyang driver at bodyguard kamakailan sa Tiaong, Quezon. Ikinukonsidera na ng PNP-CIDG na sarado ang kaso ng dating mambabatas matapos madakip ang lima sa mga pangunahing suspek. Ito ang pahayag ni PNP-CIDG Director P/Bgen. Napoleon Joel Coronel kasunod ng pagkakadakip sa mga suspek na sina  Kristine Fernandez, Madonna…

Read More

TOTOONG HUSTISYA SA SAF 44

SAF44

Iginiit sa pag-alala sa kamatayan ng mga commando sa Mamasapano encounter HUMIRIT ng totoong hustisya ang mga pamilyang naulila ng tinaguriang SAF 44 sa paggunita sa ikalimang taong kamatayan ng mga ito kahapon. May kalungkutang ginunita ng pamunuan at mga kasapi ng Philippine National Police ang katapangan, kabayanihan at pagbubuwis ng buhay ng 44  Special Action Force commandos para lamang makuha, buhay o patay ang kilabot na Malaysian terrorist na si Zulkifli Abdhir. Kasabay nito ang panawagan ng mga kamag-anak ng SAF 44 para sa tunay na hustisya sa pangunguna…

Read More

MALASAKIT SA KAPWA

PUNA

MASARAP isipin na hanggang ngayon ay marami pa rin sa mga Filipino ang nananatiling may malasakit sa kanyang kapwa. Kamakailan, tumawag sa inyong lingkod ang isa sa ating kaibigan na si Dr. Dionel Tubera, ng Quezon City na nagtatanong kung may alam daw ba akong evacuation center na pwedeng pagdalhan ng relief goods dahil nakikita raw niya sa aking Facebook posts na pabalik-balik ako sa Batangas at Cavite upang mag-cover hindi lang para sa relief goods distribution subalit maging sa pagmomonitor ng kaligtasan ng mga tao. Dahil batid kong mabuti…

Read More

PINOY TIWALA PA RIN KAY PDU30

duterte33

SA kabila ng mga naglipanang kritiko ay mayorya pa rin ng mga Filipino ang tiwala at nagmamahal kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pag-aalala sa kalusugan nito. Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ang pag-aalala ng nakararaming Pinoy sa Pangulo ay patunay lamang na mahal nila ang Presidente. Lumabas kasi sa 2019 fourth quarter survey ng Social Weather Stations (SWS) na 72 porsiyento ng mga Filipino ang “worried” sa kalusugan ni Pangulong Duterte. Ani Sec. Panelo, hindi man aniya kasing-lakas ng kalabaw si Pangulong Duterte, o kasing-bata ng iba,…

Read More

PAGKAKAISA NG TSINOY

OKAY O OKRAY

NAKATUTUWA o OKAY na OKAY  limiin na nagkakaisa ang mga Filipino at Chinese sa pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong year of the white metal rat, ang totoong bente-bente (2020) na sa dayalogo ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay etneb-etneb. Hindi lang naman sa Maynila partikular sa Binondo ipinagdiriwang ang Chinese New Year subalit maging sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na kadalasang tinatawag na China Town. Okay ang ginagawang pagdiriwang sa iba’t ibang panig ng mundo dahil halos isang ikalima (one fifth) ng populasyon sa  planeta ay…

Read More

COLIFORM LEVEL SA MLA BAY BUMABA

MANILA BAY-4

BUMABA na ang coliform level sa Manila Bay, isang taon matapos itong isailalim sa rehabilitasyon. Ayon kay Department of Environment and National Resources (DENR)-Manila Bay Coordinating Office Director Jake Meimban, bumaba na ang fecal coliform level sa Manila Baywalk, Baseco beach at Estero Antonio de Abad, ngunit, hindi pa rin ito pasok sa standard level. “We are winning on these three priority areas in terms of lowering the fecal coliform level, also in terms of collecting or cleaning up the garbage in that area. But on the coliform levels, a…

Read More

LIZA, NAMI-MISS ANG PAGSASAYAW NI QUEN

Liza Soberano-Enrique Gil-2

Katulad ng ibang magkasintahan ay normal na kina Liza Soberano at Enrique Gil na magkaroon ng tampuhan. Minsan ay sobrang babaw lamang umano ang dahilan nang hindi pagkakaunawaan ng dalawa ayon sa aktres. “I think the pettiest fight we had was me forcing him to do ASAP (Natin ‘To). Because of course Enrique is so busy and he’s tired, he doesn’t have time to rehearse. But sometimes nami-miss ko siyang makitang sumasayaw,” nakangiting kwento ni Liza. Para sa aktres ay na kay Enrique na ang lahat ng mga katangian na…

Read More