SEN. PIA CAYETANO NANUMPA SA IKAAPAT NA TERMINO SA SENADO

NANUMPA si Senator Pia S. Cayetano sa harap ni Chief Justice Alexander Gesmundo ngayong Huwebes, Hunyo 26, 2025, sa isang seremonya sa bagong Taguig City Hall para sa kanyang muling termino sa Senado. Kasama niya ang kanyang mga anak, sina Mayor Lani Cayetano, Senator Alan Peter Cayetano, Senate President Francis Chiz Escudero, at mga piling panauhin.

Sa pagpasok ng Ika-20 Kongreso, muling pinagtibay ni Senator Cayetano ang kanyang paninindigan sa pagsusulong ng mga pangunahing adbokasiya gaya ng edukasyon, kalusugan, reporma sa enerhiya, at mga polisiyang makabubuti sa pamilyang Pilipino.

Nanumpa rin sa parehong araw si Taguig City Mayor Lani Cayetano para sa panibagong termino sa lokal na pamahalaan. Ang seremonya ay nagsilbing pagtitipon ng mga lider mula sa lokal at pambansang antas, na pinagbubuklod ng iisang layunin: ang tapat na paglilingkod sa bayan.

(DANNY BACOLOD)

23

Related posts

Leave a Comment