KALABOSO ang isang Chinese national makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Highway Patrol Group dahil sa pagbebenta nito ng nakaw na sasakyan.
Ayon kay PLt. Dame Malang, spokesperson ng HPG, dakong alas-8:30 noong Miyerkoles ng gabi, inaresto ang suspek sa parking area ng isang gusali sa Paco, Manila.
Ayon sa ulat, inaresto ang suspek dahil sa natanggap na reklamo na nagbebentang ito ng sasakyan na nasa hold order list.
Kapag ang sasakyan ay nasa hold order list ay bawal itong ibenta dahil posibleng mayroon itong pending investigation o sangkot sa paglabag sa batas trapiko o posibleng krimen.
Samantala, nakumpiskahan din ang suspek ng umano’y shabu, cocaine, marijuana, baril at mga bala.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Anti-Fencing Law.
(TOTO NABAJA)
