NAKAKUHA ng mataas na approval ratings ang Pasig, Quezon City, Manila, Marikina at Valenzuela sa NCR MAYOR COVID-19 Performance Survey na isinagawa ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMDinc). Ang mga nasabing lokalidad ang nanguna sa mga local government unit (LGU) sa National Capital Region (NCR) pagdating sa kanilang job performance sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic. Batay sa survey, 86% ng Pasig residents ang pabor sa pamamaraan ng kanilang alkalde at City Government sa paglaban sa COVID-19 pandemic. Ang ikalawa sa limang may pinakamataas na job approval…
Read MoreAuthor: admin
HOUSE PROBE IKAKASA SA REPATRIATION NG OFWs
AALAMIN ng House committee on public account ang problema ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapauwi, hindi lamang sa mga buhay na Overseas Filipino Workers (OFWs) na naapektuhan ng COVID-19 pandemic kundi maging ang mga patay na matagal nang stranded sa iba’t ibang bansa. Ito ang napag-alaman kay Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor, chairman ng nasabing komite, dahil hindi aniya katanggap-tanggap ang delay sa pag-repatriate sa OFWs. “Consistent with the directive of Speaker Alan Peter Cayetano in the case of the [Social Amelioration Program], we want to look into the…
Read MoreCOVID-19 FUNDS NG DOH HIHIMAYIN NG OMB
SISIMULAN na rin ng Office of the Ombudsman na imbestigahan kung paano ginastos ng Department of Health ang pondong laan sa paglaban sa COVID-19. Isusumite ng Department of Budget and Management ang mga dokumento sa Ombudsman bilang tugon sa kahilingan nito para sa nagpapatuloy na pagbusisi sa pagtugon sa COVID-19 ng pamahalaan. Tiniyak ni Budget Secretary Wendel Avisado kay Ombudsman Samuel Martires ang kooperasyon ng departamento sa imbestigasyon. Nauna nang sinabi ni Martires na nagpadala na ang kanyang tanggapan ng subpoena kay Avisado at Health Secretary Francisco Duque III para…
Read MoreDA GIGISAHIN SA P271-M FERTILIZER SCAM
MAGIGISA sa Kongreso ang Department of Agriculture (DA) dahil sa tumataginting umanong P271 milyong overpriced fertilizer na binili ng ahensya. Sa House Resolution (HR) 992 na inakda ng Makabayan Bloc sa Kamara, nais nilang imbestigahan ang tinagurian nilang bagong fertilizer scam dahil hindi lang ang mga magsasaka ang biktima dito kundi ang mga taxpayer. Base sa nasabing resolusyon, nag-imbita ang DA noong Abril 28, 2020 ng mga supplier ng 5.69 million bags urea fertilizer na nagkahahalaga ng P5.69 Billion kung saan nanalo ang La Filipina Uy Gongco Corporation para mag-supply…
Read MoreNAPAKATALAMAK NG MGA ILEGAL NA KLINIKA SA PARAÑAQUE
HABANG aking inaabangan kung kailan sisimulan ng Senado ang imbestigasyon sa nagsulputang mga ilegal na klinika o medical center na pag-aari ng mga Chinese national na narito sa bansa, mayroon na namang panibagong nadiskubre sa Lungsod ng Parañaque. Ayon sa Parañaque PNP, ang nilusob nilang establisimiyento nitong Hunyo 20 ay nakapuwesto sa ikatlong palapag ng Morgana Building sa Multinational Avenue. Nakumpiska ng mga pulis ang sterile dextrose, stethoscopes, personal protective equipment, 64 boxes na naglalaman ng mga gamot para sa ubo, trangkaso, coronavirus disease 2019 (COVID-19) at iba pang gamot…
Read MoreMISCELLANEOUS AND OTHER FEES WALA NA SA KATUWIRAN
WALA na sa katuwiran ang mga private school na maningil ng miscellaneous at other fees sa mga estudyante lalo na’t hindi gagamitin ang kanilang mga pasilidad dahil idadaan naman sa electronic ang pagtuturo sa mga bata ngayong panahon ng pandemya. Maaaring ang mga estudyante sa mga private school ay anak ng mga may kaya sa buhay pero hindi pa rin makatarungan na singilin sila ng miscellaneous at other fees na mas malaki pa kumpara sa tuition fee na hindi naman talaga kailangan. Sa loob ng kani-kanilang bahay magsisipag-aral ang mga…
Read MoreCHINESE WOMAN ARESTADO SA P27.2-M SHABU
TINATAYANG aabot sa P27.2 milyon halaga ng shabu ang narekober ng mga awtoridad sa isang hinihinalang bigtime drug personality na Chinese national na nasakote sa buy-bust operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Northern Police District (NPD) Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang naarestong babae na si Tuan Xi Yao, alyas “Wendy/Chekwa”, 38, may asawa at walang trabaho. Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng PDEA RO-NCR Eastern District Office, PDEG SOU4 at District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng…
Read MoreNASAWING OFWs SA SAUDI, IUWI SA PINAS
PINAKIKILOS ni Senador Francis Pangilinan ang mga ahensya ng pamahalaan para ibalik ang mga labi ng lahat ng nasawing overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia dahil sa COVID-19. “Iginigiit natin sa administrasyon na payagan ang pagpapabalik sa bansa ng katawan ng mga OFW na namatay sa COVID-19 sa Kingdom of Saudi Arabia,” sabi ni Pangilinan. Kasabay nito, pinatitiyak ng senador na magagarantyahan nang mahigpit na mga protocol ang kaligtasan at kalusugan upang matiyak na walang sinuman ang mahahawaan ng sakit sa pagbiyahe ng mga labi. “Maraming taon nang malayo…
Read MoreSa patuloy na repatriation sa OFWs OWWA, POSIBLENG MA-BANKRUPT
INAMIN ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na posibleng ma-bankrupt ang ahensya kung magpapatuloy ang repatriation ng mga OFW hanggang sa susunod na taon. Sa pagdinig ng Senate Committe on Labor Employment and Human Resource Development, sinabi ni OWWA Administrator Hans Cacdac na nasa 150,000 pang OFW ang kailangang irepatriate dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Sinabi ni Cacdac na aabot sa P4.5 bilyon ang gagastusin sa pagpapauwi sa mga OFW kasama na ang kanilang quarantine at transportasyon papunta sa kani-kanilang tahanan. Sa pagtaya ng opisyal, sa pagtatapos ng 2020…
Read More