DAVAO DEL SUR—-Nakapagtala na naman ng panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang Municipal Health Office (MHO) sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigang ito. Ayon kay Dr. Raygene Madronero, MHO officer sa lugar, isang 50-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na umuwi mula sa Kuwait ang dumating sa Manila noong Hunyo 4. Ito ang pangatlong kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar. Sinabi ni Madronero, nag-negatibo ang OFW sa isinagawang Rapid Test-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) nang dumating ito. Noong Hunyo 10 nang dumating ang OFW sa Francisco Bangoy International…
Read MoreAuthor: admin
Nadakma sa sabungan sa Batangas RET. GENERAL PINAPUSLIT SA RAID NG NBI?
ITINANGGI ng National Bureau of Investigation (NBI) na pinapuslit ng kung sinumang kanilang agent ang sinasabing retired police general na kasamang nadakma sa ilegal na sabungan sa compound ng GC Berberabe Subdivision sa Pallocan East, Batangas City. Ayon kay Atty. Topher Hernandez ng NBI Batangas, nawala ang retired general matapos na magkagulo at magtakbuhan ang mga nagsasabong nang dumating ang mga awtoridad. Hindi rin nila matiyak kung ang pangalang nakasulat sa entry na Edgardo Tinio ay si dating Quezon City police director, Chief Superintendent Edgardo Tinio na retirado na sa…
Read MoreEX-COP NA SABIT SA GUN FOR HIRE, NAPATAY
PANGASINAN – Patay ang isang dating pulis na sangkot umano sa gun for hire group, makaraang makipagbarilan sa mga awtoridad na tangkang dumakip sa kanya noong Lunes sa bayan ng Mangaldan sa lalawigang ito. Ayon sa ulat ng pulisya, matagal nang pinaghahanap ng mga alagad ng batas ang suspek na si Efren Ponceja dahil sa kasong pagpatay. Sa tulong ng ilang informant, natunton ang pinaglulungaan ng suspek sa bayan ng Mangaldan ngunit nang aarestuhin ng mga pulis, agad umanong nagpaputok ng baril kaya gumanti ang mga awtoridad at napaslang ito.…
Read More41 COVID-PATIENTS SA LAS PIÑAS, GUMALING NA
NAITALA ngayong araw, June 23, 2020, ang apatnapu’t isang (41) pasyente na gumaling sa coronavirus disease 2019, ang pinakamalaking bilang ng recovery cases sa lungsod ng Las Piñas. Ibinahagi ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar ang panibagong pagkakatala ng mga pasyenteng gumaling sa sakit kung saan umabot na aniya sa kabuuang 275 recoveries sa buong siyudad. “Tuluy-tuloy ang ating lokal na pamahalaan sa kanyang mga hakbang na tugunan ang [mga] COVID cases at mapigilan ang pagkalat ng virus sa lungsod,” sabi ni Mayor Mel Aguilar. Ayon pa sa alkalde, ang mga…
Read MoreSEMI-LOCKDOWN, IPINATUTUPAD SA SENADO
KINUMPIRMA ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na semi-lockdown ang ipinatutupad ngayon sa gusali ng Senado makaraang dalawa pang empleyado nito ang nagpositibo sa COVID 19. Sinabi ni Sotto na hindi nila maipatupad ang total lockdown dahil may mga isinasagawang hearings ang iba’t ibang komite at kailangan din anyang maproseso ang sweldo ng mga empleyado. Idinagdag pa ng senador na nagkausap na sila ni Senate Secretary Atty. Myra Villarica at pinayuhan na payagan na lamang ang mga departamento na gustong magpatupad ng total lockdown. “We are already in semi…
Read MoreSa gitna ng pandemya PDU30 IIKUTIN ANG PILIPINAS
PLANO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na libutin ang bansa sa mga susunod na araw sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19. Sa public address ni Pangulong Duterte, nitong Lunes, Hunyo 22, ay sinabi nito na bibisitahin din niya ang mga kampo ng militar. “If I am reckless enough then I’d get it because in the coming days I intend to go around the country, magbisita ako. Magbisita pa ako ng kampo ng military so I just have to take precautions,” ayon kay Pangulong Duterte. “Kung may…
Read MorePDU30 MANGANGALAP NG OPINYON UKOL SA ANTI-TERRORISM BILL
NGAYONG linggo ay inaasahan nang makatatanggap si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga opinyon mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan hinggil sa legalidad ng batas na naglalayong palakasin ang anti-terrorism campaign ng bansa. Sa ngayon, tanging ang Department of Justice at ang Office of the Chief Presidential Legal Counsel pa lang ang nagpadala ng kanilang komento hinggil sa kontrobersiyal na batas, na sinertipikahan naman ni Pangulong Duterte bilang urgent. Inaasahan naman na magbibigay ng legal opinion ang Office of the Executive Secretary. “Hindi ko po alam kung talagang nabasa…
Read MorePalasyo naalarma sa mataas na kaso ng COVID-19 CIMATU ISINUGO NI PDU30 SA CEBU
IPINADALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu sa Cebu para tugunan ang patuloy na nakaaalarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lungsod. Sa public address ni Pangulong Duterte, noong Lunes, sinabi nito na si Cimatu ay “adjunct” official ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases para alamin kung ano ang dapat gawin sa Cebu. “I am just sad that Cebu has to undergo that kind of painful situation now but nonetheless kaya natin ‘yan,” ayon sa Chief Executive. “And I am sure Cimatu he cannot…
Read MoreMALAKANYANG AMINADONG KAPOS ANG TEST KITS
AMINADO ang Malakanyang na may kakulangan ang bansa sa polymerase chain reaction (PCR) test kits. Ito ay matapos magpahayag ang Palasyo na wala silang nakikitang mali sa proseso ng pagpapauwi sa mga locally stranded individual (LSIs) pabalik ng kani-kanilang mga bayan sa gitna ng panawagan ng mga mambabatas na rebisahin ang Hatid Probinsya (Hatid Tulong) program ng pamahalaan. Ang problema, ani Presidential Spokesperson Harry Roque, ay wala sa pagpapauwi sa mga LSI pabalik sa kanilang mga bayan kundi ang kakulangan ng PCR test kits. Ang paliwanag ni Sec. Roque, dahil…
Read More