NANG mahatulan sina Rappler Executive Editor Maria Ressa at dating Rappler Reporter/Researcher Reynaldo Santos Jr. ng pagkabilanggo ng anim na buwan hanggang anim na taon dahil sa paglabag sa probisyon hinggil sa cyber libel ng Cybercrime Prevention Act of 2012, sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan at Senador Ana Theresia “Riza” Hontiveros ang nanguna sa mga mambabatas na kumampi at nagtanggol sa dalawang mamamahayag. Ito ang komentaryo ni Pangilinan: “Under the current political atmosphere of repression and authoritarianism, it would have been a surprise if Maria and Reynaldo were acquitted. The…
Read MoreAuthor: admin
PAGGAMIT NG VCO SA COVID PABOR SA MAGNINIYOG
Kung matutuloy ang paggamit ng Coconut Virgin Oil (VCO) para sa COVID-19 ay milyong magsasaka ng niyog mula sa Bicol Region, Visayas hanggang Mindanao ang makikinabang nito. Sa mga lugar na ito, ang kanilang kabuhayan ay nagmumula sa puno ng niyog na tinaguriang ‘tree of life’. Bakit tinawag itong ‘tree of life’? Halos lahat kasi mula sa puno ng niyog ay napapakinabangan. Mula sa kanyang bunga, nagmumula ang langis, pagkain (buko), tinapay, candies, copra, sabon, pabango, uling mula sa bao, katas ng bulaklak ay nagiging tuba (alak). Sa dahon naman…
Read MoreInternet sa kanayunan mapasisigla ‘pag naitayo ang telco towers – CWP ‘RED TAPE’ SA CONSTRUCTION PERMIT INIANGAL
PINALAGAN ng isang advocacy group ang ‘red tape’ sa pamahalaan na nagiging dahilan para matagalan ang pagtatayo ng mga tore o cell tower na magbibigay-daan para magkaroon ng internet sa maraming lugar sa bansa. Pahayag ito ng Citizen Watch Philippines makaraang tumanggap ng ulat na naiipit ang mga contractor ng telco towers sa proseso ng construction at work permits mula sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Partikular na tinukoy ng grupo ang umano’y sobrang habang panahong paghihintay ng building permission sa mga lokal na pamahalaan bago makapag-umpisa ng pagpapatayo ng…
Read MoreSENADO PINAKILOS SA SAP DISTRIBUTION
NAIS paimbestigahan sa Senado ang mabagal na pagkakaloob ng ikalawang cash assistance para sa mga pamilyang labis na naapektuhan ng COVID-19. Ayon kay Senador Leila De Lima, kailangang kumilos ang Senado kung sino ang may pagkukulang sa pagtugon sa pangangailangan ng taumbayan. Sinabi pa ni De Lima, chairperson ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development, na inihain nito ang Senate Bill (SB) No. 441 na nag-aatas sa kinauukulang komite sa Senado na mag-imbestiga sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP) na nasa ilalim ng Republic Act No.…
Read MoreANTI-TERROR BILL, HINIHIMAY PA BAGO PIRMAHAN NI PDU30
HINIHIMAY pang mabuti ng gobyerno ang benepisyo ng Anti-Terror Bill sa panahong may banta ng terorismo. Sa Laging Handa press briefing ay sinabi ni Sec. Roque na kumbinsido siya na maayos at mabuti naman ang paliwanag ng mga may-akda ng panukalang batas, kasama ang pangunahing may-akda na sina Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson at Vicente ‘Tito’ Sotto. “Ang buong gobyerno naman po dahil sinertipikahan ito bilang urgent, iniisa-isa at hinimay-himay ang benepisyo ng isang anti-terror law sa panahon na talagang banta po ang modern-day terrorism,” ayon kay Sec. Roque. Sa ulat,…
Read MoreRAPID TESTING NG PRC PALALAKASIN PA
INIHAYAG ni Senador Richard Gordon na palalakasin pa ng Philippine Red Cross ang rapid testing sa corona virus 2019 (COVID-19) sa lahat upang madali nang makabalik sa trabaho ang mga manggagawang nawalan ng hanapbuhay sanhi ng lockdown. Sa pahayag, sinabi ni Gordon na kapag napataas at napabilis ang pagsasagawa ng rapid testing sa mamamayan, malaki ang posibilidad na mas mabilis makabalik sa trabaho ang manggagawa. Sa ngayon, umabot sa 17.7 porsiyento ang unemployment rate sa bansa sanhi ng COVID-19 pandemic – pinakamataas sa lahat ng panahon na nilampasan ang 10.3%…
Read MoreBACKRIDE MAAARI NA MULING PAYAGAN
POSIBLENG payagan na rin ng gobyerno ang backriding sa motorsiklo sa oras na maayos ng mga kinauukulang ahensiya ang safety protocols na naglalayong bawasan ang posibilidad ng paghawa ng COVID-19 sa nasabing mode of transportation. “Ang DOTr (Department of Transportation), kasama ang DOST (Department of Science and Technology), DOH (Department of Health), MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), at DTI (Department of Trade and Industry) ay inatasan na magpulong at alamin ang pinakaligtas at epektibong paraan para mabawasan ang transmission sa back riding sa mga motorsiklo,” ayon kay Presidential spokesperson Harry…
Read MoreLalong nabaon si Juan dela Cruz PH, $8.1-B INUTANG SA DAYUHAN
UMABOT sa 8.1 bilyong US dollar ang inutang ng Pilipinas mula Enero hanggang Marso ngayong taon sa iba’t ibang pandaigdigang pampinansiyang institusyon at bangko, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Nangangahulugang patuloy na nabaon sa utang si Juan dela Cruz, pangalang tumutukoy sa mga Filipino. Ayon sa BSP, mababa pa ang $8.1 bilyon sa inutang ng pamahalaan sa naunang tatlong buwan mula Oktubre hanggang Disyembre 2019 na pumalo lamang sa $83.6 bilyon dahil nagbayad ang pamahalaan ng $4 bilyon sa nasabing panahon. Ibinayad ang $4 bilyon sa iba’t ibang…
Read MoreITIGIL ANG KASAKIMAN AT KATAKAWAN SA PERA
NITONG Hunyo 14, paksa ng Badilla Ngayon ang pagtaas ng matrikula ngayong pasukan. Kung ano ang pamagat ng paksang tinalakay ko ay siya rin ang aking pananaw, paninindigan at panawagan: “Huwag Itaas ang Matrikula.” Ang totoo, panawagan ni Senador Sherwin Gatchalian ang ginamit kong tuntungan upang talakayin ang kawastuhan, kahalagahan at napa panahong panawagang huwag itaas ang matrikula. Ganito ang panawagan ni Gatchalian sa mga may-ari at namamahala ng mga pribadong unibersidad at kolehiyo sa bansa: “With the number of jobless Filipinos soaring to a record high of 7.3 million…
Read More