Bilang paggunita sa Eid’l Adha REGULAR HOLIDAY BUKAS, IDINEKLARA NG MALAKANYANG

OPISYAL nang idineklara ng Malakanyang na regular holiday bukas, araw ng Biyernes, Hulyo 31 sa buong bansa bilang paggunita sa Eid’l Adha o Feast of Sacrifice. “Presidential Proclamation No. 985 (s. 2020), Declaring Friday, 31 July 2020, a regular holiday throughout the country, in observance of Eid’l Adha (Feast of Sacrifice),” ang nagkaisang pahayag nina Executive Secretary Salvador Medialdea at Presidential spokesperson Harry Roque. Ginugunita sa araw na ito ang pagpayag ni Ibrahim (kilala bilang Abraham) na sundin ang utos ni Allah (Diyos) na isakripisyo ang kanyang anak na si…

Read More

Sa mga nasa ilalim ng GCQ areas GYMS, COMPUTER SHOPS, DRIVE-IN CINEMAS PWEDE NANG MAGBUKAS SA SABADO

SIMULA sa Agosto 1, araw ng Sabado ay papayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang 30% operation ng testing & health-related review centers, gyms, computer shops, aesthetic establishments, drive-in cinemas sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ). Ito’y matapos i-recategorized ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang klasipikasyon ng Category IV industries sa Category III industries na payagan ang limitadong operasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng GCC. Kabilang na rito ang testing at tutorial centers, review centers,…

Read More

NETFLIX, LAZADA, FACEBOOK BUBUWISAN NA

ILANG hakbang na lang ay magbabayad na ng buwis ang mga digital transaction at platrom tulad ng Facebook, Netflix, Lazada, Webinars, Shopee at iba matapos aprubahan sa committee level sa Kamara ang panukalang kolektahan ang mga ito ng 12 percent value added tax (VAT). Sa virtual hearing ng House committee on ways and means, walang kahirap-hirap na inaprubahan ang nasabing panukala na inakda mismo ng chairman ng komite na si Albay Rep. Joey Salceda. “We have now clarified that digital services and the goods and services traded through digital service…

Read More

KRITIKO NI PANGULONG DUTERTE BINIRA NI IMEE

BINATIKOS ni Senadora Imee Marcos ang lahat ng kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte sa nakaraan nitong State of the Nation Address (SONA) na nagsabing nagbibingi-bingihan at manhid ang punong ehekutibo sa malinaw na panawagan ng pagbabago sa Pilipinas. “Napakalinaw ng pahayag ng ating Pangulo sa kanyang SONA: Magbago o tuluyan nang maglaho! Siya ang mangunguna sa pagbabago laban sa napakaraming mga virus na namemerwisyo sa ating bansa – COVID-19, lahat ng uri ng korapsyon, criminal syndicates at mga sinauna at makapangyarihang oligarkiya,” paliwanag ni Marcos. “Totoo na sa bawat krisis,…

Read More

EO para sa nuclear energy program inilabas MURANG KURYENTE POSIBLE NA?

POSIBLE nang magkaroon ng murang kuryente ang mga Filipino ngayong ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagbuo ng isang inter- agency committee na may kinalaman sa nuclear energy program. Ang direktiba ay ginawa ng Chief Executive sa pamamagitan ng paglalabas ng Executive Order 116. Sinasabing, bubuuin ang Nuclear Energy Program Inter- Agency Committee ng mga kinatawan mula sa Department of Energy na magsisilbing chairperson habang tatayong vice chairperson ang kinatawan mula sa DOST. Ang magiging miyembro naman ng Inter- Agency ay DILG, DENR, Finance Department, DFA, NEDA, National Power…

Read More

VILLAR NAKA-JACKPOT SA WATER CONTRACT

MISTULANG naka-jackpot ang mag-asawang sina dating Senate President Manny Villar at Senator Cynthia Villar nang makuha ng kanilang kumpanyang Prime Water ang 25 taong kontrata sa tubig sa Bacolod City. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, nagpirmahan na ng joint venture agreement ang Bacolod City Water District (BACIWA) at Prime Water Infrastructure Corporation noong Hulyo 17, 2020. “The agreement includes a three-month transition period which ends on November 1, 2020 after which Prime Water formally takes over the management and operations of the water district,” ani Gaite. Mariin…

Read More

LIBRENG SWAB TEST SA LSIs PARA IWAS HAWA

KUNG nais na matiyak ng pamahalaan na maiwasan ang pagdami ng bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa mga lalawigan ay dapat na isailalim sa libreng swab test ang locally stranded individual (LSIs). Ito ang payo ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa Inter-Agency Task Force (IATF) bilang tugon sa patuloy na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang probinsya dahil sa pag-uwi ng LSIs. “So, virus won’t hitchhike to provinces, swab test ‘Very Important Passengers’ for free. Let us also swab-test the other, more important VIPs –…

Read More

Tunay na may-ari hahanapin ng Kamara TITULO NG LUPA NG ABS-CBN IIMBESTIGAHAN

WALANG planong tantanan ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pamilya Lopez na may-ari ng ABS-CBN dahil nagpatawag ng hiwalay na imbestigasyon si Deputy Speaker Rodante Marcoleta upang malaman kung sino ang talagang may-ari ng lupang kinatatayuan ng tanggapan ng nasabing network sa Mo. Ignacia, Quezon City. Sa House Resolution (HR) 1058 na inakda ni Marcoleta, hindi umano dapat ipagwalang bahala o palampasin ang isyu sa lupang kinatatayuan ng tanggapan ng ABS-CBN kaya kailangang imbestigahan kung sino ang tunay na may-ari nito. Base sa resolusyon ni Marcoleta, nagpakita umano ng katunayan…

Read More

Ayon sa COA at internal auditors PHILHEALTH ANTI-FRAUD PROJECT, P98-M ‘OVERPRICED’

TUMATAGINTING na P2.1 bilyon ang kabuuang halaga ng proyekto ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang layunin ay masugpo at mawakasan na ang malaganap na katiwalian at korapsyon sa ahensiyang ito, ngunit nadiskubreng “overpriced” ng P98 milyon ang proyekto. Ayon sa ulat ng Commission on Audit (COA) at mismong PhilHealth Internal Auditors, nadiskubre ang P98 milyon sa P734 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng mga kagamitang bibilhin ng PhilHealth na bahagi ng P2.1 bilyong proyektong information technology (IT) nito. Nabanggit sa ulat na ang adobe software na P168,000…

Read More