NABABAHALA na si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa kalagayan ng health care system ng bansa matapos iulat ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang mga pagamutan sa Metro Manila dahil okupado na ang mahigit 82% ng COVID-19 bed capacity sanhi ng pagdagsa ng pasyenteng nahawahan ng virus. Sa pahayag, sinabi ni Drilon na lubha nang nakaaalarma ang sitwasyon ng health care system sa bansa dahil dumadami ang nagkakasakit sa virus sanhi ng kawalan ng kumprehensibo at pangkalahatang plano upang labanan ang sakit. “It’s a cause…
Read MoreAuthor: admin
PAGKILALA NI PDU30 SA AGRIKULTURA INAYUNAN NG SOLON
SANG-AYON si Magsasaka party-list Representative Argel Cabatbat sa pagkilalang ibinigay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikalimang State of the Nation Address sa kahalagahan ng pagprotekta sa sektor ng agrikultura upang pangalagaan ang kapakanan ng bansa. Ayon kay Rep. Cabatbat, suportado nito sampu ng mga magsasaka ang panawagan ng Pangulo sa pagsasabatas ng trust fund para sa magniniyog, rural agricultural and fisheries development financing systems at ang seguridad at soberanya sa pagkain sa pamamagitan ng plant, plant, plant program. Ang coconut farmers’ trust fund ay ang sagot sa kawalan ng…
Read More78 OSPITAL NG GOBYERNO, IN-UPGRADE NG SENADO
INAPRUBAHAN ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang pitong hospital bills ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go upang paunlarin ang hospital care at serbisyo sa iba’t ibang pasilidad ng pamahalaan sa buong bansa. Sa pahayag, sinabi ni Go, chair ng Senate Committee on Health na isinulong niya ang mga nasabing panukala dahil nakita nito ang pangangailangan na dapat nang maisaayos ang mga pasilidad- pangkalusugan sa bansa. Ayon kay Go, lalo itong kailangan sa panahon ngayon na may kinakaharap na hamon ang mga Filipino laban sa coronavirus disease (COVID-19) outbreak.…
Read MoreFIELD HOSPITALS PARA SA COVID-19 PATIENTS, IGINIIT
HINIKAYAT ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na pag-aralan ang pagtatayo ng field hospitals upang ma-accommodate ang mga tinamaan ng COVID-19. Sinabi ni Gatchalian na marami sa mga pagamutan ngayon ang full capacity na sa COVID-19 patients at hindi ito maaaring upuan na lamang ng pamahalaan. Naniniwala ang senador na sa ngayon ay nagagawa ng gobyerno ang lahat ng hakbangin maliban sa pagtatayo ng makeshift hospitals para lamang sa COVID-19 patients. Idinagdag ng senador na may mga Filipino architect na ang nagdisenyo ng low-cost Emergency Quarantine Facilities (EQFs) na maaaring…
Read MoreANOMALYA SA FOREIGN ASSISTED PROJECTS IDINULOG SA SENADO
NAGPASAKLOLO kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang isang Filipino-Chinese contractor upang harangin ang umano’y katiwalian sa foreign assisted projects loan ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Sa mga liham na ipinadala ng isang nagpakilalang Jingxy Fu, ng China Gezhouba Group Corporation Limited, na may tanggapan sa High South Corporate Tower, 26th St., corner Avenue, Bonifacio Global City, Taguig City, sa Office of the President noong Hulyo 16, 2020 at sa tanggapan ni Sotto, noong Hulyo 20, 2020, sinabi nito nais niyang ipabatid sa mga naturang opisyal…
Read MoreCOMMUNITY QUARANTINE PARA SA AGOSTO, IAANUNSYO NI PDU30 BUKAS
NAKATAKDANG ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong araw ng Huwebes, ang magiging status ng community quarantine sa ilang lugar sa bansa kabilang ang Metro Manila. “I can’t announce it… the President will announce it on Thursday, if i am not mistaken,” ayon kay Presidential spokesperon Harry Roque. Ani Sec. Roque, ito’y sa kabila ng nananatiling apela mula sa local government units (LGUs). “So, the recommendations are all preliminary subject to a finalization Thursday, but let’s just say things will not be the same,” ani Sec. Roque. Sigurado rin aniya…
Read MoreKAILANGANG IPASA NA ANG MUNGKAHING DEATH PENALTY LAW
BADILLA NGAYON Ni NELSON BADILLA PALAGI namang nakagugulat ang mga ideya ni Pangulong Rodrigo Duterte tuwing State of the Nation Address (SONA) nito. Kaya, walang dapat ipagtaka sa kanyang mga pahayag. Biruin n’yo, nitong ikalimang SONA niya ay binira si Senador Franklin Drilon dahil kinampihan ng mambabatas ang mga Lopez. Siguro, nahimasmasan si Drilon habang mataimtim na nakikinig na animo’y natutulog nang banggitin ni Duterte ang apelyidong “Drilon”. Bahagi pala si Drilon ng “state of the nation?” Pokaragat na ‘yan! Binanggit din si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go at ang…
Read MoreILABAN PA RIN SANA ANG WPS
DPA Ni BERNARD TAGUINOD KUNG mayroon akong hindi nagustuhan sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ang usapin sa West Philippine Sea (WPS) na inamin niyang inutil siya at wala siyang magawa dahil hawak na ng mga singkit ang ating teritoryo. Napahiyaw ang mga kasama kong nanonood sa SONA ni Duterte nang aminin niya na wala syang magawa dahil sa pagkadismaya. Ilan sa kanila ay nagtanong, “pagsuko na ba ‘yan?”. Sa isang banda naunawaan ko sya na walang kakayahan ang ating Armed Forces lalo na ang Philippine…
Read MoreDuterte nakakuha ng kakampi DEATH PENALTY AAPURAHIN
AGAD nakakuha ng suporta sa Kamara si Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbuhay ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa mga kasama sa sindikato ng droga sa bansa. “I strongly seconded the call of President Rodrigo Duterte in the latter’s SONA in reviving the death penalty specifically for drug related crimes,” pahayag ni House committee on dangerous drugs chairman Robert Ace Barbers. Ayon kay Barbers, totoo ang pahayag ni Duterte na binababoy ng mga sindikato ng droga ang bansa dahil kahit sa panahon ng pandemya ay patuloy ang…
Read More