CAVITE – Sinampahan ng kasong murder ang live-in partners makaraan matuklasan ang bangkay ng isang ginang na ina ng isa sa kanila, sa septic tank makaraan ang apat na taon, sa Dasmariñas City sa lalawigang ito. Kinilala ang mga kinasuhan na sina Jhoana Marie Sayos, 22, at Ronald James Rubi, 26, pangunahing suspek sa pagpatay kay Maria Evelyn Sayos, ng Phase 1, Villa Luisa Subdivision, Brgy. San Agustin 3 ng lungsod na ito. Napag-alaman, natuklasan ni John Levy Sayos, isa pang anak ng biktima at kapatid ni Jhoana Marie, ang…
Read MoreAuthor: admin
11-ANYOS, 2 PA NAGPOSITIBO SA COVID SA DAVAO DEL SUR
DIGOS City – Inanunsyo ng mga opisyal ng pangkalusugan nitong lungsod na dalawang babaeng frontliners ang nadagdag sa kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) noong Huwebes, Hulyo 23. Ayon kay Dr. Ronald Jumilla, City Epidemiology Surveillance Unit (CESU) chief ng City Health Office (CHO), ang dalawang pasyente ay may gulang na 31 at 32, kapwa frontliner sa laban sa COVID-19. Isa sa kanila ay medical technologist na nakadestino sa Davao del Sur Provincial Hospital (DSPH) testing center (swabbing unit) at naka-rotation basis. Ani ni Jumilla, ang pangalawang pasyente ay isang…
Read MoreGov. Remulla walang sinasanto sa paglabag sa ‘Q-pass’ SM CAVITE IPINASARA
INIUTOS ni Cavite Governor Jonvic Remulla nitong Biyernes ang pagsuspende sa operasyon ng SM City Trece Martires dahil sa paglabag sa quarantine pass policy ng lalawigan. Sa pahayag sa kanyang official Facebook page, sinabi ni Remulla na ang provincial police officers ay nagsagawa ng undercover operation sa Cavite malls noong Hulyo 22 upang mabatid kung sinusunod ng nasabing mga establisimiyento ang regulasyon ng lalawigan kugnay sa paglaban sa pagkalat ng COVID-19. Dagdag ng Cavite governor, nakatanggap siya ng video na nagpapakita ng ‘non-compliance’ ng mall sa Trece Martires City, sa…
Read MorePULIS ITINUMBA SA BARANGAY HALL
NUEVA ECIJA – Patay ang isang pulis na nakatalaga sa checkpoint matapos barilin ng riding in tandem sa bayan ng San Antonio, Huwebes ng gabi. Sa inisyal na ulat mula sa San Antonio MPS, naka-duty ang biktimang si PSMS Bert Reyes dakong 10:20 ng gabi nang barilin ito ng hindi pa nakikilalang salarin. Pumasok umano sa barangay hall ang biktima para makapagpahinga nang dumating ang mga salarin. Agad binaril si Reyes na nasapol sa ulo saka tumakas ang mga suspek sakay ng Yamaha Mio. Isinugod pa sa ospital ang biktima…
Read MoreIsa sa mga suspek nabaril ng biktima GRUPO NG KAWATAN UMATAKE SA QC
SUGATAN ang isa sa limang kawatan na nanloob sa Brgy. Bungad, Quezon City nitong Biyernes ng hapon nang manlaban ang may-ari ng pinasok nilang bahay. Duguan ang suspek na si Johh Soriano y Mara, 22-anyos, residente ng #77 P Gomez St., Brgy. Bagong Bario, Caloocan City, nang datnan ng mga rumespondeng pulis at agad isinugod sa Quezon City General Hospital. Nagawa namang makatakas ng lima pa nitong kasamahan. Ayon sa ulat ng Quezon City Police District, ala-1:37 ng hapon nitong Biyernes nang looban ng mga suspek ang bahay ng biktimang…
Read MoreAWOL NA PARAK, INASINTA SA ROOFTOP
PATAY ang isang 49-anyos na AWOL na miyembro g Philippine National Police (PNP) matapos barilin ng isang sniper habang nag-eehersisyo sa rooftop ng kanyang penthouse sa Malate, Manila noong Huwebes ng gabi. Hindi umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila sanhi ng isang tama ng bala sa likurang bahagi ng ulo ang biktimang kinilalang si Police Officer 3 Rolando Yulo, ng #740 Balungkit St., Malate. Batay sa ulat ni Det. John Paul Rojo ng Manila Police District-Homicide Section, nangyari ang pamamaril bandang alas-6:00 ng gabi habang nag-eehersisyo ang biktima kasama…
Read MorePILA SA FREE COVID TEST SA MAYNILA MAGDAMAGAN
MAGDAMAGAN ang pila ang mga motorista na nais sumailalim sa libreng pagsusuri sa COVID-19 sa Drive-Thru testing center sa Independence Road, Quirino Grandstand sa Ermita Manila. Napag-alaman mula kay Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, umabot na sa 5,000 katao ang na-test nang libre ng lokal na pamahalaan ng lungsod sa Drive-Thru at Walk-in testing centers, isang linggo na ang operasyon hanggang nitong Biyernes. Sa nabanggit na bilang, 667 ang nagpositibo sa coronavirus gamit ang serology testing machine at tiniyak na protektado ang pagkakakilanlan ng mga nagpositibo sa nasabing sakit.…
Read MoreCOVID DEATH TOLL SA QC, UMAKYAT SA 278
MULING nakapagtala ng panibagong tatlong pagkamatay sa COVID-19 sa Quezon City. Bunsod nito, umakyat na sa 278 ang bilang ng mga namatay sa lungsod hanggang noong Hulyo 23, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH) Base pa sa report ng DOH, ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa siyudad ay umabot na sa 5, 590. Nasa 5, 490 naman ang kabuuang bilang ng validated cases ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices sa nasabing Lungsod. Ang active COVID-19 cases ng siyudad ay 2,198, habang…
Read MoreBRGY SA PASIG NAGTALA NG 110 COVID CASES
NAKAPAGTALA ng 110 kumpirmadong COVID-19 cases ang Brgy. Rosario sa Pasig City, ayon sa pinakahuling ulat. Ayon kay Chairman Ely Dela Cruz ng Brgy. Rosario, sa naitalang 110 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 54 nito ang aktibo, at 56 naman ang gumaling na. Sinabi pa ni Chairman Dela Cruz, nakapagtala pa lamang sila ng tatlong kaso ng pakamatay sa coronavirus sa kanilang lugar. Aniya, bagama’t tumaas ng kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar ay hiwa-hiwalay naman ang mga ito at hindi kumpul-kumpol sa iisang pamilya lang. Dahil dito, malabo pa aniyang…
Read More