INAYUNAN sa House committee on labor and employment ang panukalang batas na gawing 35 oras sa halip na 40 oras ang trabaho ng mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni 1Pacman party-list Rep. Enrico Pineda, inaprubahan ang House Bill (HB) 309 na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda na bawasan ng ginugugol na oras ng mga mangagawa sa pribadong sektor. Ayon kay Salceda, lumalabas sa pag-aaral ni Anna Coote ng New Economics Foundation na nakabase sa Australia, mas produktibo umano ang isang mangagawa kung…
Read MoreAuthor: admin
MALINAW NA HEALTH PROTOCOLS PINATITIYAK SA LGUs
HINIKAYAT ni Senador Grace Poe sa national at local government na tiyakin na maipatutupad ang malinaw na health protocol sa pagdedeklara ng general community quarantine (GCQ) sa buong Metro Manila at ilang lugar sa bansa. Sa pahayag, sinabi ni Poe na dapat maging kampante ang lahat sa transisyon mula sa enhanced community quarantine tungo sa GCQ. “We must not let our guard down even with the transition to general community quarantine. The national and local government should be present every step of the way to set and implement clear protocols…
Read MoreParusa sa ‘di magsusuot ng face mask MAGHAPONG PAGLILINISIN SA KALSADA
MAGHAPONG paglilinisin sa kalsada ang sinomang mahuhuli na walang suot na face mask bilang bahagi ng ipatutupad na protocol sa new normal o better norm habang wala pang gamot sa coronavirus disease 2019. Habang isinusulat ang balitang ito ay nakasalang pa sa ikalawang pagbasa ang House Bill (HB) 6632 o “Better Normal’ bill matapos itong aprubahan ng House Defeat COVID-19 committee na pinamumunuan ni House majority leader Martin Romualdez sa online hearing, Huwebes ng umaga. Base sa nasabing panukala, mahigpit na ipatutupad ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng…
Read MoreMM, HANDA NA SA GCQ – MALAKANYANG
HANDA na ang Metro Manila para sa mas lalo pang pagpapaluwag ng restrictions para labanan ang pagkalat ng COVID-19. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na isailalim na ang National Capital Region mula sa modified enhanced community quarantine sa general community quarantine sa Hunyo 1. “NCR is ready from the data that we have seen but that really depends on the cooperation of everyone,” ayon kay Sec. Roque. Nauna rito, sinabi ni Dr. Tony Leachon, Special Adviser to the National Task Force COVID-19, na inirekomenda ng Inter-Agency Task…
Read MoreLA UNION NIYANIG NG MAGNITUDE 5.1 NA LINDOL
NABULABOG ng magnitude 5.1 na lindol ang La Union na nakaapekto sa ilang lugar sa Luzon, kasama na ang Metro Manila. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong ala-1:17 ng hapon nang maitala ang lindol na ang sentro ay natunton sa layong 17-kilometro ng San Fernando, La Union. Naramdaman ang Intensity IV sa Labrador, Pangasinan; Intensity III sa Quezon City at Intensity II sa Navotas City; San Jose del Monte, Bulacan. Kung pagbabatayan naman ang instrumento ng Phivolcs, naitala ang Intensity III sa Dagupan City; Intensity II…
Read MoreMga kongresista nakaabang CALIDA MAY PASABOG PA VS ABS-CBN
INAABANGAN pa rin ng mga mambabatas sa mababang kapulungan ng Kongreso ang ‘pasabog’ ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN dahil muli itong inimbitahan sa susunod na pagdinig sa prangkisa ng network. Itinakda ng House committee on legislative franchise na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz Alvarez at Committee on good government and public accountability ni Bulacan Rep. Jonathan Sy-Alvarado ang susunod na pagdinig sa Lunes, Hunyo 1, 2020 ng umaga. Si Calida, nanghain ng quo warranto petition laban sa prangkisa ng ABS-CBN sa Korte, ay inimbitahan ng dalawang nabanggit…
Read MoreKumikita na sa ilegal channel, nakaiwas pa sa buwis ABS-CBN ‘TUBONG LUGAW’
DOBLE-DOBLENG kita ang kinakamal umano ng ABS-CBN dahil sa kanilang illegal channels bukod pa sa nakaiwas ang mga ito sa pagbabayad ng tamang buwis noong 2018. Sa pagdinig ng House committee on legislative franchise at good government and public accountability, sinabi ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta, siyang tumayong ‘main oppositor’ sa prangkisa ng nasabing network, doble ang kita ng network sa kanilang tv plus box at kapamilyang box office channel. “Multiple channels in one franchise. Mga kababayan, inabuso po ng ABS-CBN ang kanilang prangkisa. Sa hindi po nila maipaliwanag na…
Read MoreNahuli sa COVID-19 clinic sa Pampanga 2 CHINESE NAT’L INILAGAY SA BI ALERT LIST
INILAGAY sa alert list ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Chinese nationals na nahuling nag-o-operate ng underground clinic para sa COVID-19 patients sa Pampanga noong nakaraang Linggo. “We have placed them on our alert list to prevent them from leaving the country and ensure their presence while they are undergoing criminal and administrative investigation for their alleged offenses,” ani BI Commissioner Jaime Morente. Kinilala ni Morente, ang dalawang Chinese na sina Liu Wei at Hu Shiling, at walang linaw kung kailan sila pababalikin sa kanilang bansa. Ang mga ito…
Read MoreFAST COVID-19 TEST RESULT NG CHINESE WORKERS INALMAHAN
INALMAHAN ni Senador Risa Hontiveros ang VIP treatment sa mga Chinese workers na nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO). Hindi naitago ng senadora ang galit nang malaman nitong apat na araw lamang ang kailangan para makuha ang resulta ng COVID-19 test ng mga ito. “Four days lang nakuha agad ng Chinese workers sa Fontana ang COVID-19 results nila habang marami sa mga OFW natin ay mahigit isang buwan naka-quarantine dahil wala pa ang sa kanila,” giit pa ni Hontiveros. “Hindi tama ito. Hindi tayo 2nd class citizens sa sarili…
Read More