5 HOLDAPER SA VAPE SHOP SA MAYNILA, NASILO

ARESTADO ng mga operatiba ng Sta. Ana Police Station 6 ng Manila Police District, sa ikinasang “Oplan Galugad” at Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) ang lima mula sa anim na nanloob at nangholdap sa e-cigarette vape shop, sa sunod-sunod na follow-up operation sa Sta. Ana, Manila. Makaraan ang dalawang araw, natimbog ang mga suspek na kinilalang sina Mark Benjo Jose Macapagal, 29, buy and sell agent; Steven Astronomo, 22, service crew; Jeremaicah Cruz, 33, online seller; Paul Joseph Hermoso, 37, jobless; at Vicente Trasmil III, 40, jobless, habang patuloy…

Read More

2 TULAK ISINELDA

ISINELDA ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Barbosa Police Station 14, ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kasama ang isang 17-anyos na estudyanteng dalagita, sa panulukan ng Nepomuceno at San Rafael Streets, Barangay 390, Quiapo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang dalawang suspek na sina John Henry Bingo, 28, at John Michael Rinitigan, 19, habang nasagip ang dalagitang si alyas “Ashley”. Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-1:30 ng madaling araw nang damputin ang…

Read More

RIDER PATAY SA SUMALPOK NA 2 SASAKYAN

CAVITE – Pinaghahanap ng pulisya ang isang sasakyan na nakabangga at nagresulta sa tuluyang pagkamatay ng 27-anyos na rider saka muling nabangga ng isa pang sasakyan sa bayan ng Carmona sa lalawigang ito, noong Huwebes ng gabi. Sa mismong pinangyarihan ng insidente nalagutan ng hininga ang biktimang si Vincent Endricoso Lendo, binata, ng Brgy. Bancal, Carmona, Cavite. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng sasakyan na unang nakabangga sa motorsiklo na minamaneho ng biktima, habang ang isang sasakyan na nakabangga rin ay isang Sino truck na may plakang NHB 1573, na minamaneho…

Read More

3 PCG rescuers missing 26 PATAY SA TUMAOB NA M/B PRINCESS AYA

KINUMPIRMA ng Philippine Coast Guard (PCG) na 26 ang namatay sa tumaob na M/B Princess Aya, habang 40 indibidwal ang nasagip sa isinagawang rescue and retrieval operation. “Dalawampu’t anim na po ang kumpirmadong patay at 40 na po ang nakaligtas… retrieval operations na po, sapagka’t dun sa information na mayroon kami, wala na po doon sa surface at baka po na-trap na sa bangka,” pahayag ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo. Ayon pa kay Balilo, may underwater personnel pa na magsasagawa ng operasyon upang alamin kung mayroong pang mga…

Read More

2 SNATCHER, ATTEMPTED HOMICIDE SUSPECT NAKORNER

NABITAG ng mga tauhan ng Manila Police District ang dalawa sa tatlong umano’y mga snatcher sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang mga nadakip na sina Renan Lariza, 24, ng Isla Puting Bato, Tondo, at Efren Andal, 32, ng Sta. Cruz, Manila Patuloy namang tinutugis ang kasamahan ng dalawa na si alyas “Puga”. Base sa ulat ni Police Lieutenant Leandro Gutierrez, commander ng MPD-Sta Cruz Police Station 3, sa pagitan ng ala-1:40 hanggang alas-2:00 ng hapon nang mabitag ang mga suspek sa nasabing lugar. Nauna…

Read More

TAMBAY BINISTAY SA BALA

HINIHINALANG may kinalaman sa ilegal na droga ang pananambang sa isang 23-anyos na tambay ng riding in tandem sa New Panaderos Street, Barangay 888, Sta. Ana, Manila noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si March Vincent Sanchez, binata, ng nasabing lugar. Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo. Base sa ulat na isinumite ni Det. Arvy Macarasig kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-10:00 ng gabi nang pagbabarilin ng mga suspek ang biktima sa nabanggit na lugar. Ayon…

Read More

2 TULAK NABITAG SA P5-M SHABU

ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Moriones Street, Barangay 47, Tondo, Manila nitong Huwebes ng madaling araw Kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga suspek na sina Norhayle Solaiman, 42, ng Tondo, Manila, at Renato Fontanilla, 59, ng Quezon City, nakumpiskahan ng umano’y mahigit P5 milyong halaga ng shabu. Ayon sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Rosalino Pabalan Ibay Jr., commander ng Manila Police District – Moriones Police Station 2,…

Read More

BINATILYO NANGISAY SA POSTE NG KURYENTE

DEAD on arrival sa Sta. Ana Hospital ang isang 17-anyos na binatilyo nang umakyat sa poste ng kuryente, sa panulukan ng Pedro Gil at A. Linao Streets, Paco, Manila nitong Huwebes ng madaling araw. Base sa ulat ni Police Master Sergeant Michael Villafranca ng Manila Police District- Ermita Police Station 5, bandang alas-2:15 ng madaling araw nang mangyari ang insidente. Isinugod ang biktima sa nabanggit na pagamutan ngunit idineklarang dead on arrival ni Dr. Avelino Nebrija. Nabatid sa imbestigasyon, nagkayayaan umanong mangulimbat ng kable ng kuryente ang binatilyo kasama ang…

Read More

SUPER TYPHOON EGAY NAG-IWAN NG 6 PATAY

NAKAPAGTALA ng anim na nasawi at dalawang sugatan ang pananalasa ng Super Bagyong Egay. Subalit sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kahapon ay lima pa lamang ang kumpirmado, apat sa mga ito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR) habang ang isa ay mula sa CALABARZON. Mayroon ding naitalang dalawang sugatan na patuloy pang bineberipika ng NDRRMC. Dahil sa patuloy na mga pag-ulan ay lumobo na ang bilang ng mga apektadong indibidwal. Sa kasalukuyan ay nasa 89,639 pamilya o katumbas ng 328,356 na katao ang…

Read More