P121K MARIJUANA BINENTA ONLINE, NASAMSAM

cavite

CAVITE – Tinatayang P121,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam matapos na maaresto ang apat na hinihinalang drug pushers at nasa listahan ng high value individual (HVIs), umano’y pinasok na rin ang online selling, sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang mga suspek na sina Jan Rolando Carlos, alyas Janno; Lamberto Angeles, Vincent Pateño, at Macky Natividad, pawang nasa hustong edad at nasa listahan ng HVIs. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police, dakong alas-8:00 ng umaga,…

Read More

Sa ika-76 anibersaryo ng PAF SUPORTA SA ‘AIR FOR MODERNIZATION’ TINIYAK NI PBBM

NAGING tampok sa ika-76 anibersaryo ng Philippine Air Force ang kanilang capability demonstration na sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kahapon sa Tarlac. Bago pinangunahan ng commander-in-chief ang anniversary rites ng PAF sa Clark, sinaksihan muna ni Pangulong Marcos ang air force capability demonstration sa Col. Ernesto Rabina Air Base sa Tarlac kung saan, ipinamalas ng Hukbong Panghimpapawid ang kakayahan ng kanilang air assets. Kasama ni Pangulong Marcos sa panonood ng capability demonstration ng PAF, sina National Security Adviser Eduardo Año, AFP Chief of Staff Andres Centino, Airforce…

Read More

SSS COLLECTION SA LUZON UMANGAT NG 23%

TUMAAS ng 23% o halagang P940.58-milyon ang naging koleksyon ng Social Security System (SSS) na sakop ng Luzon Central 2 Division para sa taong 2023. Ayon kay SSS Luzon Central 2 Division Vice President Gloria Corazon Andrada, ang main factor ng pagtaas ng koleksyon ay ang epektibong operasyon ng Run After Contribution Evaders (RACE) campaign ng ahensya. Aniya, nakakolekta ang SSS Luzon Central 2 Division ng P5,039.11-bilyon mula Enero hanggang Abril 2023 kumpara sa P4,098.53-bilyon sa taong 2022 ng kaparehong panahon. Sakop ng SSS Luzon Central 2 Division ang mga…

Read More

MEDIAMAN NA MAY BANTA SA BUHAY PINADUDULOG SA MGA LOCAL PNP-PIO

HINIKAYAT muli ng Philippine National Police (PNP) ang mga mamamahayag na may banta sa kanilang buhay na makipag-ugnayan sa local PNP-PIO sa kanilang mga lokalidad para mas mabilis maaksyunan. Inihayag ito ni PNP spokesman Police Brig. Gen. Red Maranan, kasunod ng pamamaril kay Remate online photographer Joshua Abiad at kanyang pamilya noong nakaraang linggo. Paliwanag ni Maranan, mas mabilis na maaksyunan ang mga “security concerns” ng media kung dumiretso sila sa PIO sa kanilang lokalidad. Hinikayat naman ni Maranan ang mga lokal na PIO na magtatag ng “open line of…

Read More

CELEBRITY ENDORSEMENT SCAMS ONLINE BUBUSISIIN

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang pagsisiyasat kaugnay sa lumalaganap na mga pekeng online endorsement ng mga sikat na personalidad at mapanlinlang na mga advertisement posts sa social media sa mga binebentang produkto na hindi rehistrado. Sa kanyang Senate Resolution No. 666, iginiit ni Estrada ang panganib na idinudulot sa mga konsyumer ng naglipanang online marketing materials at impostor pages o accounts na nagpo-promote ng mga hindi rehistradong produkto para sa iba’t ibang karamdaman o benepisyo sa kalusugan gamit ang pangalan at larawan ng mga lokal na personalidad at sikat…

Read More

P40 WAGE HIKE SA NCR INSULTO SA OBRERO

INSULTO sa mga manggagawang Pilipino ang P40 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR) lalo na kung hindi makikialam si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Bukod ito, sinabi ni Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel na ang baryang umento sa sahod ng mga minimum wage earner ay agad babawiin sa nakatakdang pagtaas ng buwis ng mga junk food at pamasahe sa Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT). “Without further action from Malacañang, this only adds insult to injury for young breadwinners and workers,” pahayag ni…

Read More

Para matugunan kakulangan sa nurses DIALOGUE SA GOV’T AGENCIES KAILANGAN – NOGRALES

HINIKAYAT ng chairman ng House of Representatives’ Labor and Employment Committee, ang stakeholders na magsagawa ng dialogue para matugunan ang kakulangan ng nurses sa government hospitals. “We should have a dialogue first, then craft a workable strategy to address the shortage, with the view towards implementing a long-term solution instead of temporary measures,” ani Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles. Ito ang komento ni Nograles matapos na magplano si Health Secretary Teodoro Herbosa na i-tap ang unlicensed nurses para mapunan ang mga bakante sa public health institutions. Ang nasabing proposal…

Read More

CLAIMANT NG P4.94-M RAW ECSTACY HULI SA BOC-NAIA, PDEA

ARESTADO sa mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) – Ninoy Aquino International Airport sa tulong ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) ang claimant ng parcel na naglalaman ng 1,460 gramo ng raw ecstasy kamakailan. Noong nakaraang Hunyo 27, 2023, isang joint operation ng BOC-NAIA, XIP, CAIDTF, at PDEA ang nagresulta sa pagkakaaresto sa isang claimant mula Las Piñas City. Batay sa records, ang subject postal item ay dumating sa Central Mail Exchange Center (CMEC) mula Berchem, Belgium via postal service noong…

Read More

BOC-POM NAKIISA SA SELEBRASYON NG NATIONAL PRIDE MONTH

NAKIISA ang Bureau of Customs – Port of Manila (BOC-POM) sa pagdiriwang ng National Pride Month sa pamamagitan ng ‘colorful display of unity and acceptance’ sa isinagawang Pride Parade kamakailan. Kabilang sa mga nakiisa ang mga miyembro at mga ka­panalig ng LGBTQ+ community mula sa iba’t ibang opisina ng BOC na aktibong sumusuporta sa napakahalagang okasyon. Pinangunahan ni District Collector Maritess Martin ang flag-raising ceremony noong nakaraang Lunes na minarkahan ng pagtataas ng rainbow/pride flag at ang pagpirma ng suporta sa Pride Month Freedom Wall. Ito ay isang makapangyarihang simbolo…

Read More