VAPE SHOP HINOLDAP NG ‘NBI AGENTS’

HINOLDAP ng anim katao na nagpakilalang mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI), ang isang vape e-cigarette shop sa ika-2 palapag ng gusali sa Tejeron Street, Sta. Ana, Manila noong Lunes ng gabi. Ayon sa ulat ng Manila Police District Sta. Ana Police Station 6, bandang alas-6:25 ng gabi nang magtungo ang mag-asawang negosyante sa himpilan ng pulisya upang i-report ang nangyaring panloloob ng mga suspek sa kanilang vape shop sa ika-2 palapag ng Harmonic Seven Building sa Tejeron Street, Barangay 782, Sta. Ana. Nabatid sa imbestigasyon, bandang 11:01…

Read More

TRIKE DRIVER BINAUNAN NG BALA

NALAGUTAN ng hininga habang inoobserbahan sa ospital ang isang 21-anyos na tricycle driver makaraang dalawang beses na barilin ng riding in tandem noong Linggo ng umaga sa panulukan ng Remedios at Adriatico streets sa Malate, Manila. Kinilala ang biktimang si Jayson Espanilla, binata, residente ng Malate, Manila. Base sa ulat na isinumite ni Det. Dennis Suba kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District, dakong alas-4:00 noong Lunes ng hapon nang malagutan ng hininga ang biktima dahil sa tama ng bala sa ulo at leeg. Nauna rito, bandang…

Read More

PULIS-CRAME, PATAY SA MOTORSIKLO

CAVITE – Putol ang kaliwang kamay at paa at namatay ang isang pulis-Crame nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa poste ng ilaw sa General Trias City noong Linggo ng hapon. Isinugod sa Gen. Trias Medicare Hospital ang biktimang si Police Corporal Christopher James Sabanal Gutierez, nakatalaga PNP Cybercrime Group sa Camp Crame, Quezon City, at residente ng Caloocan City, subalit hindi umabot nang buhay. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo sa kahabaan ng Secondary Road sa Lancaster sakop ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City dakong alas-4:00 ng…

Read More

MAGSASAKA ITINUMBA SA TAGAYAN

patay

CAVITE – Patay ang isang 49-anyos na magsasaka nang barilin ng kanyang kainuman nang magtalo sa matagal nang alitan sa Gen. Trias City noong Linggo ng hapon. Kinilala ang biktimang si Christopher Dilao y Borga, 49, ng Barangay Santiago, Gen. Trias City, namatay sa pinangyarihan ng insidente. Nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya sa suspek na si Alfred Hernandez y Herrera, ng Brgy. Sta. Clara, Gen. Trias City, na tumakas matapos ang pamamaril. Ayon sa ulat, dakong alas-5:30 ng hapon, nag-inuman ang biktima, ang suspek at ilan nilang mga…

Read More

3 TULAK NALAMBAT SA BASECO AT TONDO

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police Station 12, ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa Purok 1, Isla Puting Bato, Brgy. 20, Tondo, habang nadakip din ng mga tauhan ng MPD-Station 13, ang dalawang lalaki sa sa Baseco Compound, Port Area, Manila noong Sabado ng madaling araw. Unang iniulat ang pag-aresto sa suspek na si Marvin Salik, 26, bandang alas-1:45 ng madaling araw sa inilatag ang buy-bust operation sa pangunguna ni Police Captain Tristan De Lara, hepe ng SDEU.…

Read More

SONA AMPAW

GANITO inilarawan ng isang militanteng mambabatas ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. “Sa haba at dami ng sinabi ni Pang. Marcos Jr., kulang sa sustansya at laman ang mga sinabi niya sa kanyang pangalawang SONA,” pahayag ni House assistant minority leader at ACT party-list Rep. France Castro. Hindi aniya pinuntirya ni Marcos na ang pangunahing dahilan ng taas presyo ng mga produktong agrikultural ay dahil sa patuloy niyang pagkapit sa importasyon, walang sapat na tulong sa sektor ng pagsasaka at ang buwis sa…

Read More

AFP CHIEF OF STAFF NAGLATAG NG COMMAND GUIDANCE

INILATAG ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines at kasalukuyan ding Commanding General ng Philippine Army Gen. Romeo S. Brawner Jr. ang kanyang AFP Command Guidance, “UNITY”, sa unang AFP Command Conference sa General Headquarters, Camp General Emilio Aguinaldo, Quezon City. Si Gen. Brawner ay nanunungkulan bilang ika-60 AFP Chief of Staff kapalit ni Gen. Andres C. Centino. Sa kumperensya, binigyang-diin niya ang limang puntos na kanyang pagtutuunan ng pansin alinsunod sa panawagan ng Pangulo ng Pilipinas at Commander-in-Chief ng Armed Forces of the Philippines Ferdinand R.…

Read More

6 AUTOMATION PROJECTS IMPLEMENTATION SA BOC PINANGUNAHAN NI RUBIO

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang pagsisimula ng mahalagang milestone sa pagpapatupad ng six automation projects, na pangunahing hakbang patungo sa pagpapaigting ng kahusayan at transpa­rency ng ahensya. Ang nasabing digital transformations ay nagpapahiwatig ng pagtupad sa pangako ng BOC para sa modernisasyon at pagpapabuti ng paghahatid ng mga serbisyo na nakalinya sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. Ang six automation projects ay itinakda para sa implementasyon nito kasama ang BayaniBox, Link.BizPortal, Automated Export Declaration System, Digitized Official Receipt System, Customs Auction Monitoring System,…

Read More

2 TRADERS NA SANGKOT SA ILLEGAL DRUGS KINASUHAN NG BOC

PORMAL nang nagsampa ng kaso ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) laban sa dalawang negosyante na sangkot sa illegal smuggling ng droga sa magkakahiwalay na okasyon. Sa unang kaso, ang trader ay kinasuhan sa ilegal na importasyon ng isang shipment na naglalaman ng mga laruang pambata. Subalit sa isinagawang inspeksyon, nadiskubre ng mga awtoridad ang 5,032 units ng ecstasy na tinatayang umabot ang street value sa P8.554 milyon. Ang nasabing insidente ay nangyari sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Disyembre 05, 2022. Ang ikalawang kaso…

Read More