6 AUTOMATION PROJECTS IMPLEMENTATION SA BOC PINANGUNAHAN NI RUBIO

PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Bienvenido Rubio ang pagsisimula ng mahalagang milestone sa pagpapatupad ng six automation projects, na pangunahing hakbang patungo sa pagpapaigting ng kahusayan at transpa­rency ng ahensya.

Ang nasabing digital transformations ay nagpapahiwatig ng pagtupad sa pangako ng BOC para sa modernisasyon at pagpapabuti ng paghahatid ng mga serbisyo na nakalinya sa direktiba ni President Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ang six automation projects ay itinakda para sa implementasyon nito kasama ang BayaniBox, Link.BizPortal, Automated Export Declaration System, Digitized Official Receipt System, Customs Auction Monitoring System, at Redesigned BOC Website.

Ang BayaniBox ay isang inisyatiba ng BOC sa pakikipagtulungan ng E-Science Corporation, para sa pagpapabuti ng proseso ng balikbayan boxes, pagbibigay sa mga Pilipino sa ibayong dagat at kanilang mga pamilya ng pinahusay na customs clearance.

Sa pakikipagtulungan ng Land Bank of the Philippines, ang BOC ay malapit nang gamitin ang Link.BizPortal, isang user-friendly online platform para sa transaksyon sa customs at proseso sa pagbabayad.

Ang Automated Export Declaration System ay pinadaling proseso sa export at dokumentasyon, na magbabawas ng red tape at magpapabilis ng kalakalan.

Ang Digitalized Official Receipt System, sa pakikipagtulungan ng APO Production Unit, Inc., ay isang paperless solution para sa electronic issuance at tracking of official receipts, pagtitiyak na tama at accessibility ang mga financial record.

Pinahusay naman ng Customs Auction Monitoring System ang transparency sa proseso ng auction para sa nakumpiskang kalakal, pagpapaunlad ng integridad at pananagutan.

Ang Redesigned BOC Website ay user-friendly at informative website, na magbibigay sa stakeholders ng madaling pag-access sa customs-related information at mga serbisyo.

Sa naturang okasyon, binigyang halaga rin ni Commissioner Rubio ang makabuluhang tagumpay ng BOC sa ilalim ng kanilang 5-Point Priority Program sa first semester ng 2023.

Kabilang dito, ang paglagpas ng BOC sa kanilang revenue collection target sa pamamagitan ng kahanga-hangang 3.04% na pagtaas, pagkakatala ng kabuuang koleksyon sa P433.433 bilyon, lagpas sa kanilang target na P420.664 bilyon.

Sa usapin ng kalakalan, ang Pilipinas ay umakyat sa 17 place sa World Bank Logistics Performance Index (LPI), sa ranking 43rd sa 139 mga bansa.

Ang BOC’s anti-smuggling operations ay nakapagtala ng kahanga-hangang resulta na may 603 pagkakasabat, katumbas ng mahigit sa P23 bilyon mula Enero hanggang Hunyo 2023.

(JOEL O. AMONGO)

365

Related posts

Leave a Comment