MAALIWAS na kalangitan ang aasahan ng mga Pinoy sa pagsalubong sa Bagong Taon, ayon sa Pagasa. Ito ay matapos bayuhin ng malalakas na pag-ulan, nagwasak sa maraming ari-arian at kumitil sa buhay ang higit sa 20 katao ang bagyong Ursula sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao habang patuloy na nasa evacuation centers ang libu-libong napinsala ng bagyo noong Pasko. Ang bagyong Ursula ay tinataya sa 335 kilometro ng timog Zambales Biyernes ng alas-4:00 ng madaling araw at hindi na makaapekto sa anumang paraan sa bansa. Inaasahang aalis na ng…
Read MoreAuthor: Jet
ANTAS NG TUBIG SA ANGAT DAM NADAGDAGAN NI ‘URSULA’
BAHAGYANG napataas ng bagyong Ursula ang antas ng tubig sa Angat Dam, ang pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila. Hanggang nitong Huwebes, ang antas ng tubig sa Angat Dam ay nasa 199.40 meters, mataas sa 198.70 meters sa nakalipas na dalawang araw. Gayunman, hindi pa rin sapat ang ibinuhos na ulan ni Ursula na dapat sana ay nasa 212 meters. Nauna nang inaasahan na makukuha ang normal na antas ng tubig sa Angat Dam sa mga darating na pag-ulan upang makatulong sa panahon ng tag-init sa Marso. Subalit, sinabi…
Read MoreBIKTIMA NG PAPUTOK NASA 19 NA — DOH
NAITALA ng Department of Health (DOH) ang 19 biktima ng paputok, ilang araw bago matapos ang 2019. Kabilang sa mga naitalang biktima ang mula sa Region 1, 2, CALABARZON, MIMAROPA, 5, 6, 7, 11, 12, at National Capital Region. Tinataya sa edad na 4 hanggang 60 ang mga biktima na pawang mga kalalakihan. Kabilang sa mga biktima ay gumamit ng Boga, Luces, 5-star, Baby Rocket, Bamboo Canon, Fountain, Kalburo, Kwitis, Mini Bomb, Piccolo, Whistle Bomb. Labing-isang biktima ang nagtamo ng sunog sa katawan, pito ay may eye injury at isa…
Read MoreCAPIZ NIYANIG NG 4.8 LINDOL
NIYANIG ng magnitude-4.8 earthquake ang Capiz, Huwebes ng gabi, ayon sa Phivolcs. Bandang alas-8:19 ng gabi nang maramdaman ang pagyanig sa tinatayang 7 kilometers southwest ng San Enrique town na may lalim na 14 km. Sinabi ni Phivolcs science researcher Benz Rodriguez na dahil mababaw lamang ang epicenter ng lindol kung kaya’t ramdam na ramdam ito ng mga residente. Kabilang sa mga nayanig na lugar ang: Intensity IV – Tapaz, Capiz; Passi City at Dingle, Iloilo Intensity III – Iloilo City; La Carlota City, Negros Occidental; Bacolod City Intensity II…
Read MoreTOP TEN FILIPINO FILMS OF 2019
(NI BEN BAÑARES) PATAPOS na ang taon kaya naglalabasan na ang mga “best of” lists. At hindi lang best of 2019 – pati best of the 2010s decade dahil patapos na rin ang dekada. ‘Yung list na prinesent natin sa last column ko, that was the Top 10 of all time – kahit ang lahat ng pumasok ay galing sa papatapos na dekada. This time, we’ll concentrate on 2019. Ito po ang biggest movies of the year. Galing ang list sa Facebook post ni katotong Mell T. Navarro who got…
Read MorePACQUIAO 8th RICHEST ATHLETE SA MUNDO
(NI VT ROMANO) KABILANG si eight-division world champion Manny Pacquiao sa mga atleta sa mundo na kumita nang malaki sa loob ng isang dekada. Si Pacquiao, nagdiwang ng ika-41 kaarawan nitong Disyembre 17, ay No. 8 sa listahan ng Forbes magazine. Siya ay kumita ng kabuuang $435 million mula 2010 hanggang 2019, na ang pinakamalaki ay mula sa showdown niya kay Floyd Mayweather. Ang nasabing 2015 fight kay Mayweather din ang may pinakamalaking kinita sa kasaysayan ng professional boxing, mula sa ticket sales ay kumita ito ng $72 million na…
Read MoreP1 REFUND SA GRAB FARE IPATUTUPAD SA DEC. 31
(NI ROSE PULGAR) PUWEDE nang mabawi ng mga pasahero ng kumpanyang Grab ang refund matapos na ippag-utos ng Philippine Competition Commission. Sa anunsiyo ng Grab na may tanggapan Chino Roces Avenue Makati City , sakop nito ang mga pasahero sa Metro Manila na nag-book ng biyahe sa kanila simula noong Pebrero 10 hanggang Mayo 10 nang taong kasalukuyan at Mayo 11 hanggang August 10 ngayong taon. Base sa report , umaabot sa P5.05 milyon ang ire-refund ng Grab para sa mga kumuha ng serbisyo ng GrabCar sa nasabing petsa. Habang…
Read MorePAG-BAN SA BISITA NG POLITICAL PRISONER BINATIKOS
(NI NOEL ABUEL) BINATIKOS ni opposition Senator Leila M. de Lima ang ipinatupad na pagbabawal sa pagbisita ng mga kaanak ng mga nakadetineng political prisoners sa Camp Bagong Diwa ngayong Yuletide season. “I condemn this blatant violation of the rights of these Persons Deprived of Liberty [PDLs]. The timing of this latest harassment couldn’t be any worse, considering the Christmas season,” sabi ng senadora. Giit nito na isang uri ng panggigipit ang gustong mangyari ng pamahalaan sa mga pamilya ng political prisoners na pawang walang matibay na basehan na may…
Read MoreLABAN KUNG LABAN!
(NI NICK ECHEVARRIA) PINAYUHAN ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga tauhan na bumuwelta at lumaban para ipagtanggol ang mga sarili, sa sandaling salakayin sila ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa kabila ng umiiral na tigil-putukan. Ginawa ni PNP Director for Operations P/MGen. Emmanuel Licup ang pahayag sa isinagawang indignation rally na nilahukan ng may 200 mga miyembro ng Highway Patrol Group (HPG) at iba’t ibang mga organisasyon para kondenahin ang Communist Party of the Philippines/New People’s Army (CPP/NPA) kasabay ng kanilang ika-51-taong pagkakatatag nitong Huwebes. Nilinaw…
Read More