(NI ASTER AMOYO) MAGMULA noong Typhoon Ondoy noong September 2009, ginawa nang makabuluhan ng Kapuso actress na si Rhian Ramos ang kanyang kaarawan na pumapatak ng October 3. Taun-taun ay sini-celebrate niya ang kanyang kaarawan sa iba’t isang charitable institutions at nitong nakaraang birthday niya, her 29th, ay nagkaroon siya ng belated birthday community outreach program in Valenzuela sa tulong ng LGUs, Philippine Navy, TESDA at ibang well-meaning friends. Bukod sa nagkaroon siya ng pamamagitan ng bags at story book reading para sa mga bata at Zumba para sa mga nanay…
Read MoreAuthor: Jet
DAGDAG-PRESYO SA PRODUKTONG PETROLYO IKAKASA
(NI ROSE PULGAR) MAKALIPAS ang tatlong linggong sunud-sunod na dagdag-bawas sa presyo sa mga produktong petrolyo, bukas, Martes ng umaga (Disyembre 3), ay magpapatupad ng pagtataas sa presyo ang mga kompanya ng langis sa bansa. Pinangunahan ng kompanyang Pilipinas Shell, Petro Gazz, Total Philippines Phoenix at PTT Philippines ang dagdag presyo na P0.30 kada litro ng gasolina, P0.50 kada litro sa kerosene at P0.65 sa diesel na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga. Inaasahan naman na susunod na magpapatupad ang ilan pang malalaki at maliliit na kompanya ng langis sa bansa sa…
Read MoreDEPEKTIBONG LPG AALISIN SA MERKADO
(NI NOEL ABUEL) DAHILsa kabi-kabilang sunog na sanhi ng mga depektibong liquified petroleum gas (LPG) na ibinebentang ilegal sa mga pamilihan, iminungkahi ni Senador Win Gatchalian ang pagkakaroon ng isang National Policy at Regulatory Framework para sa lokal na industriya. Inihain ni Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Energy, ang Senate Bill No. 1188 o An Act Providing for the National Energy Policy and Regulatory Framework for the Philippine LPG Industry. Layunin ng batas na palakasin at i-streamline ang mga batas at regulasyon na nakasasakop sa lokal na industriya ng…
Read MoreP750-M AYUDA SA ELECTRIC COOP IPINAHAHANDA
(NI BERNARD TAGUINOD) KAILANGANG ihanda na ng mga kongresista sa National Disaster Risk Reduction and Management (NDRRC) ang P750 million na ayuda para sa mga electric cooperatives (ECs) na tatamaan ng bagyong Tisoy. Ginawa ni PHILRECA party-list Rep. Presley de Jesus ang panawagan dahil tiyak na maaapektuhan umano ang mga ECs ng bagyong Tisoy na may lakas na 140 kilometers per hour and gustiness na aabot sa 170 kph. Habang isinusulat ito ay nanalasa ang bagyong Tisoy sa Bicol region kasing lakas umano ng bagyong Reming noong 2006 at Glenda noong 2014…
Read More46 DOMESTIC FLIGHTS KANSELADO SA NAIA
(NI FROILAN MORALLOS) NAGKANSELA ang Philippine Airlines (PAL) at Cebu Pacific (CEB) ng 46 domestic flights, dahil sa bagyong Tisoy na kasalukyang nananalasa sa mga lugar ng eastern Visayas at Bicol region. Dahil sa masamang panahon dala ni Tisoy na may International Codename Kammuri, kinansela ng PAL ang kanilang flights: PR 2237 TACLOBAN – CEBU, PR 2238 CEBU – TACLOBAN, PR 2239 TACLOBAN – CEBU, PR 2378 DAVAO – SIARGAO, PR 2379 SIARGAO – DAVAO, PR 2675 CLARK – CATARMAN, PR 2676 CATARMAN – CLARK, PR 2696 CLARK – BASCO,…
Read MoreBUDGET AIRLINES DADALHIN SA SANGLEY POINT
(NI BERNARD TAGUINOD) IMINUNGKAHI ng isang kongresista na ilipat sa Sangley Point sa Cavite ang mga budget airlines upang lumuwag ang trapiko sa the Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa Joint hearing ng House committee on transportation na pinamumunuan ni Samar Rep. Edgar Mary Sarmiento at committee on games ang amusement ni ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap nitong Lunes, iminungkahi ng huli na idevelop ang Sangley Point para sa general aviation at commercial flights. “Ang gusto ko ay ‘yung mga budget airlines, dun natin dalhin dahil naniniwala ako puede natin gawing third…
Read MoreARRON WALANG SAMA NG LOOB KAY EX-GF NEW DARNA
(NI JERRY OLEA) TWO years nang loveless si Arron Villaflor mula nang mag-break sila ng bagong Darna na si Jane de Leon. Naba-blind item na heartbroken pa rin si Arron kay Jane, kaya nang makita namin ang Kapamilya actor sa Xmas party ng Kapuso Foundation last Sunday ay inurirat namin siya kung maaaring linawin niya iyon. May sama ba siya ng loob kay Jane! Magiliw na tugon ni Arron, “Wala! Wala! Basta ako, masaya para sa kanya ngayon. Matagal na rin niyang hinihiling iyong break na ‘yon. So ngayon, dumating na.”…
Read MoreGOLD COLLECTION NI DIAZ KUMPLETO NA
NADAGDAGAN ang gold medal collection ni Pinay weightlifter Hidilyn Diaz nang sa wakas ay nanalo sa women’s 55-kilogram division ng 30th Southeast Asian Games weightlifting competitions kanina sa Ninoy Aquino Stadium. Napasakamay ni Diaz ang mailap na ginto sa biennial meet matapos bumuhat ng 91 kilograms sa snatch at 120 sa clean and jerk para sa total na 211. Ito ay higit na mataas sa 207 total niya nang makaginto rin sa nakaraang Asian Games. Napunta sa Vietnam ang silver (197), habang bronze ang Indonesia (175). Nagmukhang madali lang para…
Read MoreMAHIGIT 3K KATAO INILIKAS SA EASTERN VISAYAS, BICOL SA BAGYONG TISOY
(NI NICK ECHEVARRIA) MAHIGIT na sa 3,000 katao ang inilikas sa ipinatupad na preemtive evacuation sa Bicol Region at Eastern Visayas dahil sa pinangangambahang matinding epekto ng bagyong Tisoy, batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nitong Lunes Ayon sa NDRRMC umaabot na sa 890 pamilya na katumbas ng 3,008 indibidwal mula sa 11 barangay sa Bicol region at Eastern Visayas ang inilikas. Istranded naman ang 4,603 na mga pasahero mula sa Batangas, Oriental at Occidental Mindoro, Romblon, Southern at Northern Quezon, Iloilo, Capiz, Antique,Aklan, Albay,…
Read More