(NI BERNARD TAGUINOD) LALONG tataas ang bayarin sa tubig ng mga customer ng Manila Water kapag naipatupad ang P7.4 Billion na naipanalong kaso ng nasabing water concessionaires sa Singapore Arbitration Panel. Dahil dito, lalong gigil sina Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate at Bayan Muna chair Neri Colmenares na muling rebyuhin ang concession agreement sa gobyerno ng mga water concessionaire. Ayon sa dalawa, nagdemanda ang Manila Water sa Singapore Artibration Panel matapos hindi payagan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang mga ito na magtaas ng singil noong 2015.…
Read MoreAuthor: Jet
EDSA PINAIIWASAN SA MOTORISTA SA PAGBUBUKAS NG SEA GAMES
(NI LYSSA VILLAROMAN) INABISUHAN ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang lahat ng motorista na iwasan ang EDSA mula 12:00 ng tanghali hangang 5 ng hapon sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games. Ayon kay MMDA EDSA traffic czar, Bong Nebrija, inaasahan na nila ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga naturang oras dahil sa isasagawa nilang stop-and-go scheme upang bigyan ng prayoridad ang mga bus na magdadala sa mga atleta sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan. Ang mga bus ng mga delagado ay dadaan sa yellow lane dahil ang…
Read MoreSOLON: LIBRE NANG MANOOD NG SEA GAMES
(NI NOEL ABUEL) “LIBRE na mga Pinoy na gustong manood ng mga laro sa nagpapatuloy na 30th South East Asian Games.” Ito ang kinumpirma ni Senate Committee on Sports chair Senator Christopher Bong Go matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahalaga na mas maraming Filipino ang manood ng laban ng mga Pinoy athletes. Gayunpaman, nilinaw ni Go na base sa pag-uusap nila ni PHISGOC chairman Alan Peter Cayetano, maaaring buksan sa publiko nang libre ang panonood ng mga laro maliban sa basketball, volleyball at football dahil sold out na…
Read MoreBAGYONG TISOY PAGHANDAAN –PAGASA
(NI ABBY MENDOZA) MAIHAHALINTULAD sa nanalasang bagyong Reming at Glenda ang padating na bagyong Tisoy kaya ngayon pa lamang ay inaatasan na ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office na maging handa. Ayon sa Pagasa, parehas ang direksyon na tinatahak ng bagyo na may international name na Kammuri sa direksyong tinahak ng bagyong Glenda noong November 28, 2006 at bagyong Reming noong July 2014. Sa bagyong Reming ay 106 ang nasawi, 1250 ang sugatan, 5 ang missing at P38.6…
Read MoreNAT’L GRID CORP HUHUBARAN NG SENADO
(NI NOEL ABUEL) TINITIYAK ng isang senador na mahuhubaran ang hawak na mandato ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang matiyak na hindi malalagay sa alanganin ang seguridad ng bansa. Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian kung saan maliban sa inihain nitong Senate Resolution No. 219 noong nakaraang linggo para uriratin ang NGCP, tatlo pang resolusyon ang inihain nito upang maimbestigahan. Sa ilalim ng Senate Resolution No. (SRN) 225, nais ni Gatchalian na bumuo at mag-implementa ng transmission development plan upang masiguro na ang pagpapalawig ng electric…
Read MorePARA IWAS-TRAFFIC; BYAHE PLANUHIN — MMDA
(NI LYSSA VILLAROMAN) INIHAYAG ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na walang dapat katakutan sa matinding traffic na mararanasan sa pagbubukas ng 30th Southeast Asian Games, bukas, sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan. Inabisuhan ni MMDA traffic czar, Bong Nebrija, ang publiko na planuhin ang kanilang biyahe o di kaya ay sumakay na lang bus upang maiwasan ang traffic dahil sa pag-implementa ng stop-and-go scheme at ng mga alternatibong ruta. Sinabi rin ni Nebrija na sa ilalim ng stop-and-go scheme ang traffic ay pipigilin ang pagdaan ng sasakyan ng mga delegado at…
Read MoreP3K DAGDAG-SAHOD SA GOV’T EMPLOYEES POSIBLE
(NI BERNARD TAGUINOD) KUNG hindi mababago ang bersyon ng Senado sa 2020 national budget na nagkakahalaga ng P4.1 Trillion, madaragdagan ng halos tig-P3,000 kada buwan ang sahod ng may 1.5 milyong empleyado ng gobyerno. Ito ang nabatid kay ACT party-list Rep. France Castro matapos doblehin ng Senado sa pamamagitan ni Sen. Panfilo Lacson ang P31 Billion na unang ipinasa sa Kamara para sa umento sa sahod ng mga government employees kasama na ang mga public school teachers. Dahil dito, magiging P63 Billion na ang pondo para sa umento ng sahod…
Read MorePAGPAPARAMDAM NI DU30 BILANG PNP CHIEF KINONTRA
(NI BERNARD TAGUINOD) “ARE there no more honest policemen anymore?” Ito ang katanungan ni militanteng grupo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso dahil sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya na lamang ang mamumuno sa Philippine National Police (PNP) dahil wala siyang mapiling kapalit ni dating PNP Chief Oscar Albayalde. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite, masamang pangitain ang planong ito ni Duterte dahil tila mismong siya ay hindi na nagtitiwala sa mga miyembro ng Pambansang Pulisya. Natatakot din ang grupo ni Gaite na posibleng lalala pa ang…
Read MoreJOHN LLOYD BALIK CLEAN CUT SA WEDDING NI VHONG
(NI ASTER AMOYO) BALIK si John Lloyd Cruz sa pagiging clean cut nang ito’y dumalo sa intimate wedding ceremony ng kaibigang si Vhong Navarro at longtime partner nito, ang Kapamilya writer na si Tanya Winona Bautista na ginanap sa Kyoto, Japan last Thursday, November 28. Ang nasabing wedding ay dinaluhan din ng halos lahat ng mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” noontime show except for Amy Perez na kasalukuyang nasa New York City, USA at ang bagong panganak na si Mariel Rodriguez na nasa Amerika rin. Pero dumalo sina…
Read More