CAYETANO RUMESBAK KINA DRILON, NOYNOY: ‘WAG NGA KAYONG IPOKRITO

(NI ABBY MENDOZA) BINUWELTAHAN ni House Speaker Alan PEter Cayetano si dating pangulong Noynoy Aquino at Sen Franklin Drilon at sinabing kung nalalakihan ito sa P6B na ginastos sa SEA Games ay pinaalala nitong noong 2015 APEC Summit sa ilalim ng nakalipas na administrasyon ay P10B ang ginugol ng gobyerno. Ang buwelta ni Cayetano kay Aquino ay matapos nitong sang-ayunan ang nauna nang pahayag ni Drilon na 50 classrooms na sana ang maipagagawa sa P50M cauldron na gagamitin sa SEA Games. “Ang sinasabi ko lang yung hypocrisy na nung P10…

Read More

FERRY SAGOT SA TRAFFIC

(NI MAC CABREROS) PARA maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa Metro Manila, ikinasa ng Department of Transportation (DOTr) sa pamamagitan ng Maritime Industry Authority (MARINA) ang Cavite – Metro Manila ferry. Inianunsyo ng MARINA na ang ruta ng Phase 1 ng Metro Star Ferry na may terminal sa Cavite City Hall ang Sangley Port patungong SM MOA at CCP port habang ang Phase 2 ay Sangley Port patungong Escolta at Lawton sa Manila. Ipinabatid ng DOTr, na kabilang sa shipping companies na gustong bumihaye ang Shogun Ships Co.,…

Read More

PANGAKO NG DOTr SA MRT3 BABANTAYAN SA SENADO

(NI NOEL ABUEL) UMAASA si Senador Grace Poe na tutuparin ng Department of Transportation (DOTr) ang nangako nitong matatapos ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit (MRT) 3 sa taong 2021. Sinabi ni Poe na ang karapatan mg publiko na masigurong ligtas at komportable ang MRT3 sa kanilang pang-araw-araw na pag-commute lalo na at may malaking pondo na ibinuhos bilang subsidy sa operasyon nito. Sa isinagawang interpelasyon sa hinihinging P147-bilyong budget ng Department of Transportation (DOTr), sinabi ni Poe na inaasahan nito na matutupad ng ahensya ang target na makumpleto…

Read More

CONTINGENCY MEASURE VS HK PINOY WORKERS PINAHAHANDA

OFWS44

(NI NOEL ABUEL) KINALAMPAG ni Senador Nancy Binay ang Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Labor and Employment (DOLE), at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na maging handa sa posibleng paglilikas sa mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Hong Kong. Ayon kay Binay, habang patuloy ang tensyon sa buong Hong Kong dapat na ilagay sa standby ang contingency measures upang matulungan ang mga OFW sa oras na lalo pang tumaas ang tensyon sa nasabing bansa. “Umaasa akong isolated cases ang mga report na may mga employer na nag-terminate ng kontrata…

Read More

‘WAG MUNA BANGAYAN, FOCUS MUNA SA SEA GAMES – PING

seagames6

(NI NOEL ABUEL) KUNG si Senador Panfilo Lacson ang tatanungin ay mas mabuting pag-usapan na lamang ang kontrobersyal na P50M cauldron pagkatapos ng SEA Games. Ayon kay Lacson, hindi malayong maging usap-usapan ang Pilipinas hinggil sa malaking gastos sa Sea Games sa halip na sa international event. “As much as possible gusto ko ang discussion tungkol sa SEA Games after the Games. Baka sa halip ma-focus tayo sa international event na iho-host natin, baka ang focus mapunta sa sinasabing excessive, questionable or masyadong extravagant na paggastos,” sabi pa ni Lacson…

Read More

PAL PLANE NAGLIYAB SA LAX; HIGIT 300 PASAHERO LIGTAS

(NI KIKO CUETO) NAG-EMERGENCY landing isang pampasaherong eroplano ng Philippine Airlines (PAL) sa Los Angeles Airport nang magliyab ang isa sa mga engine ilang minuto matapos mag-take off. Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, ligtas ang lahat ng 347 na pasahero at 18 na crew na sakay ng PR Flight 113 mula Los Angeles Airport na uuwi sana ng Pilipinas. Sa panayam sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN, sinabi ni Vilalluna na bibigyan nila ng mga accommodations at pagkain ang mga apektadong pasahero. Sa inisyal na ulat, nag-take off…

Read More

NBI KUMIKILOS VS EX-COMELEC CHAIR BAUTISTA

(NI DAHLIA S. ANIN) MALAYA pa ring nakagagala si dating Commission on Election (Comelec) chief Andres Bautista sa Estados Unidos kahit na mayroong standing arrest warrant na inilabas ang Senado. Isa ito sa mga isyu na nabanggit sa debate para sa P22-bilyong budget ng Department of Justice (DOJ). Ayon sa National Bureau of Investigation, attached agency ng DOJ, humahanap na sila ng paraan upang mahuli si Bautista na napatalsik sa puwesto ng House of Representatives noong 2017 dahil sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman nito. Pero, bago pa…

Read More

BAGYONG SARAH LALABAS NG BANSA SA SABADO

BAGYONG RAMON

(NI ABBY MENDOZA) BAGAMAT lumakas, hindi pa rin magla-landfall ang bagyong Sarah at asahan na sa weekend ay hihina ito at tuluyang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Ayon sa Phillippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nasa kategoryang severe tropical storm na ang bagyo, namataan ito sa Basco, Batanes at kumikilos ito sa bilis na 10 kph, taglay ang lakas ng hangin na 100 kph at bugso na 125 kph. Sa ngayon ay umiiral ang Storm Signal No 1 sa Babuyan Island at Batanes. Pinag-iingat ng Pagasa…

Read More

‘BANGAYAN SA P50-M ‘KALDERO’ WAG NANG PATULAN’

(NI ABBY MENDOZA) DAHIl wala namang maidudulot na mabuti, pinatitigil na ng isang senior congressman ang sagutan ng mga pulitiko ukol sa kontroberiyal na P5OM cauldron o tinawag na “kaldero” na gagamitin sa 2019 SEA Games. Ayon kay  Dasmariñas City Rep. Pidi Barzaga na sa nalalapit na SEA Games ay suporta sa mga atleta ang nais na marinig ng mga ito at hindi ang batuhan at sagutan ng mga akusasyon. Nobyembre 30 na umano ang pagsisimula ng SEA Games na pinaghandaan ng bansa kaya dapat na isantabi na muna ang…

Read More