PAL PLANE NAGLIYAB SA LAX; HIGIT 300 PASAHERO LIGTAS

(NI KIKO CUETO)

NAG-EMERGENCY landing isang pampasaherong eroplano ng Philippine Airlines (PAL) sa Los Angeles Airport nang magliyab ang isa sa mga engine ilang minuto matapos mag-take off.

Ayon kay Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, ligtas ang lahat ng 347 na pasahero at 18 na crew na sakay ng PR Flight 113 mula Los Angeles Airport na uuwi sana ng Pilipinas.

Sa panayam sa Umagang Kay Ganda ng ABS-CBN, sinabi ni Vilalluna na bibigyan nila ng mga accommodations at pagkain ang mga apektadong pasahero.

Sa inisyal na ulat, nag-take off ang eroplano mula sa LAX ng 11.12 am oras sa Los Angeles.

Nakuhanan pa ng video ang pagliyab ng engine ng eroplano habang nasa himpapawid.

“We confirm that our Philippine Airline Flight PR 113, departing from Los Angeles International Airport at approximately 11:12 am local time for a flight to Manila, landed safely at LAX after experiencing technical problem with one of its engines shortly after take-off,” sinabi naman ng PAL sa isang pahayag.

Sa report, naghayag ng “mayday” ang piloto ng eroplano na si Capt. Tristan Simeon at maayos na ibinalik ang eroplano at napag-land sa paliparan sa LA, kahit nagloko ang engine nito.

Agad ding tinulungan ang mga pasahero at tiniyak ng PAL na bibigyan ng atensyong medikal ang mga mangangailangan nito.

“All 347 passengers and 18 crew members are safe and were able to disembark from the airplane using regular stairs.  Our operation teams are assisting the passengers and will provide medical support as needed, although there are no reports of injuries,” sinabi pa ng PAL.

Ang sangkot na eroplano ay isang Boeing 777 aircraft na may registry number na RP-C7775.

Tiniyak ng PAL na nakikipag-ugnayan ito sa mga otoridad hinggil sa imbestigasyon.

“We affirm that safety is our top priority and that Philippine Airlines is fully cooperating with the concerned airport and aviation authorities,” dagdag nito.

 

158

Related posts

Leave a Comment