KAGAWAD PATAY, WAITRESS SUGATAN SA EX-ARMY

HINDI umabot nang buhay sa Ospital ng Maynila ang isang barangay kagawad habang nasa malubhang kalagayan ang isang waitress makaraan umanong mamaril ang isang dating sundalo sa loob ng isang resto bar sa J. Nakpil Street, Ermita, Manila nitong Huwebes ng umaga. Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, commander ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, ang namatay na biktimang si Jesus Carmona, manager ng resto bar at barangay kagawad ng Parola Compound sa Tondo. Patuloy namang inoobserbahan sa nasabing pagamutan si Donna Sabenencio, 29, residente ng Tondo, Manila. Samantala, agad…

Read More

DEGAMO SLAY CASE, IIMBESTIGAHAN SA KAMARA

LIMANG congressman ang naghain ng resolusyon para paimbestigahan sa kaukulang mga komite sa Kamara ang hinggil sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo noong Marso 4. Sa House Resolution (HB) 825, nais nina Zambales Rep. Jefferson Khonghun, La Union Rep. Francisco Paolo Ortega, Misamis Occidental Rep. Sancho Fernando Oaminal, Sorsogon Rep. Marie Bernadette Escudero, at Quirino Rep. Midy Cua na alamin ang dahilan ng pagpatay kay Degamo. Magugunitang pinasok ng armadong kalalakihan ang compound ng bahay ng mga Degamo sa Paloma, Negros Oriental at pinagbabaril si Degamo na ikinamatay…

Read More

JAPAN TUTULONG SA OIL SPILL CLEANUP SA ORIENTAL MINDORO

HANDANG makipagtulungan ang mga tauhan ng bansang Japan na eksperto sa oil control, sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) para mapigilan ang pagkalat ng langis na tumagas sa Naujan, Oriental Mindoro. Base sa ulat ng PCG, direkta silang nakipag-ugnayan kay Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa na nagsabing ang disaster relief expert team ng Japan ay darating sa bansa para tumulong sa paglilinis at pagkontrol sa oil spill. Noong Pebrero 28 nang tuluyang lumubog ang motor tanker (MT) Princess Empress na may kargang 800,000 litro ng industrial fuel oil sa…

Read More

INDIAN NATIONAL PATAY SA HOLDAPER

CAVITE – Tinutugis ng mga tauhan ng Cavite Police ang dalawang  kalalakihan na nangholdap at pumatay sa isang Indian national sa Bacoor City noong Miyerkoles ng umaga.  Kinilala ang biktimang si Jatinder Pal Singh, 38, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na tumakas matapos ang insidente.  Ayon sa ulat ni Corporal Marco Romero Cupo ng Bacoor City, dakong alas-11:00 ng umaga nang maningil ng kanyang mga pautang ang biktima sa Arevalo Compound, Brgy. Real 1, Bacoor City.  Nilapitan umano ito ng mga suspek, nagdeklara ng holdap at tinangay ang…

Read More

POLICE OFFICIAL SA BRGY. CHAIRMAN SLAY, SUMUKO

NASA kustodiya na ng Police Regional Office 4A (PRO4A) sa Camp Vicente Lim, Laguna, ang umano’y isang opisyal ng pulisya na itinuturong sangkot sa pagpaslang kay San Carlos, Lipa City barangay captain Vivencio Palo na pinagbabaril ng mga suspek habang lulan ng kotse noong Pebrero y 26 sa Lipa City. Ayon sa pahayag ni P/Lt. Col. Eunice de Guzman, CALABARZON Police PIO, sa isang radio program, ang pulis na may ranggong police lieutenant colonel (PLTCOL) ay agad sumunod sa kautusan ni PRO4A Regional Director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na mag-report sa regional…

Read More

Suspek nagpakamatay 4 MAGKAKAPATID MINASAKER NG STEPFATHER

CAVITE – Ipinadala pa sa FB Messenger ng isang tricycle driver ang larawan ng mga bangkay ng apat na mga batang kanyang minasaker, sa ina ng mga biktima saka ito nagpakamatay matapos magtalo ang mga ito dahil sa selos at hindi umano pagpapada ng pera ng ginang na OFW, sa Trece martires City noong Huwebes ng tanghali.  Kinilala ang magkakapatid na mga biktimang sina Princess Viajan Marie Dona, 4; Bianca Rose Bisa, 10; Jacklyn Joy Bisa, 6, at Conrado Bisa, 6, pawang natagpuang patay sa loob ng isang silid ng…

Read More

PCSO Distributes Medicines in the Grand All-In-One Medical Mission and Donates Php4.13 Million Lotto and STL Shares to the City of Zamboanga

By: Aaron Erwin E. Austria Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Melquiades A. Robles graced the Grand All-In-One Medical Mission led by the 9th Regional Community Defense Group Reserve Command of the Philippine Army at the Labuan National High School in Zamboanga City last February 13, 2023. The people present at the event were very grateful for the medicines provided by GM Robles for the medical mission. Truly, the beneficiaries felt that PCSO is faithful to its slogan, “PCSO, Hindi Umuurong sa Pagtulong.” As the keynote speaker, GM Robles…

Read More

MAG-INA, 1 PA ARESTADO SA DRUG BUY-BUST

CAVITE – Nadakip ang tatlo katao, kabilang ang ina ng isa sa mga suspek na nakialam umano sa pag-aresto sa ikinasang buy-bust operation sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Martes ng gabi. Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Rommel Organiza y Israel at Buenaventura Parado y Torres, kapwa nasa hustong edad Habang sinampahan ng kasong paglabag sa Art. 151 ng RPC (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or Agents), Art. 148 ng RPC (Direct Assault)…

Read More

BIGTIME PUSHER HULI SA P3-M SHABU

CAVITE – Tinatayang mahigit sa P3 milyong halaga ng umano’y shabu ang nasamsam matapos maaresto ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Bacoor City noong Martes ng hapon.  Kinilala ang suspek na si Abubakar Baliman y Salangani, nasa hustong edad, residente ng Molino 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-3:40 ng hapon nang magsagawa ng buy-bust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Regional Office 4A, Regional Special Enforcement Team (RSET) 1 at 2, PDEA Cavite at Bacoor City Police (CPS), sa Town…

Read More