PATAY si Negros Oriental Gov. Roel Ragay Degamo matapos pagbabarilin sa kanyang tahanan, alas-9 ng umaga ngayong Sabado sa Pamplona, Negros Oriental. Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office, alas-9:36AM nang pasukin ng mga armado na lulan ng 2 SUV ang tahanan ng gobernador sa Brgy. San Isidro, Sto. Nuebe, Pamplona. Dito na pinagbabaril ang gobernador na abala umano noon sa pakilkipag-ugnayan sa kanyang mga kababayan na 4Ps beneficiaries. Bukod kay Degamo, may lima katao pang nadamay umano sa pamamaril bagaman kinukumpirma pa ang kalagayan at pagkakakilanlan ng…
Read MoreAuthor: admin 2
4 TULAK TIMBOG SA P238K SHABU
UMABOT sa P238,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga makaraang madakip sa ikinasang buy-bust operation sa Sampaloc, Manila noong Huwebes ng madaling araw. Kinilala ang mga suspek na sina Katherine Ignacio, 35; Maricel Burdios, 44; Leo Carlo Miralles, 42, at Conrado Trinidad, 6-anyos. Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Wilson Villaruel, commander ng Manila Police District – Sampaloc Police Station 4, bandang alas-12:30 ng madaling araw nang ikasa ang buy-bust operation sa Domingo Santiago Street malapit sa panulukan ng Luzon St., sakop ng…
Read MoreRETRIEVAL MISSION SA CESSNA CRASH SITE TINAPOS NA
Huwebes ni Incident Management Team commander at Camalig, Albay Mayor Carlos Baldo Jr. ang lahat ng operasyon kaugnay sa bumagsak na Cessna plane malapit sa crater ng Mayon Volcano. Ito ay matapos na matagumpay na matagpuan, makuha at maibaba ng mga responder na binubuo ng iba’t ibang grupo ng mountaineers, local guides, at ng mga tauhan ng Naval Special Operations Group (NAVSOG), Philippine Army, Bureau of Fire Protection – Special Rescue Force (BFP-SRF), at Philippine National Police (PNP) ang mga labi ng apat na sakay ng eroplano. Ang search and rescue operation para sa Cessna 340A ay tumagal nang mahigit sa…
Read MoreKONTRA SA SAMA-SAMANG BUDGET SA PAGKAIN, PATAY SA LAGARE
CAVITE – Dahil lamang sa pagtutol sa sama-samang budget sa pagkain, kamatayan ang sinapit ng isang 45-anyos na construction worker nang tagain sa leeg gamit ang isang lagare ng kanyang kasamahan sa trabaho sa Trece Martires City, noong Huwebes ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eddie “Bong” Abenido Vertodazo, 45, binata, construction worker at residente ng Brgy. Cabuco, Trece Martires City. Naaresto naman sa follow-up operation ang suspek na si Tirso Montez 48, tubong Surigao del Sur, may asawa, isang mason/ carpenter at stay-in sa construction site…
Read More2 HIGH VALUE INDIVIDUALS HULI SA BUY-BUST
CAVITE – Arestado ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng high value individual (HVIs), sa isinagawang buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 and 11, ng Art. II ng RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek na sina Manuel Zamora y Suriaga, 60, binata, ng Brgy. San Dionisio, atAl Rumidas y Mangigen, 18, binata, ng Brgy. Datu Esmael, kapwa ng Dasmariñas City. Ayon sa ulat ni P/SSgt. Wilson Candaba…
Read MoreKUYA ARNIE NG AKSYON, TULONG, SOLUSYON NG MASA, PANG-SPORTS DIN!
Teves Cares: Mula kaliwa: Axl Teves Cong. Arnie “Kuya Arnie” Teves at Kurt Matthew Teves. Bukod sa kapwa Negrosanon, kinagiliwan ng netizens ng makita ang kinikilalang hari ng Aksyon, Tulong, Solusyon ng bansa si Negros Oriental 3rd District Rep. Arnie Teves o mas kilala ng netizens bilang Kuya Arnie ng ipakita nito ang galing sa Motocross kamakailan. Lumahok sa isang competition si Cong. “Kuya” Arnie ng Motocross sa Negros para bigyan giliw ang mga manonood at Negrosanon. Nakita sa nasabing kumpetisyon si Teves na tila teenager na mahusay minamani-obra ang…
Read MoreDENR BUMUO NG TASK FORCE NAUJAN OIL SPILL
BUMUO na ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng Task Force Naujan Oil Spill kasunod ng emergency meeting nito sa Philippine Coast Guard (PCG), at kina Oriental Mindoro Governor Bonz Dolor, at Naujan Mayor Henry Joel Teves. Itinalaga naman ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga si Undersecretary at Chief of Staff Marilou Erni bilang Task Force Commander. Si Undersecretary Erni ay naging corporate ground response coordinator sa nangyaring Guimaras Oil Spill noong 2006. Ang Philippine Coast Guard (PCG), partikular ang Marine Environmental Protection Command, ang lead agency…
Read More3 LABI SA CESSNA PLANE CRASH, NAIBABA NA
NAIBABA na ang tatlo sa apat na mga namatay sa pagbagsak ng Cessna plane sa Camalig, Albay. Ayon kay Incident Commander at Camalig, Albay Mayor Mayor Carlos Baldo Jr., dakong alas-7:30 noong Miyerkoles ng gabi nang maibaba ang unang labi sa sentro ng Camalig, Albay. Pasado ala-una naman nitong Huwebes ng madaling araw naibaba ang pangalawa at bandang alas-tres ng madaling araw naman ang ikatlong labi. Sa kabila nang pahirapang pagbaba sa mga labi ng mga biktima, maituturing umano ni Mayor Baldo na maayos na naipatupad ang naturang operasyon. Ayon pa kay Baldo, ang…
Read MoreSUSPENDIDONG PARAK TIKLO SA BUY-BUST
CAVITE – Makaraang masuspendi, luminya umano sa pagtutulak ang isang pulis subalit minalas na naaresto at nakumpiskahan ng P40,000 halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Imus City noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang suspek na si Patrolman Albert Lorenz Parnala Reyes, 34, dating nakatalaga sa Philippine Drug Enforcement Unit (PDEU)-Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-9:50 ng gabi nang makipagtransaksyon ang suspendidong pulis sa isang poseur buyer sa Brgy. Malagasang 1-F, Imus City, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. Nakumpiska sa suspek ang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may…
Read More