INIHAYAG ni CIDG chief Director Police Major Gen Nicolas Torre III, na nagpakalat na sila ng tracker teams ng CIDG sa buong bansa para sa agarang pagkaaresto kay dating Malakanyang spokesperson Atty. Harry Roque, Cassandra Ong at 49 na iba pa. Sinabi ni Torre, na nakakalat na sa buong bansa ang kanilang mga tauhan at magtatrabaho ng 24-oras para sa agarang pagkaaresto ng mga akusado. Ito ay bilang pagtalima sa kautusan ni PNP chief General Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang Oplan Pagtugis operation sa wanted persons. Matatandaan na nagsampa…
Read MoreAuthor: admin 3
Opisina nilusob; MAYORALTY CANDIDATE SA PASIG SINISINGIL NG MGA RESIDENTE
NAGTIPON ang daan-daang katao sa harap ng isang construction company sa Pasig City matapos kumalat ang balita na mababayaran na sila sa kanilang sebisyo bilang watchers at poll aide nitong katatapos na midterm elections. Tinatayang hindi bababa sa isandaang Pasigeuno mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nagtungo sa tanggapan ng St. Gerrard Construction (SGC) company sa F. Manalo St., Barangay Bambang nitong Mayo 14. Ito ay matapos kumalat ang balita na babayaran na sila ni Sarah Discaya na tumakbong mayor ng Pasig. Si Discaya ang may-ari ng St.…
Read MoreKAMPANYA KONTRA DROGA NG BUCOR PINAIGTING
HINIGPITAN ng Bureau of Corrections ang paggamit ng government quarters para sa mga tauhan nito kasunod ng pagkakaaresto sa tatlong indibidwal kabilang ang isang inmate at ang anak ng dating corrections officer sa hinihinalang ilegal na droga sa San Ramon Prison and Penal Farm (ZPPF) sa Zamboanga. Kasunod nito, inatasan ni Bucor Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. si SPPF C/SSupt. Daisy Sevilla Castillote na magsagawa ng masusing imbestigasyon at tiyaking walang gagamiting quarters ng gobyerno sa mga bawal na gawain. Batay sa ulat na isinumite kay Catapang ni…
Read MoreP4-B E-GATES PROJECT NG BI, SINO’NG MAY KICKBACK?
BISTADOR ni RUDY SIM MATAPOS ang mainit na kaguluhan sa Bureau of Immigration noong May 2, makaraang manghimasok at makialam si BI Commissioner Joel Viado sa isinagawang meeting na may kaugnayan sa P4 bilyong E-Gates project ng ahensya, ay pilit umanong pinaaaprubahan ni Viado sa araw na iyon na pinaniniwalaang dahil may malakas na pressure mula sa DOJ? Dahil sa naturang kaguluhan na sinigawan at dinuro umano ni Vayad-O este Viado, ang mga opisyales sa naturang meeting kabilang si Deputy Commissioner Daniel Laogan, ay hindi natapos ang meeting dahil sa…
Read MoreSIMULA NA NG TRABAHO
CLICKBAIT ni JO BARLIZO TAPOS na ang Eleksyon. Naiproklama na ang ilang nanalo. Ang isang araw at ilang oras na botohan ay simula ng tatlong taon na magiging sitwasyon ng pulitika at kalagayan ng bansa at ng mamamayan. Sa mga hindi pinalad – hindi pa sarado ang inyong aspirasyon. Sa mga nagwagi – kailangan ang pagpapakumbaba at pagtupad sa mga ipinangako. Ang pasasalamat ay hindi lamang inihahayag sa salita kundi sa pagkilos at pagtatrabaho. Ginusto n’yong tumakbo at pinalad manalo. Nakiusap kayo sa mga Pilipino kaya huwag naman sanang makisuyo…
Read MoreCONTENTMENT
HOPE ni GUILLER VALENCIA SABI ni St. Paul sa Philippians 4:11-12, “I have learned to be CONTENT in whatever circumstances I am. I know how to get along with humble means, and I also know how to live in prosperity.” Remember, prior to conversion to Christianity of St. Paul, isa siyang educated and affluent and haven’t written this verse about contentment. However, nang isulat niya ito ay nakaranas na siya ng persecution sa kapwa niya mga Romano na katulad niya noon ay taga-usig ng mga Christian. Aside from persecutions, naranasan…
Read MoreANG PAGBABALIK NI MAYOR ISKO MORENO SA MAYNILA
TARGET ni KA REX CAYANONG MULING sumampa sa entablado ng pulitika si Francisco “Isko” Moreno Domagoso matapos ang kanyang matagumpay na pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila sa katatapos lamang na Eleksyon 2025. Sa isang makasaysayang tagumpay, tinalo niya ang kanyang dating pangalawang alkalde at re-electionist na si Mayor Honey Lacuna, kasama ang siyam pang kandidatong nagtangkang mamuno sa kabisera ng bansa. Ang pagbabalik ni Moreno sa City Hall ay hindi lamang isang personal na tagumpay, kundi isang malinaw na mensahe mula sa mga Manileño: handa silang bigyang muli…
Read MoreIMPEACHMENT TRIAL KAY VP SARA ‘DI MAGIGING CIRCUS – CHIZ
TIWALA si Senate President Francis Chiz Escudero na hindi magiging circus ang mangyayaring impeachment trial sa pagpasok ng mga bagong halal na senador. Sa Kapihan sa Senado, sinabi ni Escudero na batay sa mga inisyal na resulta ng halalan, lima sa mga nanalong senador ay reelectionist, apat ang mga dating senador at tatlo ang mga kongresista. Sinabi ni Escudero na mga beterano at batikan na sa mga legislation ang mga ito kaya’t alam na rin ang parliamentary rules kaya’t inaasahan niyang magiging maayos ang proseso. Kasabay nito, sinabi ng Senate…
Read MorePAGBABA NG PRESYO NG BILIHIN PINATUTUTUKAN SA MARCOS ADMIN
IGINIIT ni Senador Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na dapat nang tutukan ang pagpapatupad ng mga hakbangin para maibaba ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, matapos maging abala sa halalan. Sinabi ni Gatchalian, ngayong humupa na ang election fever, marami sa mahihirap na komunidad ang umaasa sa pagpapatuloy ng proyektong P20 kada kilo na bentahan ng bigas. Binigyang-diin ng senador na hindi lang dapat presyo ng bigas ang maibaba kundi dapat ay sunod ding tiyakin ng gobyerno ang abot-kayang presyo ng basic goods para sa kaginhawaan ng mahihirap na…
Read More