P89.16 MILYONG HALAGA NG ILEGAL NA DROGA, NASAMSAM SA PASAY WAREHOUSE

NASA kustodiya na ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 15.036 kilo ng hinihinalang ilegal na droga na may tinatayang halagang P89,161,800 matapos itong madiskubre ng Bureau of Customs (BOC) sa 12 inabandunang parcel sa isang warehouse sa Pasay City. Ayon sa ulat, nagmula sa Thailand, India, United States at Netherlands ang mga parcel na nadiskubre sa isinagawang anti-narcotics interdiction operation ng BOC katuwang ang PDEA. Nakatago sa mga damit, balot ng pagkain at tsaa, lalagyang kahoy, metal pulley, handbag at deep fryer ang iba’t ibang uri ng hinihinalang…

Read More

MACALINTAL, HINILING SA SUPREME COURT NA BALIGTARIN DESISYON SA PAGPAPALAWIG NG TERMINO NG MGA OPISYAL NG BARANGAY AT SK

HINDI sumusuko si election lawyer Atty. Romulo B. Macalintal sa panawagang muling pag-aralan ng Korte Suprema ang desisyon nitong nagpatibay sa pagpapaliban ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong 2026 at pagpapalawig sa termino ng mga kasalukuyang opisyal. Sa kanyang inihain na Motion for Partial Reconsideration na may kasamang Motion to Set the Case for Oral Arguments, hiniling ni Macalintal na ideklarang labag sa Konstitusyon ang mga probisyon ng Republic Act No. 12326 na nagtatakda ng susunod na BSKE sa 2028. Nilinaw ni Macalintal na hindi niya kinukuwestiyon ang…

Read More

EXTRADITION PETITION VS QUIBOLOY NILARGA NG DOJ

SINIMULAN na ng Department of Justice (DOJ) ang extradition proceedings laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Pastor Apollo Quiboloy at dalawa pa niyang kasamahan, alinsunod sa kahilingan ng pamahalaan ng United States. Ayon sa DOJ, naghain na ito ng extradition petition sa Makati Regional Trial Court Branch 145, sa ilalim ni Judge Karen Matti Sy. Bukod kay Quiboloy, kabilang sa kahilingan sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag, na nahaharap sa mga kasong international human trafficking, sex trafficking, conspiracy at bulk cash smuggling sa Estados Unidos. Alinsunod sa bagong…

Read More

Sa epekto ng El Niño MARCOS PINAGDEDEKLARA NG STATE OF CALAMITY

UMABOT na sa 20 senador ang nananawagan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magdeklara ng state of calamity sa mga lugar na apektado ng banta ng Super El Niño sa bansa. Sa pamamagitan ng Proposed Senate Resolution No. 765, hinimok ng mga senador ang Pangulo na isaalang-alang ang rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang agad na maipatupad ang mga hakbang laban sa epekto ng matinding tagtuyot, partikular sa sektor ng agrikultura. Sa ilalim ng Republic Act No. 10121 o Philippine Disaster Risk Reduction and…

Read More

ROMUALDEZ PINATAWAN NG 90 ARAW NA SUSPENSYON

PINATAWAN ng Sandiganbayan ng 90-araw na preventive suspension si Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay ng mga kasong kinahaharap niya sa anti-graft court. Ayon sa resolusyon ng Sandiganbayan, ipinatutupad ang preventive suspension alinsunod sa Section 13 ng Republic Act No. 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act. Nilinaw ng hukuman na hindi ito parusa o pinal na hatol sa kaso, kundi isang hakbang upang matiyak na hindi magagamit ng opisyal ang kanyang posisyon habang nagpapatuloy ang pagdinig. Sa ilalim ng kautusan, pansamantalang hindi maaaring…

Read More

BAGO MAG-PASKO, HATOL KAY SARA: MAY PULITIKANG NAKATAGO SA LIKOD NG TIMING?

PUNA ni JOEL O. AMONGO HABANG papalapit ang Kapaskuhan, isang malaking tanong ang bumabagabag sa ilang tagasuporta at tagamasid ng politika: May posibilidad bang madaliin ang paghatol laban kay Vice President Inday Sara Duterte bago mag-Pasko? May mga nag-aalala na maaaring may kinalaman sa timing ang magiging desisyon sa impeachment proceedings, lalo na kung matatapat ito sa panahong abala ang maraming Pilipino sa paghahanda para sa Pasko, pagtanggap ng 13th month pay at iba pang bonus mula sa kanilang pinapasukan. Kung sakaling magkaroon ng ganitong hakbang, mahalagang malinaw sa publiko…

Read More

SA PANIBAGONG TANGKANG PANGANGAMKAM NG CHINA: ‘PINAS ‘DI PWEDENG MANAHIMIK!

TAMBULI ni JESSE RUIZ ANG soberanya ng Pilipinas ay hindi isusuko, ang kasaysayan kailanman ay hindi mababaluktot, at alin mang teritoryo ng Pilipinas ay hindi kailanman magiging pag-aari ng China! Ito ang dahilan kaya hindi dapat manahimik ang sambayanang Pilipino kahit sabihin pang sadyang manhid ang China sa katotohanan at legalidad maging sa sinasabi ng international laws. Malinaw na kulang ang diplomatikong pagkilos kung ang kaharap ay ang China na lantarang walang pakialam sa katotohanan, kasaysayan at karapatan ng kanyang mga kapitbahay sa Asya at Pasipiko. Hindi ba nakagigimbal na…

Read More

Dalawampu’t Isang Piso at Dalawampu’t Siyam na Sentimo: Sapat Na Ba?

GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SAAN nga ba makabibili ng buong pagkain sa halagang P21.29? Kung may alam kayong karinderyang nagbebenta ng kanin, ulam at sabaw sa presyong iyan, baka naman pwedeng ibahagi ang lokasyon. Marami sigurong gustong makakain doon. Hindi kataka-takang naging usapan ang halagang ito sa social media, kabilang ang X. Maraming Pilipino ang nagtatanong kung saan makahahanap ng pagkaing ganito kamura. May mga nagbiro pa at sumubok ng P21 meal challenge. Nakatatawa ang ilan sa mga reaksyon, pero kung iisipin, hindi ba dapat mas nakababahala kaysa…

Read More

BELENISMO SA TARLAC

PINANGUNAHAN ni Dra. Isa Cojuangco-Suntay, isa sa mga nagtatag ng Tarlac Heritage Foundation, ang pagdiriwang ng ika-19 na Belenismo sa Tarlac, isang taunang aktibidad na nagbibigay-buhay sa tradisyon ng paggawa ng Belen bilang pagpapahayag ng pananampalataya, kultura, sining at pagkakaisa ng mga Tarlaqueño. Muling tampok sa pagdiriwang ang mga kahanga-hangang likha ng Belen na sumasalamin sa pagkamalikhain, talento at dedikasyon ng mga kalahok. Layunin ng aktibidad na pangalagaan at maipamana sa susunod na henerasyon ang mahalagang tradisyong ito. (DANNY BACOLOD) 118

Read More