π—šπ—’π—©. π—Ÿπ—₯𝗔𝗬: π—”π—žπ—¦π—¬π—’π—‘, π—›π—œπ—‘π——π—œ π—™π—”π—–π—˜π—•π—’π—’π—ž 𝗣𝗒𝗦𝗧𝗦 𝗣𝗔π—₯𝗔 𝗦𝗔 π—‘π—”π—šπ—” π—”π—œπ—₯𝗣𝗒π—₯𝗧

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI na bago ang pangarap para sa mas maayos at mas malaking Naga Airport. Matagal nang nasa usapan ang proyekto, at malinaw na hindi ito simpleng pagpapagawa ng terminal o runway. Malaking pondo, malawak na lupain at mahabang proseso ang kailangan. Kaya may punto si Camarines Sur Gov. LRay Villafuerte nang sabihin niyang hindi sapat ang mga pahayag sa social media kung ang layunin ay talagang maisulong ang airport development. Madaling magsulat ng post. Madaling maglabas ng pahayag. Pero kapag bilyun-bilyong piso ang pinag-uusapan, hindi…

Read More

MASS SHOOTING SA LA SALLE DASMA, FAKE NEWS

NILINAW ng DasmariΓ±as City Police na walang nangyaring shooting incident sa La Salle Dasma. Nauna nang kumalat sa social media na may naganap na mass shooting sa lugar. Nang beripikahin at imbestigahan ng investigation section ng pulisya ang nasabing impormasyon ay negatibo naman ito. Subalit, hiwalay naman ito sa natuklasan na labi ng babae sa loob ng isang sasakyan sa De La Salle Medical and Health Sciences Institute sa Barangay Burol Main noong gabi ng Setyembre 30. Ayon sa pulisya, misleading ang mga post na pinagsama ang dalawang insidente. Wala…

Read More

TANKER VESSEL NASUNOG, 2 CREW NASUGATAN

NASUNOG ang isang tanker vessel habang nasa Balayan Distillery Inc. Port sa Barangay Talisay, Calaca City, Batangas noong Miyerkoles ng gabi na ikinasugat ng dalawang crew members. Batay sa ulat ng PCG Southern Tagalog District, agad nagresponde ang Coast Guard Sub-Station Lemery kasama ang BFP Calaca City, at isang lokal na tugboat matapos makatanggap ng impormasyon mula sa City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO. Ang Motor Tanker na MTKR GINDARA, na may kargang molasses, ay mayroon umanong 22 crew members nang sumiklab ang apoy sa engine room.…

Read More

Sa loob ng kotse sa unibersidad ESTUDYANTE NATAGPUANG MAY PLASTIC SA ULO, MAY TALI SA LEEG

MASUSING nag-iimbestiga ang pulisya kung nagpakamatay ang isang estudyante ng isang kilalang unibersidad matapos matagpuang nakabalot sa plastic ang ulo at may tali sa leeg sa loob ng kanyang sasakyan sa parking area ng De La Salle Medical Health Science Institute sa Brgy. Burol Main, DasmariΓ±as City, Cavite noong Miyerkoles ng gabi. Kinilala ang biktimang si alyas “Gus”, 24, estudyante, residente ng South Grove Estate Subd., Pasong Buaya 2, Imus City, Cavite. Ayon sa ulat, hinahanap ng kanyang tiyahin ang biktima dahil hindi pa ito umuuwi sa kanilang bahay Tinangka…

Read More

GRAFT ISINAMPA VS MAGALANG MAYOR, 10 IBA PA

NAGSAMPA ng kaso ang United Pilipinos Against Crime and Corruption (UPACC) nitong Huwebes sa Office of the Ombudsman laban kay Magalang, Pampanga Mayor Malu Lacson at 10 iba pang lokal na opisyal at indibidwal. Kabilang sa pinangalanan bilang respondents sa mga reklamo sina Municipal Administrator Norman Lacson; Municipal Environment and Natural Resources Officer Paul Elmer Market; Konsehal Ruben Miranda; Navaling Barangay Chairman Juanito Napo; at mga miyembro ng Magalang Task Force, kasama sina Dr. Inold Cross, Edward Lathe, Engr. Jesus Nathaniel Pili, at Rizalino Ocampo. Kasama rin sina Jose Tiburcio…

Read More

PINOY HINIKAYAT MAMUHUNAN SA RETAIL TREASURY BONDS

HINIKAYAT ng gobyerno ang mga Pilipino na mamuhunan sa Retail Treasury Bonds (RTBs) na maaaring bilhin sa halagang hindi bababa sa P5,000, upang kumita ng fixed interest habang nakatutulong sa pagpopondo ng mga programa at proyekto ng pamahalaan. Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na maaaring mamuhunan ang mga Pilipino sa RTBs, habang ang malilikom na pondo ay gagamitin sa mga proyekto para sa edukasyon, healthcare, business support, job generation at iba pang inisyatibang naglalayong palaguin ang ekonomiya. “Ginawa po ito ng gobyerno…

Read More

MEDICAL EXPERTS ITINULAK HARM REDUCTION SA NICOTINE PRODUCTS

ITINULAK ng mga medical expert ang prinsipyo ng harm reduction bilang paraan upang mabawasan ang panganib sa kalusugan dulot ng nicotine, partikular para sa mga smoker na hindi kayang tuluyang tumigil sa paninigarilyo. Pinangunahan ng Philippine Tobacco Harm Reduction Advocates (PHILTRA) coalition ang 2nd National Summit on Nicotine and Harm Reduction, na dinaluhan ng mga medical expert, consumer groups at kinatawan ng industriya upang talakayin ang mga polisiya hinggil sa sigarilyo, vape at iba pang produktong may nicotine. Isinagawa ang summit sa gitna ng mga panukalang pinag-aaralan ng gobyerno na…

Read More

KAWAYAN BILANG NATIONAL ECONOMIC DRIVER, ISINUSULONG NI SPEAKER DY

NANAWAGAN si Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III nitong Huwebes para sa mas malakas na suporta mula sa pamahalaan at pribadong sektor upang makabuo ng isang kompetitibong industriya ng kawayan sa Pilipinas na makalilikha ng pangmatagalang kabuhayan para sa mga magsasaka, trabaho sa mga kanayunan at mga produktong lokal para sa konstruksyon at iba pang industriya. Sa kanyang pagdalo sa programang “Building the Future with Bamboo” sa punong tanggapan ng Asian Development Bank (ADB) sa Mandaluyong City, sinabi ni Dy na nagsimula ilang taon na ang kanyang pagsusulong sa industriya…

Read More

KAHANDAAN NG GOBYERNO SA SUPER EL NIΓ‘O, PINASUSURI SA SENADO

elnino2

ISINUSULONG ni Senator Jinggoy Estrada ang isang resolusyon upang busisiin ng Senado ang paghahanda ng mga ahensya ng gobyerno kaugnay ng babala ng weather bureau hinggil sa posibleng “super-sized” na El NiΓ±o na maaaring maranasan sa bansa hanggang 2027. Inihain ni Estrada, pangunahing may-akda at sponsor ng Republic Act No. 12287 o ang “Declaration of State of Imminent Disaster Act,” ang Senate Resolution No. 656, na naglalayong magtalaga ng komite sa mataas na kapulungan upang magsagawa ng kaukulang imbestigasyon. Sinabi ni Estrada na hindi dapat magpahuli ang Senado sa pagkilos…

Read More