CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang isang lalaking sakay ng isang pulang lumang kotse na bumaril sa pinaniniwalaang isang empleyado ng electric company, habang sakay ng kanilang company vehicle sa Dasmariñas City noong Miyerkoles ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Emilio Aguinaldo College Medical Center ang biktimang si alyas “Mayo” dahil sa tama ng bala sa ulo. Habang pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na sakay ng pulang lumang model ng kotse, at armado ng ‘di nabatid na kalibre ng baril. Ayon sa ulat, binabagtas ng biktima ang kahabaan…
Read MoreAuthor: admin 3
MIYEMBRO NG BASAG-KOTSE NABARIL NG BIKTIMA
LAGUNA – Natunton at naaresto ng mga pulis ang isang lalaking miyembro ng basag-kotse na bumiktima sa mga motorista sa Calamba City at karatig na mga lugar, matapos mabaril ng isa sa mga biktima sa Brgy. Halang, sa sabing lungsod noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ng Calamba City Police ang suspek sa pangalang “Geraldine”, 22, residente ng Tondo, Manila. Ayon sa police report, kasama nito ang isa pang suspek na nagngangalang “Andrew”, sakay ng puting Honda ADV, habang nambibiktima ng nakaparadang mga kotse sa Calamba City dakong alas-5:30 ng hapon.…
Read MoreBARKO BAHAGYANG NASUNOG SA KARAGATAN NG QUEZON
QUEZON – Isang barko ang bahagyang nasunog habang naglalayag sa karagatang sakop ng Brgy. Mangero sa bayan ng San Andres sa lalawigan dakong alas-9:00 ng gabi noong Miyerkoles. Ayon sa San Andres Police, may sakay na 92 pasahero at 53 crew ang barko ng KHO Shipping Lines na galing sa Aroroy, Masbate at patungo sa Port of San Andres sa Quezon nang mangyari ang insidente. Sinasabing dahil sa problema sa electrical wiring kaya bahagyang nasunog ang bahagi ng barko. Agad din namang naapula ng mga crew ang apoy at ligtas…
Read MorePROBE SA 40 LUXURY CARS NG MGA DISCAYA SISIMULAN NA
MAINGAT umanong iimbestigahan ng Bureau of Customs (BOC) ang 40 luxury cars na pagmamay-ari ng mag-asawang Sarah at Pacifico Discaya na inuugnay sa multi-billion flood control projects. Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, sisimulan na ng Aduana ang malalimang imbestigasyon hinggil sa hindi bababa sa 40 luxury cars na pag-aari ng mag-asawang Discaya. Nilinaw ni Comm. Nepomuceno, madali lamang magsimula ng imbestigasyon sa luxury cars na nakaimbak sa commercial establishments gaya ng warehouses, na maisasagawa sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) na kanyang iniisyu. Subalit hindi umano basta-basta magagawa…
Read MoreSOLON KAY BASTE: PROBLEMA SA BAHA SA DAVAO ITANONG KAY POLONG
HINAMON ng isang mambabatas sa Kamara si Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte na tanungin ang kanyang kapatid kung bakit bumabaha pa rin sa kanilang siyudad sa kabila ng napakalaking pondong nakuha nito noong panahon ng kanilang amang si dating pangulong Rodrigo Duterte. Sa press conference kahapon, tila hindi nagustuhan ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., ang pasaring ng batang Duterte na PR stunt lamang ang imbestigasyon sa flood control project anomaly. “Ang suggestion ko kay Mayor Baste, tanungin niya ang kanyang kapatid na Congressman. Magkano ba ang pondong…
Read MoreSa kabila ng mga reklamo PALASYO ITINANGGING SINIBAK SI HERBOSA
ITINANGGI ng Malakanyang na inilagay sa preventive suspension si Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa dahil sa ga-bundok na kontrobersiya na bumabalot dito. “From OP (Office of the President) and OES (Office of the Executive Secretary), wala po as of now na suspension of Sec. Ted,” ang sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang. Si Herbosa ay napaulat na nahaharap sa ilang reklamo, kabilang na ang di umano’y kaso na isinampa laban sa kanya ng mga empleyado ng DoH…
Read MoreTensyon sa ‘Pulong Diyablo’ DEMOLITION TEAM INULAN NG BATO SA TONDO
MAKARAANG paulanan ng bato ng mga residente ang demolition team, natuloy pa rin ang paggiba sa mga kabahayan sa Jose Abad Santos Avenue malapit sa Antipolo St., Tondo, Manila nitong Huwebes ng umaga. Dala ang court order, sinimulang gibain ng demolition team ang mga kabahayan sa lugar ngunit sinalubong sila ng umuulan na mga bato at bote, gayundin ang nagrespondeng mga tauhan ng Jose Abad Santos Station 7 ng Manila Police District. Bunsod nito, sumaklolo ang mga miyembro ng District Mobile Force Battalion, Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) SWAT…
Read More2 TULAK, LOLA TIMBOG SA DROGA
NABITAG ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sta. Mesa Police Station 8 ng Manila Police District, ang isang 49-anyos na target ng operasyon gayundin ang dalawang umano’y kasabwat nito kabilang ang isang 62-anyos na lola, sa ikinasang anti- illegal drug buy-bust operation nitong Huwebes ng madaling araw sa Barangay 592, Zone 58, Sta. Mesa, Manila. Kinilala ang target ng operasyon na si alyas “Allan”, tubong Surigao Del Norte, at nanunuluyan sa Sta. Mesa. Arestado rin ang dalawang umano’y kasabwat nito na sina alyas “Alfred”, 26, at…
Read MoreKASO NG MISSING SABUNGEROS PASOK SA EJK – SOLON
PASOK sa Extrajudicial killings (EJK) ang kaso ng mga nawawalang sabungero na sinimulang silipin ng House committee on human rights at nakatakdang isalang sa full blown investigation ng Quad Committee. Ito ang nabatid kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa isang panayam kung saan nilinaw nito na hindi lamang ang mga biktima ng EJK sa war on drugs ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang pwedeng ipasok sa kategoryang ito. “The means by which these people are being killed and murdered and disposed off, again that’s the classic case…
Read More