CLICKBAIT ni JO BARLIZO WALANG magaganap na power interruption ngayong panahon ng tag-init, sa kabila ng gulo sa Middle East. ‘Yan ang paniniyak ng Department of Energy (DOE) at Meralco. Dapat naman talaga, kahit sabihin pang “more fan in the Philippines” ay iba pa rin ang buga ng hangin mula sa pamaypay kumpara sa galing sa electric fan. Heto pa isang good news, ang kauna-unahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo simula nang sumiklab ang giyera sa Middle East. Nitong Martes ay nagbawas ng P4.43 sa gasolina at P20.89 naman…
Read MoreAuthor: admin 3
AFP PINASINUNGALINGAN ‘CYANIDE STUNT’ SA AYUNGIN
ITINANGGI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang alegasyon ng China na “cyanide stunt” lamang ang ulat tungkol sa mga nakumpiskang kemikal sa Ayungin Shoal. Nauna nang sinabi ng Chinese Embassy in the Philippines na walang kredibilidad ang claim ng Pilipinas hinggil sa umano’y cyanide na natagpuan sa mga Chinese sampans. Ngunit ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea na si Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang mga aksyon ng militar ay nakabatay sa scientific evidence at hindi gawa-gawa. Aniya, halos isang taon ang ginugol upang makumpirma…
Read MoreAÑO OUT; OBAN IN SA NSA
TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibitiw sa puwesto ni National Security Adviser Eduardo Año. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), nagpasya si Año na magretiro matapos ang mahabang panahon ng serbisyo sa gobyerno at militar. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na malaki ang naging ambag ni Año sa pagpapalakas ng national security framework, kabilang ang counterterrorism at internal security efforts ng bansa. Binigyang-diin din ng Palasyo na nakatulong ang liderato ni Año sa pagpapanatili ng katatagan at seguridad ng bansa sa…
Read MoreEXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE VELOSO, PINAG-AARALAN NA NG DOJ
POSIBLENG mabigyan ng executive clemency si Mary Jane Veloso, ayon sa Department of Justice (DOJ). Sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida na kasalukuyang sinusuri ng ahensya ang lahat ng legal na opsyon bago iharap ang rekomendasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. “Everything is possible… kaya lahat pinag-aaralan,” ani Vida. Target ng DOJ na matapos ang pag-aaral sa susunod na linggo, kasabay ng planong pakikipagpulong sa pamilya Veloso upang ipaliwanag ang mga susunod na hakbang. “Tulad ng napag-usapan natin, nasa listahan ko yan ng priority,” dagdag pa niya. Sa kasalukuyan, nakakulong…
Read MoreDOJ PINANGALANAN 3 VLOGGERS SA PEKENG BALITA SA KALUSUGAN NI PBBM
TINUKOY na ng Department of Justice (DOJ) ang tatlong vlogger na sangkot umano sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ito’y matapos muling dumulog sa DOJ ang Presidential Communications Office (PCO) upang magsumite ng panibagong referral kaugnay sa kumalat na fake news. Ayon kay Justice Secretary Fredderick Vida, natukoy na ang mga administrator ng social media pages na nasa likod ng umano’y malisyosong paninira. Kabilang sa pinaiimbestigahan ang mga personalidad na sina: Iloy Bugris: The Queen of Revelations Rigondola Ping Crage Anderpal Dahil dito,…
Read MoreVILLAR, PINARANGALAN MGA NATATANGING LIDER-ESTUDYANTE NG BATCH 2026
KINILALA ni Senador Mark Villar ang husay at pamumuno ng kabataang Pilipino sa ginanap na Mark Villar Leadership Awards para sa Batch 2026. Pinarangalan sa naturang programa ang mga estudyanteng nagpakita ng natatanging liderato, pananagutan, at paglilingkod sa kanilang mga paaralan. Kabilang sa mga paaralang may awardees ang Baybay City Senior High School, Camarines Sur National High School, Iloilo National High School, Leyte National High School, Masbate National Comprehensive High School, Negros Occidental High School, New Ormoc City National High School, at Ormoc City Senior High School. Ayon kay Villar,…
Read MoreIMEE KAY PBBM: POLITIKO SA LIKOD NI MADRIAGA ‘WAG KUNSINTIHIN
NANAWAGAN si Senador Imee Marcos sa kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos na huwag kunsintihin ang mga politikong gumagamit sa nagpakilalang ‘bagman’ ni Vice President Sara Duterte. Kasabay nito, pinalagan ng senadora ang mga alegasyon ni Ramil Madriaga sa Kamara nitong Martes. Direktang tinawag ni Marcos na sinungaling si Madriaga kasabay ng paggiit na walang katotohanan ang sinasabing term sharing nina Pangulong Marcos Jr. at VP Sara. Sinabi ni Marcos na isa siya sa nagsulong ng tandem ng kapatid at ng kaibigan na si VP Sara at wala sa kanilang…
Read MoreNAGKAKALAT NG FAKE NEWS VS PBBM HEALTH TIYAK KAKASUHAN
NAGBABALA ang Malacañang na sasampahan ng kaso ang “malalaking personalidad” na nagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa kalusugan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, nakahanda nang isumite sa Department of Justice (DOJ) ang mga dokumento laban sa mga umano’y fake news peddlers. Kapag naisumite na, ipaaabot din umano sa Malacañang Press Corps ang listahan ng mga sangkot. Nauna nang dumulog sa DOJ si Acting PCO Secretary Dave Gomez upang ireklamo ang isang social media page na nagpapakalat umano ng maling impormasyon. Partikular na pinatutukan ang…
Read MoreIMBESTIGASYON SA PLOT VS PBBM BAHALA NA NBI — MALACAÑANG
IPINAUBAYA na ng Malacañang sa National Bureau of Investigation (NBI) ang imbestigasyon sa umano’y planong pagpapatalsik o pagpaslang kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.. Ito ay kaugnay sa rebelasyon ni Ramil Madriaga laban kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro, mandato ng NBI na imbestigahan ang ganitong uri ng banta, kaya’t hindi na kinakailangan ng direktang utos mula sa Pangulo. “So, hindi na po kailangang mag-utos ng Pangulo… may obligasyon po kayong imbestigahan ito,” ani Castro. Dagdag pa niya, aalamin pa ng Malacañang ang…
Read More