INAANYAYAHAN ng Philippine Postal Corporation ang mga mag-aaral na edad 9 hanggang 15 na lumahok sa 55th Universal Postal Union International Letter Writing Competition for Young People hanggang Abril 10, 2026. Ang tema ngayong taon ay: “Write a letter to a friend about why human connection matters in a digital world.” Layunin ng paligsahan na hikayatin ang mga kabataan na paunlarin ang kanilang kakayahan sa pagsusulat habang pinagninilayan ang kahalagahan ng ugnayan ng tao sa gitna ng pag-usbong ng digital communication. Bukas ang kompetisyon sa mga mag-aaral mula sa pampubliko…
Read MoreAuthor: admin 3
BALASAHAN SA PNP, IPINATUPAD NGAYONG LUNES
NAGSAGAWA ng balasahan sa ilang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw ng Lunes. Pirmado ni Police Major General Constancio Chinayog Jr., Director ng Personnel Records and Management, ang nasabing kautusan na epektibo ngayong Marso 9. Itinalaga bilang Regional Director ng Police Regional Office 4A si PBGen Hansel Marantan na dating hepe ng Highway Patrol Group. Samantala, si PBGen Kenneth Lucas na dating Regional Director ng Police Regional Office 4A ay itinalaga bilang bagong director ng Special Action Force. Pumalit naman kay Marantan bilang hepe ng Highway…
Read MoreNUSTAR Online Brings Fans Closer to OPM at The Rob Deniel Show
Rob Deniel serenades his fans, fondly known as Robbears In line with its long-standing commitment to premium, real-world entertainment, NUSTAR Online served as the major sponsor of The Rob Deniel Show, one of the most anticipated OPM concerts of the year, headlined by Rob Deniel at the iconic Smart Araneta Coliseum. The sold-out night gathered thousands of fans for a landmark performance celebrating both the artistβs biggest career moment to date and the continued evolution of Original Pilipino Music. From his journey as a viral hitmaker to commanding one of…
Read MoreFLASHBACK NG KRISIS SA LANGIS
EDITORIALΒ NOONG 1973 oil crisis, namahagi o nagbigay ng rasyon ang pamahalaan ng regular at premium gasoline sa mga may-ari ng sasakyan at iba pang gumagamit ng produktong petrolyo. Nagkaroon ng krisis sa produktong petrolyo matapos magdeklara ang Arab Oil Petroleum-Exporting Countries (OPEC) ng oil embargo simula Oktubre 1973. Ang paghihigpit ng OPEC oil exports at produksyon ay bunsod ng pagputok ng ikaapat na giyera ng Arab at Israel. Ang hakbang ng Pilipinas ay parte ng mahigpit na hakbang upang tipirin ang limitadong supply ng enerhiya. Sa panahon pa rin…
Read MoreP112-M SHABU NASABAT SA NAIA: MGA ISMAGLER WALANG LUSOT SA KAMAY NA BAKAL NI NEPO!
PUNTO DE BISTA ni BAMBI PURISIMA ISANG malaking dagok sa sindikato ng ilegal na droga ang muling naitala nang masabat ng Bureau of Customs (BoC)βNinoy Aquino International Airport (NAIA) ang tinatayang P112 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa NAIA Terminal 1 noong Pebrero 28, 2026. Isang Malaysian national ang naaresto nang ma-flag para sa masusing inspeksyon ang kanyang bagahe. Sa loob nito, natuklasan ang 16.526 kilo ng puting kristal na hinihinalang methamphetamine hydrochloride o mas kilala bilang shabu. Tinatayang nasa P112,376,800 ang standard drug price ng nasabing kontrabando. Isinagawa ang…
Read MorePAMUMUNO NI MAYOR RUFFY BIAZON NA MAY MALINAW NA DIREKSYON PARA SA MUNTINLUPA
TARGET ni KA REX CAYANONG SA panahon na hinahanap ng mamamayan ang mga konkretong hakbang mula sa kanilang mga pinuno, mahalaga ang malinaw na plano at seryosong aksyon upang mapabuti ang serbisyo ng pamahalaan. Ito ang ipinakita ni Mayor Ruffy Biazon matapos niyang ihain ang pitong mahahalagang panukala sa Sangguniang Panlungsod ng Muntinlupa na naglalayong palakasin ang kaayusan, seguridad, at kapakanan ng mga residente. Ang mga panukalang ito ay hindi lamang simpleng polisiya kundi malinaw na pagpapakita ng isang pamahalaang nakatuon sa pangmatagalang pag-unlad. Mula sa Free Bicycle Parking Ordinance…
Read MoreDAWLAH ISLAMIYA SUB-LEADER NAPATAY
ISANG aktibong Dawlah Islamiya sub-leader na kumikilos sa Cotabato province, ang napatay nitong Linggo sa military operation sa bayan ng Banisilan lalawigan ng Cotabato. Kinilala ni Maj. Gen. Jose Vladimir Cagara, commander ng 6th Infantry Division, ang napatay na sub-leader ng Dawlah Islamiya-Hassan Group na si Amarudin Kulaw, alyas “Alpha King,” na minsang nagsilbing “Amir” (pinuno) ng DI Hassan Group. Batay sa ibinahaging impormasyon, nakatangap ng intel report ang Philippine Army hinggil sa presensya ni Kulaw sa Barangay Tinimbacan, Banisilan, Cotabato province kaya agad nagsagawa ng operasyon ang military bandang…
Read MoreDUBAI TRAVEL NG BULACAN VICE MAYORS IIMBESTIGAHAN
POSIBLENG imbestigahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Commission On Audit (COA) ang mga vice mayor sa lalawigan ng Bulacan na bumiyahe patungong Dubai, United Arab Emirates, matapos ang panibagong isyu na kumakalat ngayon sa social media na ang kanilang pagbiyahe ay personal pero nag-release umano ng government funds. Nabatid sa nasabing post sa social media na sa isang panayam kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque, sinasabing mayroon pinirmahan ang alkalde na travel authority para sa kanyang bise alkalde na si Vice Mayor Cris Castro. Base…
Read More4 MOTOR INARARO NG TRUCK; 2 PATAY, 3 SUGATAN
RIZAL – Patay ang isang rider at angkas nito habang sugatan ang tatlo pang driver ng motorsiklo matapos na sila ay araruhin ng isang dump truck na nawalan ng preno habang nakahinto sa stop light sa Marilaque highway, Brgy. Sampaloc sa bayan ng Tanay sa lalawigan noong Biyernes ng hapon. Batay sa imbestigasyon ng Tanay Municipal Police Station, bandang alas-2:30 ng hapon nang mawalan umano ng preno ang dump truck habang bumabagtas sa J.P. Rizal Avenue patungo sa Sampaloc proper. Sinubukan pa umanong iwasan ng driver ng truck ang sasakyan…
Read More