PINASIMULAN na ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2ID) ang pagtatatag ng National Guard, na itinuturing na hudyat ng pagwawakas ng CAFGU era, kasunod ng ginanap na Donning of Ranks and Patch Ceremony sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal. Ayon sa 2ID, ang hakbang ay tanda ng isang makasaysayang pagbabago sa auxiliary force ng dibisyon, matapos opisyal na ilunsad ng Army 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang kanilang National Guard. Sa ilalim ng kapangyarihan ng 2ID, maaari umanong i-redesignate ang mga personnel hanggang company-sized units, kabilang ang mga dating kabilang…
Read MoreAuthor: admin 3
DOT NAKIPAGTULUNGAN PARA SA FLIGHT INCENTIVES SA CEBU
NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Tourism sa Cebu Pacific at Hotel, Resort, and Restaurant Association of Cebu Inc., (HRRACI) upang mag-alok ng flight incentives at accommodations promos upang makaakit ng mas maraming bisita sa Cebu matapos ang mga nagdaang kalamidad. Ang pagtutulungan ay isinapormal noong Biyernes sa pamamagitan ng memorandum of understanding na nilagdaan sa paglulunsad ng “Visit Cebu” campaign. Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, ang inisyatibo ay layon na makatulong na ma-revive ang tourism activities at suportahan ang local businesses at mga manggagawa. Sa ilalim ng kasunduan, ang foreign…
Read MoreTumitinding bangayan ‘SCRIPT’ NI TINIO BINIRA NI POLONG
UMIINIT ang bangayan nina Davao City Rep. Paolo “Polong” Duterte at ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio matapos resbakan ng una ang militanteng mambabatas na kumuwestiyon sa kanyang pag-iikot sa 17 bansa. “Tinio, ano ba talaga ang ipinaglalaban mo? Kasi sa nakikita ng tao, hindi prinsipyo ang hawak mo kundi script na iniabot sa’yo,” pahayag ni Duterte, kung saan inakusahan niya si Tinio ng pagbubulag-bulagan umano sa mga katiwalian ng administrasyong Marcos habang mariing binabatikos ang pamilyang Duterte. Tinanong din ni Duterte kung si Tinio umano ang nakaatas na manguna…
Read MoreANTI-DYNASTY, ANTI-BALIMBING PAPASPASAN SA KAMARA
HINDI lamang ang panukalang anti-political dynasty ang isasailalim sa marathon hearings ng House committee on suffrage and electoral reform kundi pati na rin ang panukalang batas laban sa mga tinaguriang “political butterflies” o mga politikong balimbing. Ayon kay Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng komite, magsasagawa sila ng lingguhang pagdinig simula Enero upang mapabilis ang pagtalakay sa mga panukalang batas na nakabinbin sa kanilang tanggapan. “Ang gagawin natin, by January, ang nais ng aking committee ay magkaroon ng weekly committee hearing para mapadali itong lahat na nairefer…
Read MoreKasunod ng pananakit sa Pinoy fishers NAVY PINARERESBAK NA SA WPS
NANAWAGAN si Mamamayang Liberal (ML) party-list Rep. Leila de Lima na panahon na para aktibong umeksena ang Philippine Navy (PN) sa West Philippine Sea (WPS) kasunod ng umano’y pag-atake ng China Coast Guard (CCG) sa mga Pilipinong mangingisda sa Escoda Shoal. Ayon kay De Lima, hindi na lamang Philippine Coast Guard (PCG) ang tinatarget ng China kundi maging ang mga sibilyang mangingisda sa loob mismo ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. “China is now after our civilian fisherfolk. This is all happening within our own EEZ. It is high…
Read MoreFLOOD CONTROL PROJECTS NG BRENTMIN ROOFING PINAIIMBESTIGAHAN
LUMITAW ang isa na namang kumpanya na nakakopo umano ng maraming proyekto sa flood control projects sa bansa. Inaasahang mapapabilang sa mga bubusisiin ng Senado sa pagpapatuloy na imbestigasyon ang mga nakuhang proyekto ng Brentmin Roofing Enterprise. Batay sa datos mula 2022 hanggang 2024, nakakuha ang Brentmin Roofing ng 22 proyekto na umabot sa halagang P1.1 bilyon, bukod sa mga naunang proyekto nito mula pa noong 2021 pababa. Bukod sa flood control, sinasabing nakapasa rin ito sa ibang government projects tulad ng farm-to-market roads. Ayon pa sa ulat, hindi naiulat…
Read MoreDRIVING SCHOOL SA CAVITE, NILOOBAN
CAVITE – Tinatayang P77,000 halaga ng cash at gadgets ang tinangay ng isang lalaki na nanloob sa isang driving school sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Ang pinasok ng ‘di nakilalang lalaki ay ang Team Aces Driving School sa Timalan, Concepcion, Naic, Cavite. Base sa pinanood na footage sa CCTV, tinatayang bandang alas-4:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang nasabing driving school sa pamamagitan ng pagtanggal sa window type air-conditioning unit at nang makapasok ay tinangay ang dalawang unit ng Acer laptop (P50K)…
Read MoreRETIRED POLICE NILIKIDA SA SABUNGAN
SAMAR – Dead on arrival sa pagamutan ang isang 57-anyos na retiradong pulis matapos pagbabarilin ng lone gunman sa loob ng sabungan sa Barangay San Policarpio, Calbayog City sa lalawigan. Ayon sa PNP-Police Regional Office 8, nanonood ng sabong ang biktimang si “Noynoy”, residente ng Barangay Monbon, Sta. Margarita, Samar, sa isang cockpit arena sa loob ng Ipao Sports Complex dakong alas-8 ng gabi nang dikitan ng hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril. Mabilis namang nakatakas ang suspek na namataang nakasuot ng gray na long sleeve at itim na short…
Read More3 DRUG PERSONALITIES NADAKMA NG PDEA
ZAMBOANGA DEL SUR – Tatlong drug personalities kabilang ang isang medical health worker, ang dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 9 (PDEA RO9) sa Barangay Cogon sa lalawigan noong Sabado ng madaling araw. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, naaktuhan ng mga tauhan ng Regional Special Enforcement Team (RSET) ang nasabing medical worker at dalawang iba pa sa sinalakay na drug den sa Vincenzo Sagun. Kinilala ang mga nadakip sa mga alyas na “Bai,” 28; “John”, 19,…
Read More