3 ABOGADO HINILING SA SC NA MAISAPUBLIKO ANG DRAFT NG SENATE BLUE RIBBON REPORT SA FLOOD CONTROL PROBE

HINILING ng tatlong abogado, sa pangunguna ni Eldrige Marvin Aceron, sa Supreme Court na utusan ang Senate Blue Ribbon Committee na ilabas ang draft partial committee report nito kaugnay ng kontrobersyal na imbestigasyon sa mga proyektong flood control. Kasama ang mga kapwa abogado na sina Sikini Labastilla at Purificacion Bartolome-Bernabe, naghain si Aceron ng Petition for Mandamus and Certiorari sa Korte Suprema na kumukwestiyon sa pagtanggi ng Blue Ribbon Committee na pagbigyan ang kanilang hiling na kopya ng naturang partial committee report. Sa liham na may petsang Pebrero 23, 2026,…

Read More

CAYETANO SUPORTADO DALAWANG PANUKALA PARA SA PROTEKSYON NG PERA NG OFWs

BUONG suporta ang ipinahayag ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano sa dalawang panukalang batas na naglalayong protektahan ang overseas Filipino workers (OFWs) laban sa hindi patas na singil sa remittance at tulungan ang kanilang mga pamilya na maayos na mapamahalaan ang perang ipinapadala sa Pilipinas. Nilagdaan ng senador ang committee report para sa Free OFW Financial Education Act noong Pebrero 25, 2026 at ang overseas Filipino workers’ Remittance Protection Act noong Pebrero 26, 2026. Ayon kay Cayetano, matagal na niyang isinusulong ang kapakanan ng mga OFW na tinawag niyang…

Read More

Naghatid ng P1.2-B surplus, BOC FEBRUARY TARGET NALAGPASAN

NAPANATILI ng Bureau of Customs (BOC) ang matatag na momentum sa kita sa unang bahagi ng 2026, matapos lumampas sa target ng koleksyon para sa Pebrero ng mahigit P1.2 bilyon. Ito ang ikalawang sunod na buwan ngayong taon na nakapagtala ang Bureau ng higit sa inaasahang performance. Batay sa paunang datos, nakapagtala ang BOC ng P73.798 bilyon na koleksyon noong Pebrero, lumampas sa target na P72.592 bilyon ng humigit-kumulang P1.206 bilyon, o tinatayang 1.7 porsyento. Ito ay mas mataas kumpara sa koleksyon noong Pebrero 2025 na P71.765 bilyon, na nagpapakita…

Read More

HALOS P.5-B SMUGGLED YOSI NASABAT NG PHIL. NAVY

HALOS kalahating bilyong pisong halaga ng smuggled cigarette ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine Navy-Western Mindanao Naval Command sa inilunsad na dalawang Maritime Operations. Ayon sa ulat na ibinahagi ng punong himpilan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas, matagumpay na nasabat ng WMNC, sa pamamagitan ng kanilang Naval Task Force 61, ang smuggled foreign cigarettes na may kabuuang Final Estimated Market Value (FEMV) na P466,515,728.29 sa dalawang magkahiwalay na maritime interdiction operations sa loob ng kanilang Area of Operations. Unang nasabat ng mga pwersang pandagat ang M/V Sun Voyage sa…

Read More

SUSPEK SA PAGPATAY SA 2 MINORS ARESTADO

RIZAL – Pormal nang sinampahan ng kaso ang 18-anyos na suspek sa kalunos-lunos na pagpatay sa pinsan at nobyo nito sa loob ng Old Cemetery sa Sitio Namay, Brgy. San Juan, sa bayan ng Morong noong Linggo ng hapon, Marso 1, 2026. Ayon kay Provincial Director PCol. Eleazar Barber, dalawang bilang ng kasong murder ang isinampa sa hindi pinangalanang suspek, sa Rizal Provincial Prosecutor’s Office matapos ang isinagawang inquest proceedings. Kalunos-lunos ang sinapit ni Russel Hernandez, 12-anyos, at nobya nitong si Rhea Jane Tayaban, 13-anyos na pinsang buo ng suspek,…

Read More

2 PATAY, 3 SUGATAN SA BUMAGSAK NA CHOPPER

RIZAL – Patay ang dalawa katao habang tatlo pa ang malubhang nasugatan sa pagbagsak ng isang civilian chopper sa bayan ng Pililla sa lalawigan nitong Martes ng umaga. Ayon sa ulat ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), isang Bell 505 helicopter ang bumagsak kasunod ng tinangka nitong forced landing sa Barangay Quisao sa bayan ng Pililla. “The aircraft was en route from Manila to Quezon Province when the incident occurred,” ayon sa CAAP. Nabatid na lima katao, kabilang ang dalawang dayuhan, ang sakay ng aircraft nang mangyari ang…

Read More

AFP sa publiko: kalma lang MISSILE NG IRAN ‘DI KAYANG UMABOT SA PILIPINAS

PINAWI ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangamba ng publiko kaugnay sa kumakalat na haka-hakang posibleng targetin ng Iran ang Pilipinas, partikular ang mga Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site. Ayon sa pamunuan ng AFP, walang anomang credible threat o intelihensiyang impormasyon na nagsasabing may bantang pag-atake laban sa bansa. Iginiit ng Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea na si Roy Vincent Trinidad na ang sigalot sa Gitnang Silangan ay isang regional conflict at walang direktang kinalaman ang Pilipinas dito. Ipinaliwanag ni Trinidad na ang pinakamalakas na…

Read More

P1.8-B SIGARILYO, P760-M DROGA NASAMSAM NG BOC

UMABOT sa P1.8 bilyong halaga ng ilegal na sigarilyo at P760 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng Bureau of Customs sa kanilang pinaigting na pambansang kampanya laban sa smuggling, ayon sa inilabas na ulat ni Customs Commissioner Ariel F. Nepomuceno. Nabatid na nakatutok ngayon ang anti-smuggling operation ng BOC sa ilegal na sigarilyo at ipinagbabawal na droga. Nagresulta ito sa pagkakasamsam ng P1.8 bilyong halaga ng smuggled cigarettes at mga materyales sa paggawa ng sigarilyo, at P760 milyong halaga ng mapanganib na droga kasunod ng ikinasa nilang…

Read More

5 PRIORITY DRUG PERSONALITIES NADAKIP NG PDEA

LIMANG itinuturing na priority drug personalities ang nadakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency sa inilunsad na anti-narcotics operation sa Surigao City. Sa isinumiteng ulat sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez mula sa Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 13 (PDEA RO 13), nadakip ang limang drug suspect sa ikinasang buy-bust operation na nagresulta sa pagsamsam sa P420,000 halaga ng hinihinalang shabu. Ayon kay PDEA RO 13 Director Laurefel Lawin Gabales, naglunsad ng joint anti-illegal drug operation sa pangunguna ng Surigao del Norte Provincial Office…

Read More