OVERCHARGING AT UNDERCHARGING SA PAMASAHE PAGLABAG SA PRANGKISA — LCSP

PAREHONG itinuturing na paglabag sa prangkisa ang paniningil ng mas mataas (overcharging) at mas mababang (undercharging) pasahe kaysa sa itinakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Ito ang paliwanag ni Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) founder Atty. Ariel Inton kaugnay ng mga reklamo sa overcharging at undercharging sa pampublikong transportasyon na saklaw ng mga regulasyon ng LTFRB. Ayon kay Inton, sa ilalim ng Joint Administrative Order No. 2014-01, kapwa itinuturing na franchise violation ang dalawang uri ng paglabag sa itinakdang pamasahe. Karaniwang reklamo ng mga pasahero…

Read More

LPG PLAYERS, INALMAHAN PUBLIC CONSULTATION SA DOE DAHIL SA UMANO’Y IREGULARIDAD

UMALMA ang National LPG Alliance of the Philippines Inc. (NLAP) at iba pang independent LPG dealers at stakeholders sa isinagawang public consultation ng Department of Energy (DOE) hinggil sa panukalang guidelines para sa LPG Cylinder Swapping Centers dahil sa umano’y iregularidad sa proseso. Ginanap ang konsultasyon sa DOE gym sa Taguig City sa pangunguna ng Oil Industry Management Bureau (OIMB). Ayon kay NLAP President Jose “Jojo” Cruz, kuwestiyonable umano ang paunang proseso dahil limitado sa dalawang kinatawan lamang ang pinapayagang dumalo sa conference room at hindi rin pinahihintulutan ang media.…

Read More

NEPOMUCENO, NAG-IWAN NG MAS MATATAG AT MAS PINAGKAKATIWALAANG BUREAU OF CUSTOMS

NAG-IWAN ng mas matatag, mas nagkakaisa at higit na pinagkakatiwalaang institusyon si Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa paghahanda niyang ipasa ang pamumuno ng Kawanihan sa susunod na mamumuno nito. Sa inilabas na pahayag ng BOC, sinabi na higit pa sa mga nakamit sa pangongolekta ng kita at pagpapatupad ng batas ang pamana ni Nepomuceno, dahil naitatag din niya ang mga repormang nagpalakas sa integridad, pananagutan at modernisasyon ng ahensya. Mula nang maupo sa puwesto noong Hulyo 2025, itinaguyod ni Nepomuceno ang programang Integrity, Accountability, and Modernization…

Read More

PROBLEMA SA PENSIYON NG ASAWA NG PULIS, NAAYOS NA NAMIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO LUMAPIT sa aming programa si Gng. Celia de Guzman, biyuda ng pulis na si Romy de Guzman, na sumakabilang buhay na noong nakaraang taon. Humingi ng tulong sa aming programa ang ginang dahil sa tagal ng proseso ng paglilipat ng pensiyon ng asawa sa kanya, na mag-iisang taon na kung hindi ito naayos. Hindi naman bago sa amin ang mga reklamo na may kinalaman sa benepisyo ng mga pulis at karamihan ng mga natanggap naming reklamo dati ay may kinalaman sa kakulangan ng mga dokumento kaya…

Read More

HUWAG NANG MAGTAKDA NG HALAGA SA NOCHE BUENA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA panahong patuloy na tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, hindi na dapat magtakda ng halaga ang pamahalaan kung magkano ang sapat na gastusin ng isang pamilyang Pilipino para sa kanilang Noche Buena. Para sa Department of Trade and Industry (DTI), kasya na ang P1,000 para sa Noche Buena ng isang pamilya. Aba, dati P500 ang pinag-uusapan, ngayon ay P1,000 na. Tumaas na nga ang halagang itinuturing na sapat, kasabay ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Ngunit tila mas tumaas pa ang kilay ng…

Read More

CONTENTMENT

Hope ni GUILLER VALENCIA SABI ni St. Paul sa Philippians 4:11-12, “I have learned to be CONTENT in whatever circumstances I am. I know how to get along with humble means, and I also know how to live in prosperity”. Remember, prior to conversion to Christianity of St. Paul, isa siyang educated and affluent and haven’t written this verse about contentment. However, nang isulat niya ito ay nakaraan na siya ng persecution sa kapwa niya mga Romano na katulad niya noon ay taga-usig ng mga Christians. Aside from persecutions, naranasan…

Read More

KALUSUGANG PANGKAISIPAN, DAPAT BIGYANG-PANSIN – GOV. SOL ARAGONES

TARGET ni KA REX CAYANONG HINDI lahat ng karamdaman ay nakikita sa katawan. May mga taong nakangiti at nakikisalamuha sa iba, pero sa likod nito ay may mabigat na problemang dinadala. May ilan na dumaranas ng matinding lungkot, takot, pag-aalala at iba pang suliraning hindi nila madaling maibahagi sa kanilang pamilya o kaibigan. Kaya mahalagang bigyang-pansin ang kalusugang pangkaisipan. Hindi ito dapat ikahiya o ituring na kahinaan ng isang tao. Mahalaga ang pagkakaroon ng sapat na serbisyong medikal para sa mga nangangailangan ng tulong. Isa sa mga serbisyong ito ang…

Read More

PNP TINIYAK MAXIMUM TOLERANCE SA MGA RALLY SA 49TH ASEAN SUMMIT

PAIIRALIN ng Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance sa mga grupong magsasagawa ng kilos-protesta kasabay ng pagdaraos ng 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa bansa. Tiniyak ni PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na nakahanda ang pambansang pulisya sa pagbibigay ng seguridad at pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong panahon ng summit. Hiniling din ni Nartatez sa mga organizer ng iba pang aktibidad na isagawa na lamang ang kanilang mga programa pagkatapos ng summit, alinsunod sa panawagan ng ASEAN National Organizing Council bilang pagpapakita…

Read More

ZAMORA, LAPID PINANGUNAHAN GROUNDBREAKING CEREMONY NG PINAGLABANAN TOURIST CENTER

PINANGUNAHAN nina San Juan City Mayor Francis Zamora at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) Chief Operating Officer Dr. Mark Lapid ang groundbreaking ceremony ng Pinaglabanan Tourist Center and Souvenir Shop nitong Huwebes, Nobyembre 12. Nagkakahalaga ng ₱17.1 milyon, ang proyekto ay pinagtutulungang isinusulong ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan at TIEZA upang higit pang mapaunlad ang makasaysayan at pangkulturang turismo sa lungsod at Metro Manila. Kabilang sa proyekto ang pagtatayo ng dalawang-palapag na pasilidad na magkakaroon ng tourist information center, souvenir shop, coffee shop, mga kainan sa loob…

Read More