ILEGAL NA KALAKARAN SA NEW BILIBID PRISON, PINALULUSOT NG ISANG ‘CONSULTANT’?

ITINURO ang isang consultant ng Bureau of Corrections (BuCor) na siyang nagpapalusot ng mga ilegal na kontrabando sa New Bilibid Prison (NBP). Inirereklamo umano ng mga inmate ang hindi pinangalanang consultant na pinaniniwalaang dahilan kaya hindi nakararating sa kanila ang mga padalang ‘cashless transaction’ ng kanilang mga kamag-anak. Ayon sa reklamo ng mga kamag-anak ng PDLs, isang nagpakilalang ‘consultant’ ng BuCor ang kalimitang binabanggit nila na naghahari-harian sa loob ng NBP na tila hindi alam ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. Sa ilang larawan na ipinadala ng isang…

Read More

Sa gitna ng maugong na destab plot BBM DUMALO SA AFP COMMAND CONFERENCE

INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na “i-reconfigure” o muling isaayos ang pagtugon sa rebelyon, sakuna o kalamidad at usapin sa West Philippine Sea. Sa gitna ng hindi humuhupang isyu ukol sa destabilisasyon, mismong ang Pangulo ang nagsabi na nais nitong dumalo sa command conference ng AFP nitong Lunes at magbigay ng kanyang gabay sa commanders sa field, ayon kay AFP chief Romeo Brawner Jr. “He said that we needed to reconfigure our approaches to dealing with different threat groups,” ayon kay Brawner.…

Read More

Destab plotters kaalyado ‘HUDAS’ NASA KAMPO NI MARCOS

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) MISTULANG ganito ang nais ipahiwatig ni Senador Imee Marcos matapos sabihin na mayroon ngang pagtatangka na pabagsakin ang administrasyon ng kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Naniniwala rin ang senadora na mula mismo sa loob ng kampo ng Pangulo ang umugong na destabilisasyon ngunit hindi ito nagbigay ng karagdagang detalye. Aniya, nagkausap na sila ng nakababatang kapatid ukol dito at ipinagkibit-balikat lamang umano ito ng Punong Ehekutibo. Bagaman pinayuhan na umano niya ang kapatid, binalaan na rin ng senadora ang mga nagtatangka o destabilization plotter.…

Read More

HOUSING PROJECT NG QUEZON ITATAYO SA GENERAL NAKAR

BILANG pagsuporta at pagtugon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Quezon sa pangangailangan ng mga kababayang nagbalik-loob sa pamahalaan, inilunsad ni Governor Doktora Helen Tan ang BALIKATAN Village o BAhay at LIngap sa mga KAbabayang Tumugon At Nagbalik-loob sa Pamahalaan, sa Brgy. Pamplona, Gen. Nakar, Quezon. Pinasinayaan ang BAYANIHAN Village sa humigit kumulang isang hektaryang loteng pinahihiram ng Pamahalaang Bayan ng Gen. Nakar, Quezon sa loob ng limang dekada sa bisa ng Usufruct agreement sa pagitan ng dalawang pamahalaang lokal. Ang naturang pabahay ay proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan at itatayo sa pagtutulungan…

Read More

DALAGA PINATAY, ITINAPON SA CREEK

CEBU – Natagpuang walang buhay noong Lunes ang isang dalaga makaraang dumalo sa sayawan sa Barangay Camugao, sa bayan ng Pinamungajan, sa lalawigan, sinasabing pinaslang ng kanyang kamag-anak na lalaki. Ayon sa report ng Pinamungajan Police, nadiskubre ang bangkay ng 21-anyos na biktimang si Jocelyn Samillon na nakalubog sa creek sa nasabing lugar at natatakpan ng mga dahon. Nabatid sa imbestigasyon, ang biktima ay huling nakitang buhay noong Sabado ng gabi habang nasa sayawan sa pista ng isang barangay malapit sa kanilang lugar. Inaresto naman ng mga awtoridad sa kanyang…

Read More

CONSTRUCTION SITE SA SEMENTERYO NILOOBAN, KAWATAN NAPATAY

TAYABAS CITY – Pinasok ng nasa limang magnanakaw ang barracks ng construction site ng isang mausoleum sa private cemetery sa Barangay Mayowe sa lungsod nitong nitong Martes ng madaling araw. Nadiskubre ang krimen dakong umaga nitong Martes sa Heaven’s Garden Memorial Park. Ayon sa salaysay ni Christian Gallo, 23, caretaker ng ginagawang museleo, dakong alas-2:45 ng madaling araw nang magising siya at maaktuhan ang hindi kilalang mga lalaki na ninanakaw ang isang cutting machine at mixer ng semento. Nang sitahin niya ay binaril siya ng isa sa mga suspek gamit…

Read More

JEEP TUMALON SA BANGIN SA BOHOL, 12 SUGATAN

BOHOL – Umabot sa 12 ang sugatan matapos mahulog ang isang pampasaherong jeep sa hindi kalalimang bangin sa gilid ng kalsada sa Barangay Mansasa, Tagbilaran City sa lalawigan noong Lunes ng tanghali. Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction Office ng Bohol, patungo ang jeep sa bayan ng Sevilla mula sa terminal nito sa Barangay Dao, Tagbilaran nang mangyari ang insidente. Ayon sa driver, nawalan ng preno ang jeep kaya sinadya niya itong ibangga sa railings para maiwasang mahulog sa mas malalim na bahagi. Pero lumusot pa rin ang jeep at…

Read More

CASE FOLDERS NG MGA PULIS PINABUBUSISI

ISINUSULONG ng concerned groups na magkaroon ng imbentaryo ang pamunuan ng Philippine National Police ng kanilang mga tauhan na nahaharap sa iba’t ibang kaso. Kasabay nito ang pagsusuri sa kanilang case folders at status ng kanilang mga kaso matapos na lumutang ang ulat na may ilang case folder ng mga pulis na may kaso, ang posibleng nawawala. Nabatid na bunsod nito, ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Benjamin Acorda Jr., sa lahat ng PNP regional directors na imbestigahan ang report hinggil sa posibleng pagkawala ng mga case…

Read More

Sa pagbabago ng isip ng Senado tungkol sa Cha-cha NAPATAWAG SA ‘PRINCIPAL’S OFFICE’ – GARBIN

BUMUWELTA si dating House Committee on Constitutional Amendments Chairman Alfredo Garbin Jr. matapos akuin ng Senado na inatasan sila ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na manguna sa pag-amyenda ng economic provisions ng 1987 Constitution. Ayon kay Garbin na dating kinatawan ng Ako-Bicol Party-list, nagbago lang naman ang posisyon ng Senado sa Charter change (Cha-cha) matapos makipagpulong sina Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri at iba pang miyembro ng Senado kay Pangulong Marcos. “Ang nangyari ngayon parang ‘yung Senado ang pinatawag ng principal eh. Pinatawag ng principal, ‘Punta kayo…

Read More