DATING PULIS, 4 PA ARESTADO SA P2.5M DROGA

KALABOSO ang limang indibidwal kabilang ang isang dating pulis, sa ikinasang drug buy-bust operation noong Martes ng hapon sa Barangay Cahaguikican, Pototan, Iloilo.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng drug buy-bust operation ang Iloilo Provincial Drug Enforcement Team 2 (PDEU2) sa Barangay Cahaguikican na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek.
Nakumpiska sa kanila ang 415 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na mahigit P2.5 milyon.

Kinilala ang mga naaresto na sina alyas “Garry”, 46; “Rolly”, 47, dating pulis; “Bert”, 48; “Warren”, 23, at “Arnick”, 37-anyos.

Dalawa sa limang naaresto ay tinaguriang High Value Individuals (HVIs) habang ang tatlo ay Street-Level Individuals (SLIs).

Sa ngayon nakakulong ang mga suspek sa Pototan Municipal Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(TOTO NABAJA)

68

Related posts

Leave a Comment