GAGASTUSIN ng pamahalaan sa tama at ilalaan sa mga nararapat na proyekto at serbisyong inaasahan ng mamamayan ang P5.768 trilyon na 2024 National Budget. Ito ang tiniyak ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at sinabing, “our 2024 budget ay galing sa pawis ng mga tao kaya dapat lang na gamitin ito sa tama”. “Ito ang ginagawa natin ngayon dito sa mga budget hearing sa Kongreso to make sure walang masayang sa buwis na binayad ng mga tao kaya we have to scrutinize every peso and every centavo na hinihingi ng…
Read MoreAuthor: admin 5
Makati-Taguig territorial case hindi ejectment WRIT OF EXECUTION HINDI KAILANGAN
KINATIGAN ni dating Press Secretary Trixie Cruz Angeles ang posisyon ng Taguig City na hindi kailangan ng writ of execution para ipatupad ang takeover ng Taguig sa EMBO barangays sa basehang hindi ejectment case ang kaso at malinaw ang desisyon ng Korte Suprema na turnover ang dapat gawin ni Makati City Mayor Abby Binay. Sa kanyang vlog post na Luminous ay hinimay ni Angeles ang usapin ng turf war sa pagitan ng dalawang lungsod, ipinaliwanag ni Angeles na isang abogado, na kung titignan ang 53 pahinang desisyon ng SC sa…
Read MoreMAS MARAMING RENEWABLE ENERGY KAILANGAN NG BANSA
ISINUSULONG ni Senador Win Gatchalian ang mas maraming renewable energy (RE) projects sa bansa upang makatulong na mapababa ang halaga ng kuryente at matiyak ang sapat na suplay. Batay sa datos mula sa Manila Electric Co. (Meralco), ang renewable energy plants ay nagbibigay ng pinakamurang generation cost kung ihahambing sa coal-fired at gas-fired power plants. Ipinakita ng datos na noong buwan ng Hulyo, ang mga coal plant ang may pinakamataas na average generation cost na nasa P8.0978 per kilowatt hour (kWh) habang ang gas-fired power plants ay may average generation…
Read MoreLALAKI TUMALON SA RILES NG LRT 1
MASUSING inaalam ng mga awtoridad kung bakit naisipang tumalon ng isang 26-anyos na pasahero ng Light Rail Transit 1 sa Southbound lane ng Blumentritt Station, noong Sabado ng umaga sa Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila. Naputol ang kaliwang paa, mula sa ibaba ng tuhod, nasugatan sa ulo at sa balikat ang biktimang si Reggie Sudaria ng Parañaque City. Base sa ulat na nakarating kay Police Lieutenant Colonel Ramon Czar Solas, commander ng Manila Police District-Jose Abad Santos Police Station 7, bandang alas-5:00 ng hapon nang iparating ng Jose Reyes Memorial…
Read MoreBAGONG SAN ILDEFONSO SUBSTATION NG MERALCO
Pinasinayaan kamakailan ng Meralco ang bagong San Ildefonso 69 kV – 13.8 kV Substation na matatagpuan sa kahabaan ng Pan-Philippine Highway (Daang Maharlika) sa San Ildefonso, Bulacan. Ang bagong substation ay makababawas sa load ng kalapit na San Miguel Substation 33-MVA power transformer banks 1 at 2, at makapagbibigay ng karagdagang kapasidad na 50 MVA upang tugunan ang lumalaking pangangailangan sa mga bayan ng San Ildefonso, at San Miguel sa lalawigan ng Bulacan. Bahagi ng proyektong ito ang pagtatayo ng isang (1) three-phase power transformer na may on-load tap changer,…
Read MoreTEVES NAKAHANAP NG KAKAMPI KAY ALVAREZ
MATAPOS kuwestyunin ni Senator Chiz Escudero ang naging hakbang ng Anti-terrorism Council (ATC) na ideklarang terorista si Negros Oriental 3rd district Congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. ay muling nakahanap ng kakampi ang kongresista makaraang pumalag sa hindi makatarungang hakbang ng Kongreso si dating House Speaker Pantaleon D. Alvarez. Ayon kay Alvarez, hindi katanggap-tanggap ang rekomendasyon ng ethics committee na patalsikin ang isang inihalal ng taumbayan bilang kongresista base lamang sa alegasyon at post nito sa social media na nagiging tinik sa lalamunan ng ilang matataas na opisyales ng gobyerno. Sa…
Read MoreUNRESOLVED CASES NG MGA PULIS REREPASUHIN – PNP CHIEF
PINARE-REVIEW ni Philippine National Police chief, P/Gen. Benjamin Acorda Jr. ang nakabinbin at hindi pa nareresolbang mga administratibong kasong kinahaharap ng ilang mga pulis. Kasunod ito ng mga pagkuwestiyong natanggap ng Pambansang Pulisya kaugnay sa hindi pa rin pagsibak sa isang tauhan ng Navotas City Police Station na dawit sa mistaken identity incident na ikinamatay ng binatilyong si Jemboy Baltazar. Ipinasisilip ni General Acorda ang mga administratibong kasong nakasampa laban sa mga pulis na matagal nang nakabinbin. Pag-amin ni Acorda, sa ngayon ay maraming mga kaso ang naiipon sa National…
Read MoreBABY DINUKOT SA OSPITAL SA BINANGONAN
RIZAL – Isang kasisilang pa lamang na sanggol ang dinukot ng isang babaeng nagpanggap na nurse sa Margarito Duavit Hospital sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon. Ayon sa report ng Binangonan police, dakong alas-1:30 ng hapon, pumasok ang suspek na nakasuot ng uniform ng nurse, sa kuwarto ng mag-ina at nagpakilalang nurse ng ospital. Sinabi nito sa bantay na si Joana Marie Jobillano, lola ng sanggol, na kailangang dalhin ang bata sa laboratory para sa newborn screening. Habang naglalakad ang dalawa sa hallway, sinabi ng…
Read More4 TULAK SA TONDO LAGLAG SA KALABOSO
BINITBIT ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District-Ermita Police Station 5, ang apat na hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Manila. Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Wilson”, “Johnrey”, Wendell at “Kathleen”, pawang nasa hustong gulang. Base sa ulat na isinumite ni Police Lieutenant Colonel Gilbert Cruz, station commander, kay MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, bandang alas-7:30 ng gabi, ikinasa ang buy-bust operation sa Abad Santos Street, Barangay 226 sa Tondo, sa pangunguna ni…
Read More