BAUTISTA BINIRA SA SABLAY NA PAGPAPATUPAD NG CLA

TILA lumalampas na umano sa kanyang kapangyarihan si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa pag-uutos na iwasang singilin ang container deposits mula sa mga broker, at sa halip ay mag-subscribe sa Container Ledger Account (CLA), ayon sa isang source mula sa logistics industry. “The SoTr (secretary of transportation) cannot validly issue an order adopting the CLA “ultra vires,” anang source. Giit niya, ang Office of the Secretary ay mayroon lamang direct line supervision at kontrol sa regional offices ng departamento. Ang DoTr ay dapat umanong responsable para sa…

Read More

Opisyal ng casino ininguso si Speaker sa US court OKADA ‘BRIBERY’ KAY ROMUALDEZ

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NALAGAY sa kontrobersya si House Speaker Martin Romualdez matapos idawit sa usapin ng suhulan sa Manila casino. Sa ulat na inilabas ng Japan Times, nakasaad na lumapit umano ang mga opisyal ng Japanese entertainment company na kasalukuyang may ‘merger fight” sa Manila casino resort, sa isang Filipino legislator upang tulungan silang muling makuha ang kontrol sa property, ayon sa isang special purpose acquisition company na inasunto ang Universal Entertainment. Sa inihaing kaso noong nakaraang Lunes sa Delaware Chancery Court, sinabi ng SPAC, 26 Capital Acquisition, na…

Read More

VOUCHER SYSTEM SA MGA ESTUDYANTE, TARGET PALAWAKIN MULA KINDER HANGGANG GRADE 6

NAIS ni Senador Win Gatchalian na palawakin ang tulong pinansyal ng pamahalaan sa mga mag-aaral na nasa mga pribadong paaralan at isama ang mga Kindergarten hanggang Grade 6. Sa ngayon ang senior high school lang lamang ang nabibigyan ng tulong pinansyal ng gobyerno sa pamamagitan ng Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (GASTPE) sa ilalim ng Republic Act No. 6728 (Government Assistance to Students and Teachers in Private Education Act) na inamyendahan na ng Republic Act No. 8545 (Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private…

Read More

PCG binomba na naman ng tubig CHINA DAPAT UTAKAN SA WPS

HINIMOK ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel ang gobyerno partikular ang Philippine Coast Guard na bumuo ng ‘sensible plans’ sa pagharap sa Chinese Coast Guard sa West Philippine Sea. Ito ay kasunod ng panibagong insidente ng panghaharas sa PCG na nasa re-supply mission sa Ayungin Shoal. “Dapat ‘mautakan ng PCG ang CCG on our resupply missions’. They should come up with sensible plans behind closed doors,” pahayag ni Pimentel. Hindi naman pabor si Pimentel na panahon nang igiit ang Mutual Defense Treaty ng Pilipinas at Estados Unidos. “Use diplomacy…

Read More

3 BABAE, 1 PA SINILBIHAN NG WARRANT SA KULUNGAN

DALAWANG babae ang sinilbihan ng arrest warrant sa loob ng Correctional Institution for Women sa Mandaluyong City dahil sa kasong estafa noong Biyernes ng gabi. Kinilala ang mga inaresto na sina Vilma Villamin, 55, at Diseree Saludo, 54-anyos. Habang isang 34-anyos na jobless naman na may kasong murder, ang sinilbihan ng warrant of arrest ng mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, sa loob ng Male Dormitory sa Manila City Jail nitong Biyernes ng umaga. Kinilala ni MPD Director Police Brigadier General Andre Dizon, ang…

Read More

BINTI NG TAO INILUWA NG DAGAT

HINIHINALANG pinatay sa ibang lugar bago pinaghiwa-hiwalay ang katawan ng isang hindi pa kilalang babae o lalaki, na natagpuan ang putol na binti habang palutang-lutang sa karagatang sakop ng Barangay 15 sa Pier 118, Tondo, Manila noong Sabado ng umaga. Ayon sa ulat ng Manila Police District – Raxabago Police Station 1, isang tawag sa telepono ang kanilang natanggap hinggil sa isang bahagi ng katawan ng tao na nakitang palutang-lutang bandang alas-9:50 ng umaga sa karagatan sa APRON 680, MSW Berth 5, Pier 16, Brgy. 118, Tondo. Agad ipinagbigay-alam ang…

Read More

LIDER, MIYEMBRO NG 2 DRUG GROUP SA QUEZON TIMBOG

QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang isang lider at isang miyembro ng dalawang drug group sa Quezon Province sa magkahiwalay na anti-illegal drug operation sa mga bayan ng Tiaong at Candelaria noong Sabado at nitong Linggo. Ayon sa report ng Quezon PNP, dakong alas-9:30 noong Sabado ng gabi nang matimbog ng mga tauhan ng Tiaong Police ang suspek na si Edgar Mercado, 46, sa buy-bust operation sa Sitio Tondo, Brgy. Tagbakin, Tiaong. Si Mercado ay nakatala bilang high value individual (HVI) sa PNP drug watchlist, at lider ng Edgar…

Read More

RIDER PATAY SA KURBADA

CAVITE – Patay ang isang 27-anyos na rider nang nawalan ng kontrol sa kanyang manibela nang dumaan sa isang kurbadang bahagi ng kalsada at bumangga sa poste ng ilaw sa Trece Martires City nitong Linggo ng madaling araw. Naisugod pa sa General Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si Jeromani Colobong y Cabanatuan, 27, ng Carosucan Sur, Asingan, Pangasinan subalit idineklarang dead on arrival dahil sa matinding pinsala sa katawan. Ayon sa ulat, minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo habang binabagtas ang kahabaan ng Governor’s Drive galing ng General Trias City…

Read More

OBRERO NAKURYENTE HABANG NAGPIPINTURA

CAVITE – Patay ang isang 23-anyos na construction worker nang makuryente habang nagpipintura sa Bacoor City noong Sabado ng umaga. Hindi na nadala pa sa ospital ang biktimang si Gerald Castillo y Escano, binata, ng Brgy. Molino 3, Bacoor City, na nalagutan ng hininga sa pinangyarihan ng insidente. Ayon sa ulat, nagpipintura ang biktima kasama ang kanyang ninong na si Joel Villarama y Casas, 50, sa firewall ng ikalawang palapag ng bahay na pagmamay-ari ng isang Joey Caringgan sa nabanggit na lugar, dakong alas-10:30 ng umaga. Dahil tirik na ang…

Read More