BATANGAS – Arestado ang dalawa katao, kabilang ang isang AWOL na pulis sa buy-bust operation sa bayan ng Sto. Tomas sa lalawigang ito, noong Lunes ng hapon.
Kinilala ng Sto. Tomas City Police ang mga arestado na sina Ray Vincent Andaya alyas “Vetsin” at Rex Garzon y Guevara, isang pulis na nasa AWOL status simula pa noong Agosto 2016.
Batay sa report, isinagawa ng mga tauhan ng Sto. Tomas Police ang buy-bust operation sa Barangay San Rafael at nakabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer.
Pagkaraan ay hindi nakapalag ang mga suspek nang posasasan ang mga ito ng mga awtoridad.
Nakumpiska ang apat na sachet ng umano’y shabu sa mga suspek na nakakulong na sa Sto. Tomas Police Station lock-up cell. (NILOU DEL CARMEN)
156 