BINIGYAN ng pamahalaan ang local authorities ng mas maraming oras para maipamahagi ang ayuda na nakalaan sa 22.9 million low income individuals para makaagapay sa pinahigpit na COVID-19 restrictions.
“In-extend ang deadline na makumpleto ang pamamahagi ng financial assistance hanggang a-15 ng Mayo 2021,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Some local governments appealed for the deadline’s extension, citing the ban on mass gatherings. The automated or house-to-house aid distribution methods are also being tweaked to make them “more flexible,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Matatandaang binigyan lamang ng 15 araw ang local governments para ipamahagi ang cash aid para sa mga residente sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal provinces, na isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ), itinuturing na “toughest lockdown level,” mula Marso 29 hanggang Abril 11.
Nag-shift naman ang mga nasabing lugar sa modified ECQ hanggang Abril 30.
Hanggang apat na miyembro ng bawat pamilya ang makakakuha ng P1,000 kada isa.
Sinabi pa ni Sec. Roque na ang naipamahagi pa lamang ng mga awtoridad na ayuda ay P4 billion mula sa P22.9-billion funds. (CHRISTIAN DALE)
