BABAE PUWERSAHANG ISINAKAY SA MOTORSIKLO, LALAKI ARESTADO

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Arestado ang isang 46-anyos na lalaki matapos umanong manutok ng baril at puwersahang isakay sa motorsiklo ang isang babae sa Barangay Cabuco, Trece Martires City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si alyas “Guiller,” residente ng Sunshine Package 3, Brgy. Cabuco. Nahaharap siya sa kasong Grave Threats, Grave Coercion, at paglabag sa RA 10591 kaugnay ng paggamit ng replica firearm.

Batay sa ulat, nasa loob ng isang gadget store sa Sunshineville, Package 2 ang mga biktimang sina “Cecile,” 40, pump attendant, at “Marianne,” 32, cashier, nang dumating ang suspek bandang 4:30 ng hapon sakay ng motorsiklo.

Unang tinutukan ng baril si Cecile nang tangkain nitong hadlangan ang suspek na lapitan si Marianne. Dahil sa takot, wala umanong nagawa ang mga biktima at puwersahang isinakay si Marianne sa motorsiklo.

Agad na humingi ng tulong si Cecile sa mga awtoridad na nagresulta sa mabilis na pagkakaaresto sa suspek at pagkarekober ng baril na kalauna’y napatunayang replica.

(SIGFRED ADSUARA)

32

Related posts

Leave a Comment