PCG SUBSTATION COMMANDER, 7 TAUHAN SINIBAK SA PAGKAWALA NG DIVER BOAT

PANSAMANTALANG sinibak sa puwesto ang PCG Sta. Ana Substation commander at pitong tauhan kaugnay ng pagkawala ng MBCA Amejara na may sakay umanong 11 diver at 4 crew sa Davao Oriental.

Isang tripulante lamang, si Christopher Bulig, ang nasagip.

Ayon kay CGDSEM deputy commander Macy Gabion, ang mga inilipat na personnel ay ire-reassigned sa district headquarters habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.

“As of today, the investigation is ongoing, and the Philippine Coast Guard, particularly CGDSEM, will not preempt the results. Our focus remains on search and rescue operations, as time is critical,” ani Gabion.

Patuloy ang search and rescue sa ikaapat na araw, katuwang ang PNP Maritime Group at local disaster teams.

21 Pinoy Crew ng MV Devon Bay Nasagip

Samantala, umabot na sa 17 Pilipinong tripulante ang nasagip mula sa lumubog na Singaporean-flagged MV Devon Bay, ayon sa China Coast Guard. Dalawa ang kumpirmadong patay, isa ang kritikal, at apat pa ang hinahanap.

Nagpadala ang CCG ng dalawang sasakyang-dagat at nag-deploy ng military aircraft para sa joint rescue operation. Ayon sa PCG, nasa loob ng Philippine EEZ ang huling lokasyon ng barko, at patuloy ang koordinasyon sa international rescuers.

(JESSE RUIZ)

44

Related posts

Leave a Comment