BABAENG TULAK ISINELDA SA P.5-M SHABU

MAHIGIT kalahating milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District sa isang babaeng umano’y tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation noong Lunes ng gabi sa Carlos Palanca Sr. Street, Barangay 647, San Miguel, Manila.

Kinilala ang suspek na si Lalain Kusain, 32-anyos, dalaga, tubong Maguindanao City, jobless, at residente ng Sucat, Parañaque, City

Ayon kay Police Lieutenant Roberto Mupas, commander ng MPD- Barbosa Police Station 14, bandang alas-10:40 ng gabi nang isagawa ang nasabing operasyon sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 80 gramo ng hinihinalang shabu na P544,000 ang street value.

(RENE CRISOSTOMO)

187

Related posts

Leave a Comment