BABAENG TULAK TIKLO SA BUY-BUST

DAVAO del Sur – Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang babae makaraang matimbog sa ikinasang drug-bust operation ng mga awtoridad sa lalawigang ito, alas-8:20 ng gabi noong Biyernes.

Ang suspek na kinilalang si Joan Marañan Banate, 35, dalaga, ay nadakip sa pinagsanib na operasyon ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Digos City Police Station (DCPS) at iba pang ahensya ng Davao del Sur Police Provincial Office, sa Lapu-Lapu Superhighway, Chapter 9-A, Brgy. Aplaya, Digos City.

Ayon kay Lieutenant Col. Vici Anthony Tababa, director ng DCPS, nakuha mula sa suspek ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu na 0.16 gramo ang timbang. (DONDON DINOY)

179

Related posts

Leave a Comment