KINAPOS SA BUDGET, KASAMBAHAY NAGTULAK NG SHABU

KALABOSO ang isang kasambahay makaraang magtulak umano ng ilegal na droga para may maidagdag sa pambili ng pangunahing pangangailangan sa Navotas City.

Sa karsel humantong ang suspek na si Maria Cecilia Sy y Valeriano, 43, ng Blk. 9-C, Lot 35, Phase II, Area III, Brgy. Longos, Malabon City, sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Dinampot ang suspek sa Buenaventura St., Brgy. Tangos North, Navotas City alas-3:30 ng madaling-araw makaraang bentahan ng shabu ang isang undercover na parak.

Nakumpiska mula sa suspek ang 3.4 gramo ng shabu na tinatayang P23,120 ang halaga, buy-bust money at P300 cash. (ALAIN AJERO)

198

Related posts

Leave a Comment