BAGO pumasok ang pandemyang COVID-19 sa buhay nating lahat, ang internet ay tila para lamang sa mga taong may kakayahang gumastos para rito. Para naman sa mga mayroong serbisyo ng internet sa kanilang bahay o sa kanilang smartphone, hindi ganoon kalaking isyu ang mabagal na internet.
Ngunit ngayong patuloy ang paglago ng bilang ng mga positibong kaso ng COVID-19 hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, ang internet ay isa na sa mga pangunahing pangangailangan ng mga konsyumer, lalo na’t laganap na ang pagpapatupad ng mga online class at karamihan ay nasa ilalim ng work-from-home setup bilang hakbang upang mapigilan ang pagkalat ng nasabing virus.
Bunsod ng mas lumalaking pangangailangan ng mabilis at maaasahang serbisyo ng internet, mas mainam para sa mga konsyumer ang mas maraming opsyon sa kung anong provider ang maghahatid ng nasabing serbisyo sa kanilang tahanan.
Napakahalaga rin na ang serbisyong ito ay abot-kaya ang halaga dahil maging ang mga pamilyang kapos sa badyet ay nangangailangan na rin ng serbisyong ito.
Upang tugunan ang nasabing pangangailangan, isang kumpanyang may kakayahang makapagbigay ng mabilis at maaasahang serbisyo ng internet sa halagang pasok sa badyet ng mga tahanan ang inilunsad kamakailan.
Ito ay ang RED Broadband, ang resulta ng pagsasama ng Cignal TV at Radius Telecoms. Layunin ng kumpanyang ito na makapaghatid ng serbisyo ng unlimited na fiber broadband at payTV sa tahanan ng bawat pamilyang Pilipino.
Ang Radius Telecoms, Inc. ay buong pagmamay-ari ng Meralco. Ito lamang ang nag-iisang kumpanya ng telekomunikasyon na naghahatid ng end-to-end na uri ng serbisyo ng fiber optic sa bansa.
Ang Cignal TV naman ay isa sa mga nangungunang kumpanya sa bansa na nagbibigay ng serbisyo ng Direct-to-Home satellite na may 120 na channel kasama ang free-to-air, SD, and HD channel.
Ang pagsasanib-pwersa ng dalawang nasabing kumpanya ay pinaniniwalaang maghahatid ng pinakamahusay na serbisyo ng internet sa mga konsyumer na kukuha ng serbisyo nito.
Ang opisyal na paglulunsad ng RED Broadband ay pinangunahan ng mga pinuno ng Cignal at ng Radius kasama si Meralco President at CEO Atty. Ray C. Espinosa, Radius Telecoms President at CEO Exequiel C. Delgado, Cignal TV President at CEO Robert P. Galang, Radius Telecoms COO Jenevi L. Dela Paz at Cignal TV CFO John L. Andal.
Sa kalagayan ng kumpetisyon sa pagitan ng mga provider sa merkado, may puwang pa para sa bagong kalahok lalo na kung ang bagong kumpanyang ito ay desididong makapagbigay ng mahusay at mataas na uri ng serbisyo sa abot-halaga.
Naniniwala si Delgado na ang RED Broadband ang makapaghahatid ng serbisyong ito. RED Broadband ang maghahatid ng serbisyong magbibigay ng kakaiba at positibong karanasan sa mga konsyumer.
Ang RED Broadband ay nagsisilbing alternatiba sa mga konsyumer na maaaring makapagbigay ng mas magandang serbisyo sa mas abot-kayang halaga.
Ang mainam pa rito ay maaaring makapili ang mga customer ng uri ng base plan na aayon sa kanilang pamumuhay.
May opsyon din ang mga ito na magbago ng plan ng serbisyo na naaangkop sa kanilang badyet at pangangailangan.
Sa panahon ngayong kailangan makabangon ng bawat isa mula sa epekto ng pandemya, napakahalaga ng pagkakaroon ng mahusay na serbisyo ng internet sa abot-kayang halaga.
Ako ay naniniwala na malaki ang potensyal ng RED Broadband na makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng ating bansa sa kinalaunan.
Ito ay makapagbibigay ng pag-asa at muling makapagbubukas ng oportunidad para sa mga taong lubusang naapektuhan ng pandemyang COVID-19.
