BAHAGI NG SENADO NASUNOG

NILAMON ng apoy ang isang bahagi ng gusali ng Senado kahapon ng umaga.

Ayon kay Senate President Tito Sotto, agad namang naapula ang apoy sa Legislative Technical Affairs Bureau na nagsimula alas-6:30 ng umaga.

Dakong 7:43 ng umaga ay idineklarang under control ang sunog bago idineklarang fire out alas-8:50 ng umaga.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng insidente at sinusukat ang lawak ng pinsala.

Nagkaroon naman ng tagas patungo sa Session Hall mula sa naapektuhang palapag.

Tiniyak naman ni Sotto na ligtas at hindi naapektuhan ang lahat ng mahahalagang dokumento ng Senado, kabilang ang mga hawak ng Blue Ribbon Committee.

“Rest assured that all pertinent Senate documents remain intact, safe, and completely unaffected by the fire,” saad ni Sotto.

Nakikipagtulungan na ang Senado sa BFP at sa internal security upang tiyakin ang kaligtasan ng mga empleyado at gusali, at maiwasan ang kahalintulad na insidente sa hinaharap.

Samantala, magtatrabaho anya nang magdamag ang maintenance team ng Senado upang matuyo at maibalik sa maayos na kondisyon ang Session Hall para sa sesyon ngayong Lunes.

(DANG SAMSON-GARCIA)

55

Related posts

Leave a Comment