BAKIT MAS GUSTO ANG MAHAL?

NAGING karaniwang u gali na ng consumers na maghanap ng mura pero kalidad na produkto para makatipid at hindi masayang ang perang pinaghirapang kitain at puwedeng maibili pa ng ibang bagay na kailangan ng pamilya ang matitipid.

Laking Divisoria ako at karaniwang nakaka-engku wentro ng mga mamimili na magtatanong kung magkano ang presyo ng paninda mo, kapag nalaman na nila ang presyo ay sasabihin sa iyo na “ikot muna ako, balikan kita”.

Maghahanap ‘yun ng ibang tindahan na nagbebenta ng produkto na nakita sa ‘yo para ikumpara ang presyo at kapag nakakita ng mas mura sa ibang tindahan doon na bibili pero kapag mas mura ng ilang sentimo ang paninda mo ay babalikan ka niya.

Ang ganitong pagtitipid at pagiging praktikal ng consumers, mayaman man, may kaya man sa buhay o wala ay ayaw gayahin ng gobyerno dahil kung bumili ng mga bagay na kailangan ng mga tao gusto nila ‘yung mas mahal kahit may mura naman.

Taon-taon ay nakaka rinig tayo ng report ng Commission on Audit (COA) na ang mga binili ng mga ahensya ng gobyerno ay overpriced. Wala pa tayong narinig na nakabili ang mga ahensya ng gobyerno ng mga bagay na mas mababa ang presyo kaysa umiiral na presyo sa merkado.

Tulad na lamang nitong face shield at face mask na binili ng Procurement Service ng Department of Budget and Management noong panahon ni Usec. Lloyd Christopher Lao na overpriced.

Bumili ng face mask sa halagang P27.72 kahit ang presyo nito ay P2 hanggang P5 lamang, at P120 ang presyo ng biniling face shield eh ang itinakdang price ceiling ng gobyerno ay P26 hanggang P50 lamang.

Sino ang suppliers na pinagbilhan ni Lao ng face mask at face shield? May koneksyon ba siya sa mga taong gobyerno kaya ginto ang presyo nito at hindi man lang inisip na ang perang ito ay pera ng taumbayan?

Sigurado naman bultu han ang pagbili ng face mask at face shield at hindi paisa-isa dahil P2 billion ang sinasabing halaga na ipinambili ng mga produktong ito na hindi malaman kung saan napunta.

Mas mura kung bultu han ang pagbili kumpara sa paisa-isa o pa isa-isang dosena kaya hindi ka tanggap-tanggap na ganito kalaki ang presyo ng mga face shield at face mask.

Hindi dapat tantanan ng Senado ang isyung ito dahil pera ng bayan ang nawaldas at kailangang seryosohin na rin siguro ang pagpaparusa sa government officials na sangkot sa mga pagbili ng mga overpriced na produkto.

Taon-taon na tayong nakakarinig ng mga overpriced ang binili ng isang ahensya ng gobyerno pero walang napaparusahan. Iniimbestigahan pero walang napaparusahan kaya hindi na ako nagtataka na laging nangyayari ito.

Wala akong naalala na dating at kasalukuyang government officials na nakasuhan at nakulong dahil bumili ng mga bagay na mas mahal kumpara sa umiiral na presyo sa mga palengke.

Kung walang mapa parusahan at mababaon na lamang sa limot ang ganitong mga gawain ng mga opisyales ng gobyerno, magpapatuloy ang pagwawaldas sa pondo ng bayan.

Kahit mga proyekto na overpriced din ay dapat silipin dahil lagi na lang itong nangyayari at kung hindi man overpriced ay palyado ang proyekto dahil tinipid ang mga materyales.

Hindi tuloy maiiwasan na isipin ng mga tao na sinasadyang patungan ang presyo para may maibigay ang mga kasabwat sa pribadong sektor na lagay sa tiwaling mga opisyales na katransaksyon.

191

Related posts

Leave a Comment