HUMIRIT ang mga eksperto ng tiwala ng publiko para sa Food and Drug Administrarion (FDA) ngayong abot-kamay na ang bakuna kontra COVID-19 para sa mga Pilipino.
Ayon kay Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Professor Emeritus sa College of Medicine-UP-Manila Dr. Lulu Bravo, maraming mga eksperto sa FDA na nagsasaliksik sa mga bakunang paparating ng Pilipinas.
Ito’y para masiguro aniya na ang matatanggap na mga bakuna na ibibigay sa mga Pilipino ay ligtas at epektibo.
Giit pa ni Dr. Bravo, daraan ang lahat sa proseso ng FDA para madetermina ang efficacy at safety ng bakunang ibibigay sa publiko.
Kaya ang kailangan aniya ay tiwala sa mga otoridad dahil walang ibang paraan para makabalik sa dati kundi bakuna lang. (CHRISTIAN DALE)
144
